CHAPTER 7

134 23 0
                                    


Ash's POV

'Anak ng-- sino bang peste 'yong nag-lagay no'n doon?'

Dumeretso na ako sa shower room para mag-palit dahil baka mag-kasakit ako kung maliligo pa ako. No'ng matapos akong mag-palit ay nag-ayos lang ako saglit at lumabas.

Napa-hinto ako no'ng narinig ko 'yong pag-ring ng phone ko.

"Yes po, sir?" Tanong ko no'ng 'pag-sagot ko sa call ni Sir.

"Ash, pwede ka ba ngayon?"

"Opo sir, bakit po?"

"Kailangan kasi ng crew ngayon dahil hindi daw makaka-pasok si Lysa, may sakit kasi." Explain n'ya

"Sige po, sir. wala pong problema."

"Salamat. May klase ka pa ba?"

"Wala na po sir. Uwian na po namin."

"Ok lang ba kung dumeretso ka na dito?"

"Sige po, sir."

"Ok" Sabi n'ya at binaba n'ya na 'yong line

Naglakad lang ako pa-punta sa AJ SHOP dahil sa kabilang kanto lang 'yon at malapit lang sa school tsaka sa bahay.

"Himala, first time mong ma-late. Anong nangyari?" Bungad sa 'kin ni Jugs no'ng 'pag pasok sa Shop.

"Hindi Saturday ngayon." Sagot ko at inilapag 'yong bag sa upuan doon.

"Ano?"

"'Hindi Saturday ngayon" Pag-uulit ko sa sinabi ko at umup

"Oo nga"

"Kaya ako late kasi tinawagan lang ako ni sir." Paliwanag ko sa kan'ya para ma-intindihan n'ya kung bakit.

"Oo nga pala, nag-bago na 'yong schedule mo. Every saturday and sunday na nga lang pala 'yong schedule mo."

"Kaya nga."

"Oh, ba't ka nga na-late?" Pag-babalik n'ya sa tanong n'ya.

"Na-basa kasi ako e." Maikling sagot ko

"Na-basa ka lang, nalate ka na?" pama-mrangkang tanong  sa 'kin ni Jugs.

"Hindi kasi patak 'yong pag-kabasa sa 'kin, tubig 'yon, jugs, tubig na marami." Explain ko habang nag-lalakad papunta sa locker ko

"Ay, sorry na 'te. Pa'no nangyari 'yon? Jusko, kakaumpisa lang ng pasukan at may bully na kaagad" Parang stress na sabi ni Jugs at humawak pa sa sentido n'ya.

"Hindi ko rin alam kung pa'no e. Hayaan mo na"

"Pero kilala mo kung sino ang gumawa sa 'yo no'n?"

"Hindi din. Sige na, mag-papalit na muna ako." Pag-puputol ko sa usapan namin

"Gorabels" Sang-ayon n'ya habang pumipilantik pa 'yong kamay

"Ay, ayan ka na pala, paki-suyo naman no'ng dalawa do'n. Ikaw na mag-hatid,  may number naman 'yon kung saang table" Utos sakin ni Jugs no'ng  'pagka-labas ko.

"Sure" Sabi ko tsaka pumunta sa table ng pinag-lalagyan ng mga order

"Here's your order ma'am"

"Oh, thank you"

"Welcome ma'am just call me if you need me"

"Sure" Sabi n'ya at nginitian ko lang s'ya at umalis na

"Oh, Ash. Ba't nandito ka, diba sa Saturday pa duty mo?" Tanong sa 'kin ni Hannah

"Nilalagnat daw kasi si Lysa e." Paliwanag kk

Sky UniversityWhere stories live. Discover now