Nash's Pov
It's Christmas!
Maaga akong nagising ngayon. Wala akong balak gawin ngayon. Wala akong ibang plano. Lahat ng nakagawian ko dati tuwing christmas ay hindi ko ginawa. Sa ngayon, ang gusto ko pang gawin at ang pinaghandaan ko pang gawin ay ang surpresahn at makasama si Ash ngayong pasko. Gusto ko mang sabihin na ang s'werte niya dahil sa akin, pero mas napangiti ako nang maisip na mas s'werte pala ako.
Masyado pang maaga para sa paghahanda. Inaantok man ay pinilit kong bumangon. Mas nadagdag ang excitement ko no'ng wala akong matagpuan na Ash sa baba. May oras pa ako para makapag-ayos.
Isa-isa kong inayos ang paglalagay ng mga pinamili ko sa sofa at hinintay ang pagbaba niya. Ramdam ko na ang gutom pero mas pinili kong maghintay. Maya-maya ay naramdaman ko na ang pagbaba niya. Bakas sa itsura niya ang gulat nang maabutan ako sa baba.
"Good morning." Bati niya at bumaling sa kumpol-kumpol na pnamili ko para sa kaniya.
"Ang dami mo namang regalo." Tipid na ngiti niya at pinasadahan ulit ng tingin ang mga nasa paper bag.
"Maliit na bagay lang iyan para makabawi ako." Tugon ko at muling tumingin sa kaniya. "Bilang pasasalmat na rin."
"Ah. Kakarating mo lang?"
"Hindi, late na ako nakauwi." Paliwanag ko
"Ah, kaya pala hindi kita naaubutan dito."
"Pero ikaw naman ang naabutan ko dito." Natawa ako ng maalala ko kung paano ko siya naabutan kagabi sa sofa.
"Ha? Ikaw nag-akyat sa akin sa taas?" Gulat na tanong niya matapos pasadahan ng tingin ang suot niya.
"Ako nga. Naabutan kasi kita na natutulog sa sofa. Halatang pagod ka kaya inakyat kita sa room mo." Paliwanag ko
"Nakakahiya. Ang baho ko na no'n for sure." Natawa kami parehas.
"Wala naman iyon. Maliit na bagay."
"Sa sobrang pagod at sa sobrang antok ko, hindi ko namalayan na nakatulog ako doon. 'Kala ko pa ako lang mag-isa ang umakyat sa taas, ikaw pala ang nagpanik sa akin." Nahihiyang sabi niya. "Salamat."
Ngumiti ako bilang tugon "Welcome."
"Anyway, wala kang balak na mag-christmas ngayon?"
"Ikaw ba?"
"Wala naman akong dapat puntahan. Wala namang dahilan para mag-celebrate ako." Mahihimigan sa boses niya ang lungkot
"Talaga?" Masiglang tanong ko. It is the time para makilala at maka-bonding ko si Ash. This is the time para maayos ko na kung anong mali ko.
"Oo. Ikaw ba?"
"Wala naman. Ano, ready ka ngayon?"
"Saan?"
"Kahit saan. Tara, tayo nalang ang mag-celebrate." Agad namanng nagliwanag ang mukha niya.
"Talaga? Nakakahiya naman." Nahihiyng sabi niya.
"Walang nakakahiya doon, ano ka ba?"
"Sige, saan tayo?"
"Kahit saan. Game ka?"
"Game ako."
"Nice." Nagpalitan kami ng ngiti "Anyway, p'wede bang isa sa mga ito ang suotin mo ngayon?" Tanong ko at itinuro ang mga pinamili ko.
"Hindi naman s akin iyan, e." Inosenteng sabi niya
"Sa iyo iyan." Nakaniting sabi ko at inilahad sa kaniya ang bawat paper bag na naglalaman ng mga pinamili ko
YOU ARE READING
Sky University
RomancePeople will come and go to your life. Sabi nila kapag may umalis, may darating and that's the great blessings of our God. Life is fair kasi lahat tayo nakaka-ranas ng pagiging unfair. Makuntento tayo kung ano lang 'yong meron tayo. Life must go on a...