CHAPTER 48

19 1 0
                                    

Nash's Pov

"I miss you" Malungkot na sabi ni Lolo Kyrone. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Tumugon ako sa yakap niya. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko pero mas nangingibabawa ng pagkamiss ko kay Lolo.

Tahimik kong tinanaw and dalawang grupo ng pamilya na kaniya-kaniyamg nagkakamustahan. Bawat isa ay sabik na makita ang bawat isa. Mababakas ang saya na dulot ng christmas celebration sa kanilang mukha. Marahan kong dinama ang lamig ng hangin bago ako bumitaw sa yakap.

"Kamusta Lo, namiss kita!" Masiglang bati ko

"Wala namang bago, gwapo parin naman ako." Biro niya

"Kailan ba ulit ang laro natin ng basketball?" Tanong ni Lolo Sky habang nakangiti.

"Kayo lang namang ang busy."

"Yeah. Sige, maglaro tayong tatlo kapag wala na kaming masyadong ginagawa."   Inakbayan ako ni Lolo Kyrone at ngumiti bago nagpatuloy "Sa ngayon, hayaan mo munang tapusin namin ang bawat ginagawa namin."

"Yeah, i understand naman, Lo. Actually wala naman nang bago doon, kayo lang naman ni Lolo Sky ang nandiyan palagi para sa akin even in my ups and down."

"Sorry. We promise na babawi kami." Dagdag ni lolo Sky.

"Makakapaghintay naman ako."

Sa ilang taon akong nabubuhay dito sa mundo, hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila. Sa kanilang dalawa ko lang nararamdaman ang tunay na saya. Sila ang nandiyan sa akin kapag wala akong malalapitan. Kapag wala ang parents ko. Alam ko kung gaano sila ka-busy sa kanipang ginagawa pero nagagawan nila ng paraan para mabigyan ako ng konting oras. Para maging masaya ako. Para hindi ako malungkot.

Napangiti ako ng maalala ko ang bawat araw no'ng bata pa ako sila ang nagpapasahan sa pag-aalaga sa akin dahil wala akong ibang sinasamahan kung 'di ay sila lang. Nandiyan sila kahit na konting iyak ko. Sila ang naging katuwang ko hanggang sa mgkaroon ako ng malay. Palagi silang handa sa kahit na akong mangyari.

No'ng bata pa ako ay wala akong ibang kalaro maliban sa kanila. Kahit na matatanda na sila ay nagpapakabata sila para sa akin. Kahit na paulit-ulit kong hinihelera ang mga sasakyan ko ay nandiyan sila. Simula sa pag-kalat ng bawat laruan ko hanggang sa pakikipaglaro sa akin ng paunahan ng sasakyan ay hindi nila ako iniwan. Sila ang nag-train sa akin ng basketball. Sila ang naging kalaban at kakampi ko sa bawat laro. Sila ang palaging nagpapaligo sa akin no'ng bata ako. Walang araw na pumalya sila sa mga ginagawa dapat ng isang ina at magulang. Wala araw na hindi ako kakain na hindi sila kasabay. Walang araw na matutulog ako na hindi ko sila nakikita. Sila ang naging takbuhan ko palagi. Sila ang naging inspiration ko bawat araw.

Habang lumalaki ako ay doon ko mas naiisip ang mga bagay-bagay. Habang kumalaki ako ay doon ko nalalaman na hindi sa lahat ng oras ay nandiyan sila para sa akin. Habang tumatagal ay mas naiintindihan ko na hindi ako dapat dumedepende sa mga taong nakakasama ko. Habang tumatagal ay doon ko nalalaman na kailangan kong matuto sa sarili ko. Habang tumatagal ay doon ko naiintindihan na hindi lahat ay perpekto.

"Anyway Lo, ano palang ang dapat nating pag-usapan?" Baling ko kay Lolo Sky

"Yeah, about the picture." He said at tumingin kay Lolo Kyrone

"Yeah. About the picture, napag-usapan na namin iyon and it is confirmed." He added

"Picture? May hindi ba kayo sinasabi sa akin? May lihim kayo, ha." Biro ko. I don't have any idea pero nakuha kong tumawa.

