CHAPTER 46

21 1 0
                                    

Nash's Pov

Matapos ng pag-uusap namin ni Ash ay inihatid ko na siya sa room niya. Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako. Parang kinurot ang puso ko sa mga salitang naririnig ko. Bawat reaksyon niya ay talagang tumatatak sa isip ko. Bawat bunting hininga ang pinapakawalan niya ay alam kong ang bigat ng pinag-dadaanan niya. Bakit nga ba hindi ko naisip na nakakasakit ako? Bakit nga ba hindi ko muna inisip ng mabuti?

Hindi ko magawang matulog dahil sa kakaisip. Sa kabila ng lahat ng naitulong sa akin ni Ash, bakit ganito ang ginanti ko? Halos abutan na ako ng umaga kakaisip. Ni hindi ko manlang magawang ayusin ang pag-iisip ko at gawan ng solusyon. Ang sagwa lang tignan dahil nakakasakit na pala ako. Hindi p'wedeng umabot ng matagal ito. Hanggat maaari ay kailangang ayusin ko na ito. Kailangan ko na kausap si Jane. Mali ito, e. Maling mali.

--

Dapat masaya ako ngayon, e. Dapat excited ako. Dapat ngiting-ngiti ako. Dapat nagbibilang na ako ng araw pero bakit hindi ko magawa? Ilang araw at linggo nalang bago dumating ang christmas pero ni hindi ko manlang maramdaman kahit ang kaunting saya. Naramdaman ko ang lamig na tumatama sa balat ko pero mas malamig ang nararanasan ko ngayon.

Nagtama ang mata namin ni Ash na ngayon ay kumakain sa kitchen. Agad akong nag-iwas ng tingin at nagbukas ng ref. Kumuha ako ng tubig at napalingon sa gawi niya. Gulat akong napatingin dahil hindi ko inaasahang susundan niya ako ng tingin.

"Kain na." Aya niya at isinenyas ang kabilang upuan sa harap niya.

"Sige, salamat." Umupo na ako at nagsimulang kumain. Hindi ko alam kung paano ko siya papakisamahan. Nakakailang ang bawat tingin niya kaya hindi na ulit ako nagtangkang tumingin sa kaniya.

"Malapit na mag-christmas." Basag niya sa katahimikan.

"Oo nga, e."

"Anong balak mo?" Kalmadong taning niya. Mababakas na hindi manpang siya naiilang.

"Hindi ko alam. Wala naman siguro." Sagot ko

"I mean, wala kang balak mag-christmas sa inyo?" Tanong niya at tinapunan ako ng tingin bago kumain.

"I don't know." Wala akong idea or any plans kung saan ako mag-cecelebrate ng christmas. Hindi pa kami nagkakausap ng family. I know na hinihintay lang nila ang pagbalik ko pero never na akong babalik doon. Kung babalik man ako ay siguro para sa Christmas party 'pqgkatapos no'n ay wala na, babalik nanaman ako sa ganitong buhay.

"Wala kang balak bumalik sa inyo?" She aksed

"Pinapaalis mo na ba ako?" Biro ko

"Hindi naman. I mean, masaya kasi kapag nag-celebrate ng christmas kapag complete family."

"Oo nga. Pero ewan ko rin, wala pa silang update. Wala na rin namang mga pakielam sa akin iyong mga iyon." Pagtutukoy ko sa family ko. If they are really concern to me, no'ng una palang hahanapin at papabalikin nila ako sa bahay. Ilang months na ang lumipas pero nandito parin ako.

"Baka naman busy." Normal na sagot niya. Hindi ko alam kung maiilang ba ako or what. Ang normal lahat ng kilos niya. Para bang wala sagutan ang namagitan sa amin kagabi.

Hindi na nasundan ang pag-uusap namin. Tahimik naming tinapos ang agahan at nagkaniya-kaniya na. Para kaming hangin na nagkakasalubong na hindi manlang nagpapansinan kapag nagkakasalubong.

I decide to go to Jane's apartment para makapag-usap kami. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa suot na white v-neck and black cotton short bago ako bumaba. Tuloy-tuloy ako paglabas dahil hindi ko manlang naabutan si Ash sa baba.

Hindi ko namalayan ang aking sarili na mag-drive papunta sa Apartment ni Jane dahil sa dami ng iniisip. Bumaba na ako at napangiti ng naabutan ko si Jane na saktong kakalabas lang.

Sky UniversityWhere stories live. Discover now