CHAPTER 45

22 1 0
                                    

Nash's Pov

Ngayon ay ang ikalawang linggo namin ni Jane. Walang araw o oras na hindi kami magkasama. Unti-unti ng nababaling ang atensyon ko kay Jane pero aaminin ko na kung minsan ay naiisip ko si Jane. May parte sa isip at pakiramdam ko na hindi ko maipaliwanag.

Mag-aabot dilim na ng napag-desisyonan namin na maghiwalay ni Jane dahil sa vuong araw kaming magkasama. Dahan-dahan akong pumasok sa bahay ni Ash sa pag-aakalang katulad ng mga nakaraang araw at linggo ay hindi ko maabutan si Ash doon dahil sa trabaho. Bakas ang pagkagulat sa reaksyon ko nang maabutan ko siyang umiinom. Ni hindi manlang niyang natawang tapunan ako ng tingin dahil sa layo ng tingin at sa lalim ng iniisip niya.

"P'wede ba akong umupo dito?" Mahinang tanong ko na sapat lang para marinig niya. Napapahiya man dahil parang hindi niya ako narinig kaya kusa ko nalang hinila ang bangko at kusang umupo.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Gusto kong magtanong pero napag-alaman kong wala naman akong karapatan para magtanong. Ilang beses ko pa siya pinakatitigan bago siya gulat na napatingin dahil sa presensya ko.

"Kararating mo lang?" Mahina ngunit mahihimigan mo ang lungkot sa bawat salitang binibitawan niya habang nag-iiwas ng tingin.

"Kani-kani lang." Ilang na sagot ko na tinanguan lang.

"Kakarating ko lang. Magkasama kasi kami ni Jane." Paliwanag ko kung bakit ngayon lang ako nakauwi "Katulad ng mga nakalipas na araw, nag-ddate at nagpupunta kami sa kung saan-saan." Ang weird ko man dahil nag-eexplain ako kahit na hindi naman siya nagtatanong ay ipinagpatuloy ko parin "Nag-usap na rin kami kasi, you know?" Napahinto ako bigla ng mapansin kong sobrang tahimik niya ngunit nandoon parin ang pakikinig niya. Naiilang man ay pinilit ko kapain at alamin kung ano ang mood niya.

Dahan-dahan siyang umayos ng upo at kinuha ang iniinom niya bago niya ubusin ang laman no'n habang nakatingin sa akin "Kamusta kayo?" Gulat man ay pinili kong ngumiti dahil hindi ko inaasahan ang naging tanong at ang maging pagsasalita niya.

"We're good."

"Nice."

"So, how's your life?" Wala sa sarili kong tanong. Gusto mang bawiin pero nasabi ko na kaya pinanindigan ko nalang.

"Walang bago. Gano'n parin."

"What do you mean by gano'n patin?" I perplexed.

"Nothing. Lonely. Alone." Mabagal na pagkakasabi niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil ramdam ko kung gaano kalakas iyong impact no'n. I know that i'm one of the reason why she felt that way. Hindi ko alam kung paano mag-iiba ng tanong o kung ipagpapatuloy ko pa bang magtanong ng magtanong.

"Sorry." Mabilis na sabi ko habang hinuhuli iyong tingin niya.

"Saan?" Gusto kong matawa dahil sa naiisip kong nagpapanggap lang siya na walang alam pero ni pag-ngiti ay hindi ko magawa. Masyado siyang seryoso para tawanan ko.

"Sa mga ginawa ko sa iyo. Sa mga ipinakita ko sa iyo. Sa mga nasabi ko." Nangangapang sabi ko t nag-iwas ng tingin. Masyado nang makapal ang mukha ko para iparamdam ko sa kaniya ang mga bagay na iyon. Hindi ko alam kung dapat bang may maramdaman ako sa kaniya o kung may nararamdaman nga talaga ako.

"It's ok. Wala namang mali sa iyo," Huminto siya at nagbuntong hininga bago muling kumingon sa akin. Natatakot man akong labanan ang bawat tingin niya ngunit may kung ano sa akin na humihila para tignan ang bawat reaksyon na para bang napakahalaga no'n "nasa akin siguro." Patuloy niya bago mag-unahang tumulo ang luha niya.

