I dedicate this story to ThisGuyHasNob_Rain 5lamour Duchesszx seldiacor02 Jeavianea I hope you like it po💙
Fritz's Pov
"Kinakabahan ako." Rinig kong sabi ni Steve habang naka-hawak sa dibdib n'ya.
"Ako rin, hindi ko alam kung ano isasagot ko sa pannel." Sabi habang nag-aayos ng polo dito sa cr dahil lahat kami ay nag-rereday na para sa defense ngayon. Lahat ay nagkakanda-ugaga dahil sa kaba; lahat ay hindi na alam kung saan mag-sisimula.
"Prepared ba kayong lahat?" Tanong naman ni Noel sa ibang group na kasama namin.
"Hindi nga e, baka mapahiya lang kami mamaya." Tumatawang sagot ni Steve
"Bakit ba kasi kailabgan pa natin mag-research, e." Reklamo ni Vince
"Oo nga e, hindi rin naman natin magagamit kapag nag-trabaho na tayo." Sang-ayon na sabi ng iba.
"Oh, Nash. San ka galing bakit ngayon ka lang?'' Tanong ko dahil lahat kami ay busy sa pag-aayos ng sarili namin at 'yong iba ay busy na mag-decorate at i-set up 'yong room pero s'ya at kalmadong palakad-lakad lang habang ngumunguya ng bubble gum
"D'yan lang." Maikling sagot n'ya at nilagpasan ako tsaka pumasok sa isang cubicle.
"Ano bang nangyari doon, bakit gano'n 'yon?" Bulong na tanong sa 'kin ni Noel
"Hindi ko rin alam, pare. Baka nga may gusto kay Ash 'yan e." Pabalik na bulong ko.
"Ay, akala ko ako lang nakaka-pansin no'n, ikaw rin pala." Palitan na bulungan namin sa gilid.
"Ano pinag-uusapan n'yo d'yan?" Tanong naman ni Angelo
"Wala, may tinanong lang si Fritz sa 'kin." Palusot ni Noel kaya natawa ako
"Nag-kaminan na ata kayo d'yan, ha." Kantyaw ng isa sa classmate namin at pinukol kami ng kung anu-anong pang-inis dahil daw bulungan kami ng bulungan.
"Walang bakla sa tropa, ha." Paalala ni Raven.
"Oo, pare. Wala talagang bakla sa 'tin." Lalaking lalaki na sagot ni Noel para lang mapatunayan na hindi s'ya bakla.
"Wala talagang bakla sa 'tin." Matapang na sabi ni Noel para lang mapatunayan na hindi s'ya bakla
"Biro lang, pare." Natatawang sabi ni Raven. Hindi na namin sila pinansin at bumaling na ako ng tingin kay Noel
"Hindi ko pang alam kung totoo. Para kasing ang init lagi ng dugo n'ya kay Ash." Bulong ko ulit no'ng mapansin ko na busy na ulit sila sa pag-aayos.
"Oo nga ta--" Naputol 'yong sasabihin sa 'kin ni Noel nang biglang bumukas 'yong pintuan nang cubicle na pinasukan ni Nash. Nakaka-bakla mang amin pero kinabahan talaga ako doon.
"Mag-istart na daw kaya bumalik na kayo sa room kasi nandoon na 'yong mga pannel" Sabi ni Ash no'ng dumating s'ya. Ewan ko kung ako lang 'yong naka-pansin kay Nash na titig na titig kay Ash at pinasadahan ng ng tingin simula ulo hanggang paa at bumalik 'yong tingin n'ya sa mukha ni Ssh na para bang na-love at first sight s'ya. Ibang-iba 'yong mood n'ya kanina sa mood n'ya ngayon. Para pang ewan na nangingiti si Nash no'ng tumalikod si Ash.
"Tara na, balik na daw tayo." Aya ni Steve na sinimulang lumabas kaya isa-isa kaming nag-basa ng kamay para ipahid sa buhok namin 'yong basa. Dahil nga mga lalaki kami ay hindi mawawala 'yong kant'yawan at inisan dahilanan para maka-likha ng ingay.
"Guys, 'wag kayong maingay dahil nasa loob na 'yong pannel." Suway ni Ash no'ng makarating kami sa harap nang room. Pumasok kami nang tahimik na para bang sobrang bait namin.
