CHAPTER 36

33 6 0
                                    

Nash's Pov

This is it. Ngayon iyong exam namin kaya pumasok na ako. Alam kong any time ay may kakausap sa akin regarding sa naging reason nang pag-absent ko.

Sakto lang ang oras nang naging pasok ko dahil wala pa iyong adviser namin pero may iilan na rin akong classmate na nandoon. May iilang nagtanong sa akin kung bakit daw ang tagal kong nag-absent pero wala akong naging sagot kung 'di ay wala lang. Umupo na ako sa dulong bahagi nang room at hinintay na magsimula iyong klase.

"Nandiyan na si Sir!" Sigaw ni Mark dahilan para magkagulo iyong mga classmate ko.

"So mukhang ready na pala iyong karamihan sa inyo."

''Hala, hindi pa sir."

"Sandali, mag-rereview lang ako, sir."

"Sir, start na ba kaagad ang exam?"

"Sabi ko na e, dapat pala nag-review nalang ako e."

"Hala, nakipagharutan pa ako e."

"Hala, kinakabahan na ako."

"Okay, panibagong hula ko nanaman ito."

"Guys, pakopya ako."

Natatarantang sabi nila dahil kanina ay may kaniya-kaniya silang ginagawa no'ng bago dumating si Sir. Halos lahat ay kung anu-ano ang ginagawa; may nag-kkwentuhan, may naghahatutan, may nag-rereview, may nakabantay sa pinto, may nang-aasar pero ako, ito, naka-upo at tahimik silang pinapanood.

"Class, 'wag kayong magkagulo, lahat kayo babagsak kaya kumalma kayo." Tumatawang biro ni sir.

"Sir naman e, masyado mo kaming pinapakaba." Tumatawamg reklamo ni Shane

"Nagsasabi lang ako nang totoo kaya sige na, bumalik na kayo sa p'westo niyo." Utos ni sir kaya nagkagulo ulit at nagbalikan sa mga p'westo nila.

Dumating na si Sir at mag-istart na iying exam pero hanggang ngayon wala parin si Ash. No'ng nagising ako kanina ay naabutan ko siyang paalis na. 'Kala ko late na siya magigising dahil ala una na no'ng natulog ako dahil inaantok na ako. Pero mas nuna pa siyang nagising kaysa sa akin kanina dahil may kailangan pa daw siyang daanan kaya maaga siyang aalis.

"Keep all your things inside your table. I don't want to see anything except to your paper and pen." Sir command to us. Lahat kami ay sumunod na at naghihintay sa sunod na mangyayari.

"Oh, nandiyan ka na pala, Nash." Bati ni sir no'ng iaabot na niya iyong test paper sa akin.

"Yes sir."

"Can i have a seconds to you?"

"Yes sir." Sagot ko at tumayo na. Naunang lumabas si Sir nang classroom na sjnundan ko dahil ako iyong huli niyang binigyan nang exam dahil ako iyong nasa pinaka likod.

"Do you have a problem?" His tone is very sincere and it affect my emotions. Feeling ko ay para akong nakaroon nang bato na nakaharang sa lalamunan ko kaya naging mabagal ang paghinga ko lara pigilan ang namumuong luha sa mata ko.

"Nothing sir." Nakayukong sagot ko at umiiwas nang tingin.

"Masyado bang private iyong problema mo?"

"No, sir."

"Alam mo anak, minsan mas mabuti iyong shine-share natin iyong problema natin sa iba para may advice rin tayona i-ttake. H'wag kang mahiya or matakot na mag-open up sa akin; sa mga co-teachers ko, kami nga iyong pangalawang magulang niyo, diba?"

"Kaya ko naman po sarili ko, sir. Thank you po sa concern." Sagot ko at tumingin sa mga estudyanteng late na nasa ground floor.

"Sige, irerespeto iying naging desisyon mo pero kapag hindi mo na kaya at kailangan mo nang malalapitan nandito lang kami nang mga teachers mo na handang makinig sa iyo."

