CHAPTER 35

22 6 0
                                    

Nash's Pov

Isang linggo na rin ang lumipas simula no'ng umalis ako sa bahay. Hindi na rin muna ako pumaasok dahil alam kong ipapatawag ako ni Lolo sa School. Wala na rin akong naging balita kila mommy  pero hindi na rin ako naghangad na may mabalitaan pa tungkol sa kanila.

Katulad nang napag-kasunduan namin ni Ash, tutulong din ako sa gawaing bahay dito bilang pasasalamat. No'ng una ay ayaw niyang pumayag na hati kami sa gasto pero ayaw niya pumayag   dahil may extra pa naman daw siya.

Nandito ako ngayon sa bahay at hinihintay ang pagdating ni Ash. Minsan ay kapag isang oras na ang lumipas at hindi pa dumarating si Ash ay dumeretso siya sa trabaho. Kapag uwi niya nang gabi ay doon palang kami sabay na kumakain ay tinuturo niya sa akin kung ano ang naging lesson.

"Oh, pasalubong ko sa iyo." Bungad niya no'ng pagpasok sa pinto.

"Nandiyan ka na pala. Dumeretso ka sa trabaho mo?" Tanong ko at kinuha iying inaabot niya para matanggal niya nang maayos iyong sapatos niya.

"Oo e. Pinapasok na ako ni Sir kasi ang daming customers." Paliwanag niya at umupo.

"Ah. Kamusta sa School?" Sa isang linggo ang nagdaan ay mas napaaptunayan kong mabait talaga si Ash. Hindi mo makikitaan nang kadamutandahil kung anong meron siya ay binibigay miya rin.

"Okay naman. Nakakapagod lang dahil ang daming homework activities dahil malapit na iyong exam. Ang dami ko ngang kailangang gawin na mga requirements lalo na iyong mga record nating lahat kasi sa president naka-assign lahat."

"Ah, tara kumain na muna tayo para magawa mo na kaagad iyong mga dapat mong gawin." Aya ko dahil buti nalang at nakapag-luto na akong nang adobo, hindi ko lang alam kung patok sa panglasa niya.

"Tara, anong masarap ba iyong niluto mo?" Biro niya

"Syempre, luto ko iyon e." Nagyayabang na sabi ko. Medyo close na rin kami ni Ash dahil madali lang naman siyang maging ka-close.

"Hmm, tignan nga natin kung pasado na sa panlasa ko." Dagdag niya pa at kumuha nang spoon para tikman iyong niluto ko. "Ang alat" Komento niya

"Sobrang alat ba? Hindi ko na tinikman  iyan e. Basta sinusod ko nalang iyong tinuro mo no'ng nakaraan. Hahahaha" Paliwanag ko dahil iyon ang natatandaan ko na itinuro niya sa akin no'ng nakaraang nagluto kami nang adobo.

"Oo e. Dapat kapag nagluluto ka, ibabalance mo palagi iyong lasa." Kinuha niya iyong lighter at sinindihan iyong kalan tsaka nilagyan nang asukal iyong adobo.

"Sabi ko na nga ba, mali iyong gawa ko e." Napakamot nalang ako nang ulo dahil sa kahihiyan na nagawa ko.

"Hindi naman sa mali, nasobrahan ka lang nang lagay." Sabi niya at muling tinikman iyong adobo "Okay na iyong lasa, tara kain na tayo." Naghanda na ako nang gagamitin namin sa pagkain at nilapag sa lamesa.

"Kailan pala ang exam?" Basag ko sa katahimikan

"Sa next week na kaya kaipangan mo na talagang pumasok."

"Sige, papasok na ako sa next week."

"Sige, kailangan makahabol ka rin sa mga lesson."

"Tinuturuan mo naman ako kapag uwi mo palagi e." Dahilan ko. Totoo nanan kasi na tinuturuan niya ako at siya ang nagiging teacher ko simula no'ng isang linggo.

"Pero hindi parin sapat iyon, Mas maganda kung nasa room ka mismong nakikinig dahil mas naka-detailed lahat iyon."

"Sabagay. Pero bahala na."

"Bilisan na nating kumain dahil ituturo ko pa sa iyo iyong naging lesson kanina." Tahimik naming tinapos iyong pagkain namin at ginawa muna iyong dapat naming gawin bago kami mag-umpisa.

"So madali lang naman, ito. Ni-review lang namam ulit iyong naging lesson no'ng nakaraan at naituro ko na rin naman sa iyo lahat."

"Ah, sige. I-rereview mo nalang ba ako?"

"Oo. Sa English na muna tayo mag-start. Alam mo naman na iyong mga topic doon, diba? Puro report lang naman iyon."

"Oo. Madali nalang iyon. Sa Science nalang tayo."

"Sige, alam mo naman na iyong Hypothalamus, Pancreas, Andrenaline, Thyroidat iba pa?" Seryosong tanong niya hahang nakatingin sa notebook niya

"Oo, alam ko na iyan pati iyong mga naturo no'ng makaraan."

"Iyong sa Math, iyong sa permutation tsaka iyong ibang lesson sa math?"

"Oo, alam ko na rin pati iyong sa ibang subject."

"Wala na pala tayong problema dahil alam mo na pala lahat e."

"Kaya nga e. Syempre magaling iyong teacher ko e." Biro ko

"Inuuto mo lang ako e." Sabi jiya at tumawa. Ang sarap ulit-ulitin na panoorin iyong tawa niyang hindi nakakasawa. Nakakawala pa nang pagod.

"Hindi naman e. Totoo iyon."

"Sige na, mauna ka nang matulog dahil may kailangan pa akong matulog."

"Mamaya na ako matutulog, hi ntayin na kita." Sabi ko at napatingin sa tambak na mga gagawin niya na nakapatong sa table.

"Sure ka?"

"Oo. Para may kasama ka na rin. Gusto mo tulingan na kita?" Offer ko para mapabilis iyong gagawin niya.

"Sige, kung ok lang sa iyo. Kailangan ko na rin kasing matapos ito dahil kailangan ko rin ipasa ito bukas sa mga teacher natin."

"Sige, ano babiyong pwede kong maitulong?" Tanong ko

"Paki-record nalang itong mga score nang mga quizzes natin 'tsaka mga attendance, kailangan kasi nang duplicate record nang mga techers e." Paliwanag niya

"Sige, ako nang bahala." Sagot ko at nagsimula na ako sa gagawin ko.

Ilang oras na kaming busy sa paggawa nang mga kaupangang matapos at kung minsan ay sumusulyap sulyap ako sa kaniya na busy sa paggawa nang mga requirements at kung anu-ano.

Naalala ko nanaman iyong nakaraan na nakita ko siya na kasama nanaman iyong lalaking tumulong sa kaniya no'ng sa kalokohan na ginawa ko. Nakakainis lang dahil may kung ano nanaman akong naramdaman sa sarili ko. Gusto ko mang kumprontahin siya sa nangyari pero no choice ako kung 'di ay manahimik nalang dahil wala naman ako sa posisyon para magalit at mainis. Hindi ko rin naman siya pwedeng pagbawalan sa mga bagay na gusto at nakakapagpasaya sa kaniya. Ang sa akin lang ay alamin niya dapat kung ano ang mga limitasyon niya lara hindi na rin siya nakakasakit nang feelings nang iba.

Thank you for voting and reading my story, i hope you like it💙

Sky UniversityWhere stories live. Discover now