Ash's Pov
"Kamusta ka na?" Tanong sa 'kin ni Hannah no'ng makasalubong n'ya ako sa hallway nitong Shop.
"Ok naman, nakakapagod lang." Medyo malakas na sabi oo sapat na para marinig n'ya dahil nakalagpas na s'ya sa 'kin.
Nandito ako ngayon sa shop dahil may biglang pa-book nang customers na pa-arrive na kaya tinawagan na ako ni Sir dahil kulang sila sa tauhan. Puno nang tao ngayon ang shop at halos hindi na kami matapos-tapos dahil sa sunod-sunod na dating nang mga customers. Nakakapagod ring magpabalik-balik dahil tatlong party ang mayroon kami ngayon. Nakakaenganyo mang manood dahil lahata sa kanipang mukha ang saya na magkasama-sama ang bawat pamilya. Napangiti nalang ako at tahimik na humihiling na sana buo nalang rin 'yong pamilya ko.
"Oh, Ash, ginabi ka na, ha." Bati sa 'kin ni Cyrus, isa sa kasama ko dito sa trabaho.
"Oo nga e. Pero ok lang." Nakangiting sagot ko.
"Ah, sige. Una na ako, ang daming customer e." Paalam n'ya kaya nag-tanguan nalang kami at bumalik na sa kan'ya-kan'yq naming ginagawa.
Kanina pa ako pabalik-balik dito dahil ang daming customers. Simula no'ng makalabas ako nang School. Nakakapagod man maging working student pero at least extra income rin 'to.
"Oh, Ash, Ginabi ka na, ha?" Tanong ni Jace, isa sa ka-trabaho dito no'ng makasalubong n'ya ako.
"Oo nga e. Pero ok lang kasi extra income rin 'yon."
"Kaya nga. Pero diba, may pasok ka pa bukas?"
"Oo. Pero ok lang naman." Naka-ngiting sagot ko para hindi na s'ya mag-alala.
"Ikaw bahala. Una na rin ako, nakita kasi kita kaya binati na rin kita."
"Ok lang. Salamat. Una na rin ako." Paalam namin ar nag-simula nang bumalik sa ginagawa namin.
Almost 10 pm na nang gabi pero dagsaan parin 'yong nga tao. Napapagod man ako ngayon perp kailangan kong mag-doble kayod dahil wala naman akong aasahan kung 'd ay ang sarili ko lang. Habang lumalaki ako nang lumalaki ay mas dumarami din ang panganagalangan ko. Hindi ko masaaabi kung kailan ako mangangailangan nang pang-gastos at lalo na kung hanggang kailan nalang 'yong pang gastos ko kaya kailangan ay may naka-save akong pera.
"Ano ba 'yan, hindi ka manlang kasi nag-iingat. Tignan mo naapakan mo na 'yong bago kong shoes." Reklamo sa 'kin no'ng isang customer at tinulak ako kaya nabitawan ko 'yong mga drinks na ihahatid ko sana sa table number 18.
"Sorry po, ma'am." Paumanhin ko dahil customer parin namim sila kaya kahit na gaano na nakakasakit 'yong mga salitang binibitawan nila, kaipangan parin naming magpakumbaba dahil sabi nga diba, customers is always right.
"Alam mo ba kung magkano 'to?" Turo n'ya sa white shoes n'ya. Inawat kaagad s'ya nang kasama n'ya pero hindi s'ya nagpapatinag. Naiinitindihan ko naman 'ying point n'ya dahil gusto n'ya lang naman ingatan 'yong gamit n'ya.
"Sorry po, maam." Paumanhin ko ulit dahil alam ko namang hindi ko kasalanan dahil nag-haharutan sila no'ng isang guy bago ako mapadaan sa likod nila. Kung tutuusin nga ay hindi n'ya ako tinulak dahil s'ya naman 'yong may sadya no'n at tinupak pa ako.
"Anong sorry?" Galit na sabi n'ya at buti nalang ay nandito kami sa labas nang shop kaya walang ibang naka-kita kung 'di ay kami lang. Ang problema nga lang ay ikakaltas sa sahod ko 'yong dalawang drinks na natapon.