"Alam naming maguguluhan at mabibigla ka, pero totoo iyon." Bakas sa itsura nila ang pagkaseryoso. Naguguluhan man ay nagawa ko paring magtanong

"Anong picture? Anong totoo?"

"About the picture. No'ng time na nagpunta ka sa office, may picture akong nakita. Alam kong ikaw ang nakaiwan no'n" paliwanag ni Lolo Sky.  "Natatandaan mo ba iyong araw na nag-observe ako sa room niyo?" Tanong niya.

"Yes, i remember that day." I agree. Naalala ko parin iyon. Naalala ko rin na iyon ang araw na nahimatay si Ash.

"Apo ko siya." Gusto kong matawa. Gusto kong mabingi pero hindi ko magawa. Napatingin ako sa kanila na hindi mababakas ang pagbibiro.

"Paano nangyari iyon?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Alam kong hindi ganito magbiro sila lolo.

"Totoo iyon. Apo niya iyon." Pagtutukoy ni lolo Kyrone kay Lolo Sky

"Pero paano?" Naguguluhan paring tanong ko. Bago lang ito sa pandinig ko.  Ngayon ko lang nalaman na may apo si Lolo. 'Kala ko ako lang, 'kala ko ako lang ang itinuring niyang apo. Pero mali pala, hindi lang ako, may tunay pala. Ang mas malala pa, si Ash iyon.

"Mahabang k'wento." Sabay nila na sabi

"P'wede naman sigurong paikliin, diba?" Tanong ko. Nakita kong nagkatinginan sila bago nagbuntong hininga.

"P'wede naman. Pero sa ngayon, we need to celebrate this party. Baka kung ipapaliwanag namin sa iyo kung bakit at paanong nangyari, baka abutin tayo dito ng kinabukasan." Paliwanag ni Lolo Sky

"Hindi lang ako makapaniwala."

"Alam naming hindi ka makapaniwala. Saksi tayo pare-parehas na tayo tayo lang ang nagkakasma." Dagdag pa ni Lolo Kyrone. "May ibang araw pa para pag-usapan natin ang tungkol doon. Pero sa ngayon, mag-enjoy muna tayo."

Kahit naguguluhan man ay nakuha ko paring tumango. Sa huli, nagkayayaan kami na bumalik sa bawat pamilya namin. Nakipag-usap na rin ako kila Mommy at masasabi kong kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Kahit papaano ay nabawasan ang sama ng loob ko sa kanila.

Nagawa ko na ring makipag-kamustahan sa iba. Hindi narin naman nalalayo ang loob ko sa kanila. Kung tutuusin, isa rin sila sa mga nandiyan para sa akin. Halos malapit rin ang loob ko sa kanipa kaya hindi ko na magawang mailang.

Sa ngayon, masasabi kong masaya ang araw na ito. Masaya akong nakasama ko ulit sila. Walang oras na hindi ko nagawang ngumiti at tumawa. Ang gaan ng loob ko na natapos ko ang araw na ito na may ngiti sa labi.

Nagpa-alam lang ako sa kanila at nagkaniya-kaniya ng uwi. Inaya rin ako nila mommy at daddy na umuwi sa bahay para doon mag-celebrate ng christmas pero tumanggi ako. Nag-pilitan pa kami sa pagpayag pero sa huli, hinayaan nila ako. Alam kong malabong masundo ko si Ash ngayon para surpresahin.

Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at ngiting ngiting bitbit ang mga pinamili ko nang makita kong bukas ang ilaw sa living room. Huminga muna ako ng maluwag bago pumasok sa loob. Alam kong gising pa siya dahil bukas pa ang ilaw. Pero napawi ang ngiti ko ng maabutan ko siya na natutulog sa sofa. Nakasuot ng sapatos, nakasuot ng uniform at halatang pagod kaya nakatulog sa sofa. Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuohan niya bago ako bumaling sa mukha niya. Walang kupas, napakaganda parin. Tahimik akong napangiti bago ko siya inakay paakay.

Di bale, maaga nalang akong gigising bukas.

Thank you for voting and reading my story, i hope you like it💙

Sky UniversityWhere stories live. Discover now