"Yes sir, thank you po."

"Alam kong may pinagdadaanan ka ngayaon kaya nag-absent ka. Hindi na bago sa akin iyong ganiyang dahilan kaya naiintindihan kita." Sabi niya at hinuli iyong tingin ko. ''Lagi mo lang iisipin na lahat nang tao ay nagkakaroon nang problema, nasa atin nalang iyon kung paano natin sosolusyonan iyong problema. Hindi pa huli ang lahat kaya may pagkakataon ka pang mag-isip, umintindi at magpatawad." Dagdag niya habang hindi inaalis iyong paningin sa akin. Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi niya.

"Alam mo anak, hindi araw-araw nasa taas ka nang gulo, minsan kailangan mo rin umikot at maramdaman kung gaano kasakit ang lahat nang problema kasi sa problemang iyon, mas lalo tayong lumalakas. Kung masyado nang masakit iyon para sa iyo, pwede kang tumigil at magpahinga tapos lumaban ka ulit-- ang mahalaga patuloy kang lumalaban sa hamon nang buhay."

"Okay lang po ako sir, salamat po."

"Okay ka ba talaga?"

"Opo sir."

"Sige, kung handa ka nang magsabi o mag-kwento ay 'wag kang magdalawang isip na lumapit sa amin."

"Opo. Salamat po."

"Kung ano man iyang dinadala mo, alam kong kaya mo iyqn. Marami ka namg problema na pinagdaana mo noon na nakaya mo kaya imposibleng hindi mo makaya ulit iyan ngayon.

"Opo sir. Kaya ko po. Salamat po sa advice niyo."

"Wala iyon, ginagawa ko lang iyong responsibility ko bilang teacher. Sana may aral kang nakuha sa akin."

"Marami po akong aral na nakuha, sir."

"Mabuti naman kung gano'n. Sige na, pumasok ka na at mag-sagot nang exam."

"Salamat po, sir." Tugin ko at pumasok na sa loob.

Naabutan ko si Ash na kakapasok lang rin nang room at halatang pagod dahil sa tumutulong pawis na nanggagaling sa noo niya. Umupo na ako at nagsimulang magsagot.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naging excited mag exam kahit na may konting conflict akong dinadamdam. Sa vawat pagbasa ko nang questionaire ay alam ko na kaagad ang sagot dahil tandang-tanda ko la kung ano ang mga tinuro ni Ash kaya naging madaki sa akin iyong pagsagot.

Katulad namg naunang exam ay naging madali lang sa akin ang lahat. Halos hindi ko na tinatapos iyong pagbasa sa tanong-- basta nakita ko na iyong keyword ay sinasagutan ko na kaagad.

Lumingon ako kay Ash na ngayon ay halatang tapos na sa pagsasagot dahil may panibago nanaman siyang ginagawa. Mabili ang nagiging sulat niya at ang paglipat nang bawat papel na sa tingin ko ay iyong mga nagong activity namin na pinapa-record sa kaniya. Sa totoo lang ay ngayon lang ako naramdam nang awa sa kaniya dahil sonrang dami niya palang ginagawa at kailangang gawin. Kung ako ang nasa sitwasyon niya ay malamang baka sumuko na ako. Halata sa itsura niya ang pagod at luyat dahil sa pinagsasaby niya iyong gawain sa School at sa trabaho. Idagdag mo pa iyong sa gawaing bahay at iyong mga pina-asikaso sa kaniya nang mga teacher.

Habang tinititigan ko siya ay mas narerealized koang naging mali ko kaya nakokonsensya ako. Ngayon ko lang rin na-appreciate kung gaano kaganda si Ash. Nagulat ako sa naging biglaang pagbilis nang puso ko, ewan ko kung bakit, pero feeling ko ay iba na ito kaysa sa normal na tibok nang puso ko. Alam kong hindi tama pero h'wag naman sanang maging mali.

Thank you for voting and reading my story, i hope you like it💙

Sky UniversityWhere stories live. Discover now