"Pasensya na po kayo, ma'am." Paumanhin ko ulit at tinanungan ako no'ng lalaki na customer
"Oh, sige. I-order mo ulit ako nang bagong gan'yan. Bilisan mo." Utos n'ya kaya nag-madali na akong kumilos nang makita ko si Jace.
"Sige, Ash. Ako na d'yan." Presinta n'ya kaya ngumiti na ako dahil kahit papa'no ay gumaan 'yong pakiramdam ko. Sinimulan ko nang kumilos at mag-take nang order at nagmadali na akong ihatid 'yong order nila.
Napatingin ako sa pinagtapunan nang drinks na natapon na ngayon ay malinis na. Dahan-dahan kong inilapag 'yong baging orders nila at nag-bigay galang sa kanilang dalawa na ngayon ay mukhang kalmado na ulit sila.
"Nakita ko lahat nang nangyari kanina e." Sabi ni Jace no'ng makabalik na ako sa pwesto ko.
"Hindi ko tuloy makukuha nang buo 'yong sahod ko." Malungjot na sabi ko
"Laging nandito 'yan e. Lagi ring gan'yan 'yan." Kwento n'ya.
"Hindi ko naman sinasadya e,nag-haharutan kasi sila nang kasama n'ya kaya no'ng umatras s'ya; saktong ilalapag ko na 'yong order nila kaya nabangga n'ya ako tapos natapon 'yong drinks."
"Hayaan mo na 'yan. Baka mawalan pa tayo nang trabaho kapag pinatualan na natin 'yan."
"'Yon na nga--"
"Ash, pwede ka na raw umuwi sabi ni Sir." Naputol 'yong sasabihin ko no'ng magsalita si Jugs.
"Oh, sige. Salamat Jugs. Kayo na ang bahala dito Jace, out na ako." Paalam ko.
"Sige. Mag-ingat ka, ha."
"Salamat."
Kinuha ko na 'yong gamit ko sa locker room at nag-ayos lang ako saglit. Lumabas na ako at nag-paalam sa kanila.
"Ingat ka, ha." Habol ni Jugs na nagmamadaling pumasok sa kitchen no'ng makasalubong n'ya ako.
"Salamat"
Hindi ko alam kung pa'no ako uuwi dahil umuulan pala. Wala akong dalang payong kaya no choice ako kung 'di ay ang sumugod sa ulan kahit na alam kong mababasa 'yong mga gamit ko.
Nagtaka ako no'ng may natanaw akong isang sasakyan sa harap nang bahay pero hindi ko alam kung kanino kaya mas binilisan kong mag-lakad para makarating kaagad ako sa harap nang bahay. Isang lalaking nakayuko ang tumambad sa 'kin sa harap nang gate kaya nagtaka ako ng bakit nandito.
"N-nash" Mahinang tawag ko na sapat na para marinig n'ya.
"Nash" Tawag ko ulit dahil larang hindi n'ya narinig 'yong unang tawag ko.
"Nash" Lumuhod na ako at inuga-uga si Nash dahil parang tulog na.
"Nash" Ulit ko and this time, unti-unti n'yang minulat 'yong mata n'ya at ngumiti sa 'kin.
"Dumating ka na pala, kanina pa kita hinihintay." Sabi n'ya kaya naamoy ko 'yong alak na ininom n'ya.
"Tara, pasok ka na muna sa loob naulanan ka na dito." Binuksan ko na 'yong gate at inalalayan s'ya na pumasok sa loob.
Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga pero mas kailangan kong asikasuhin muna si Nash. Nakaka-usap pa naman s'ya nang maayos at nasa wisyo pa s'ya kaya nakapag-palit pa s'ya nang susuotin n'ya. Inasikaso ko muna s'ya at pinakain bago matulog. Umakyat na ako sa kwarto ko at napagdesisyonan na matulog no'ng makita kong lagpas ala una na nang madaking araw.
Thank you for voting and reading my story, i hope you like it💙
YOU ARE READING
Sky University
RomantizmPeople will come and go to your life. Sabi nila kapag may umalis, may darating and that's the great blessings of our God. Life is fair kasi lahat tayo nakaka-ranas ng pagiging unfair. Makuntento tayo kung ano lang 'yong meron tayo. Life must go on a...