Sunod-sunod ang naging paghikbi niya pero heto ako, nqkatingin lang. Nagdadalawang-isip kung dadaluhan ba o papanoorin nalang. Gusto ko mang tumayo pero napako ako sa pagkaka-upo ko. Bigla ay nakaramdam ako ng parang bato na nakabara sa lalamunan ko.

"Alam kong mali. Alam kong hindi dapat. Hindi ko alam kung dapat ko  bang iparamdam at sabihin sa iyo iyon."

"Ok lang. Mali rin ako kasi alam mo iyon, parang nasobrahan ako sa kakahanap ng pagmamahal na galing sa iba kasi..." Tumingin siya sa akin at 'tsaka nagpatuloy sa gustong sabihin "wala ng ibang magbibigay sa akin ng pagmamahal na hinahanap ko dahil wala na akong family at isa pa gano'n ako kabilis naniwala sa iyo kasi 'kala ko  totoo, e. 'Kala ko doon na ulit ako makakaramdam ng pagmamahal." Tuloy-tuloy na sabi niya bago umiyak ng umiyak. Sa bawat paghikbi niya ay hindi ko na dapat alamin kung masakit na dahil sa bawat paghikbi niya ay malalamn mo kaagad kung gaano kasakit.

"No. Sorry. Hindi ko dapat sinabi sa iyo iyon lalo na kung hindi talaga ako sure.  I don't know if it is Love or it is only a infatuation." Napapahiyang sabi ko.

"But if you're really aware, you know the difference between infatuation and that's freaking Love." Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.

"Exactly, i know the difference of the two but there's something bothering me." I defend.

"I guess you're not totally aware on it." She said durectly in my eyes."

"Sorry" Tanging nasabi oo dahil feeling ko ay nauubusan na ako ng mga salita.

"Can you please, distance your self from me?" Walamg alinlangang sabi niya.

"Ha?" Tanging nasabi ko dahil hindi ko alam kung paano ako mag-rereact.

"I mean, we're not totally close to each other but can you do me a favor?" Nangungumbinsing sabi niya "Can you please distance yourself from me?" Taning niya bago muling umiyak. Nag-iwas nalang ako ng tingin dahil alam kong mali ako. Gusto ko mang punasan ang bawat luhang tumutulo sa kaniya pero para akong napako sa kinauupuan ko at hinayaan siyang maging gano'n.

"Why?" Alam ko naman kung anong dahilan pero nakuha ko paring magtanong.

"Because if you know the feeling of being happy because of the simple word and that feelings while it came pala sa kasinungalingan" Sandali siyang nagsalin sa lalagyan niya at muling ininom ang laman. "Alam mo, minsan iniisip ko na ang daming kulang sa akin. To the point na i compare myself from the others then in the end, kinakain ako ng lungkot. Napupuno ako ng katanungan."

Ilang minuto kaming naging tahimik. Gusto kong i-consider ang sarili ko dahil sa pagiging duwag dahil sa simpleng pagtitig niya ay para na akong nanghihina. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Naguguluhan ako. Basta ang alam ko, nagkamali ako. Sandali akong npatingin kay Ash na ngayon ay naka-sandal na sa inuupuan niya. Tinitogan ko lang siya para alamin kung anong emosyon niya pero ga o'n na lang ang gulat ko ng nagmulat siya ng tingin at malungkot na ngumiti.

"Please, if you don't know the feelings of being alone. If you don't know the feelings of being lonely, please, Distance yourself because i assure to you how hard i am facing my own life. How hard waking up everyday  but i have no choice but to continue my life. Sana sa pagkakataon na naguguluhan ka, mas piliin mo sanang nag-isip ng paulit-ulit bago ka gumawa ng desisyon. Kasi alam mo iyon, iyong feelings na may magbibitaw sa iyo ng salita at magpapakita ng actions tapos in the end, hindi pala sigurado. Ang sakit no'n, e. Kung hindi mo pa ramdam sa ngayon iyon, parang awa mo na, ako na nagsasabi sa iyo, masakit iyon. Sobrang sakit. Masakit mapag-isa. Masakit umasa at higit sa lahat... Sobrang sakit maiwan." Iyon nalang ang huling mga salitang binitawan niya bago tuluyang yumuko sa lamesa at pumikit.

Thank you for voting and reading my story, i hope you like it💙

Sky UniversityWhere stories live. Discover now