"So, guys, fix yourself we will start after 5 minutes." Sabi ni maam kaya kan'yq-kan'ya na kami sa bilis nang pagkilos at hindi na namin alam kung anong reaksyon 'yong gagawin namin dahil sa bawat minuto na nag-dadaan ay lalong lumalamig 'yong pawis ko at halata rin sa iba na pati sila ay kinakabahan.
"Good morning class" Bati ni maam kaya nag-greet kami pa-balik at gano'n rin 'yong ginawa namin sa mga pannel.
"So, today we will be held our defense. Since we have ten groups, all leaders please come forward and pick up one pieces of sheet of paper in my hand." Explain ni maam sa unahan para alam na 'yong sunud-sunod na mag-ppresent.
"Once you get it, the numbers will assigned to you represent as your number performance." Dugtog ni maam sa sinabi n'ya na talaga namang nakapag-pashock sa 'min lahat dahil sa takot at kabang nararamdaman namin.
"Please proceed now the groups will get the number one." Utos ni maam kaya nagsimula nang mag-ayos ng flashdrive 'yong group nila Shane at nag-defend na sila. Kan'ya-kan'yang tanungan kung sino next na group na mag-ppresent at buti nalang at pang
-apat kami.Lahat ay tutok na tutok sa mga researchers na nasa unahan at talaga namang napa-bilib ako kay Christian dahil sa husay n'yang mag-salkta ng english. Katulad ng mga naunang grupo ay na-ideliver naman nila ng maayos kahit na kinakabahan at utal-utal na sila nag-salita minsan. Ngayon ay pag-kakataon na namin para mag-defend at ito na 'yong pinaka-hinihintay ko dahil alam kong hindi ayos 'yong gawa namin at kulang.
Nag-simula nang mag-salita si Ash para sa pag-papakilala sa group namin at gano'n na rin sa pangalan namin. Sa bawat salita ni Ash aya para bang professional na s'ya kung mag-salita. Para bang ilang taon na n'yang inaral 'to. Lahat kami ay may naka-toka kung ano na 'yong ipapaliwanag namin peeo this time, para kaming pipe na hindi makapag-salita. Madalas ay si Ash 'yong sumasalo sa 'min at s'ya na nag-dedeliver nang mga sasabihin namin kapag hindi na kami naiintindihan ng pannel. Ilang beses akong napatingin sa pannel na naka-simangot at nag-bubulungan pero kapag ine-explain na ni Ash 'yong gisto naming iparating, isa-isang umaaliwalas 'yong mukha nila at nag-tatanungan na para bang naiintindihan na nila 'yong gusto naming sabihin.
"Who choose this topic?" Tanong no'ng isang pannel na nasa gitna
"Ako po." Sagot ko
"Ha?" Gulat na tanong ni Ash kaya napatingin sa kan'ya 'yong mga pannel
"Sorry for the interuption, Maam. We do a mahmjority wins before wexonduct this study." Palusot na sagot n'ya kaya mas lalong kumawak 'ying ngiti ng mga pannel dahil sa sagot n'ya.
"Let's have a individual question kasi parang 'yong leader n'yo lang 'yong nakaka-alam." Sabi no'ng isang pannel at may sinulat sa papel
"Yes, in your own opinion lang naman." Sang-ayon nang isang pannel kaya tinanong kami isa-isa. Iisa man 'yong tanong sa 'min pero mag-kakaiba kami ng sagot.
"Who's Nash?" Tanong nang isang pannel no'ng nag-hihintay na may kasunod na mag-sasalita
"I'm Nash."
"What's your concluaion?"
"Ahm-- my conclusion is..." Hindi malamang sagot n'ya kaya mas lalong nagkaroon ng tensyon sa room dahil sa kan'ya nang biglang malaglag ni Ash 'yong Hard copy n'ya.
Thank you for voting and reading my story, i hope you like it💙
YOU ARE READING
Sky University
RomansaPeople will come and go to your life. Sabi nila kapag may umalis, may darating and that's the great blessings of our God. Life is fair kasi lahat tayo nakaka-ranas ng pagiging unfair. Makuntento tayo kung ano lang 'yong meron tayo. Life must go on a...