Nash's Pov
Mag-iisang buwan na rin akong tumutuloy sa bahay ni Ash. Napag-usapan na rin namin iyong sa hatian nang gastos para hindi naman unfair sa kaniya iyon. Pumapasok na rin ako sa School at pinapatawag na raw ako ni lolo sa Office pero hanggang ngayon ay hindi parin ako pumupunta. Habang tumatagal ang pag-stay ko sa bahay ni Ash, mas lalo ko siyang nakikila kung anong pagkatao ba talaga ang mayroon siya. Sa bawat araw na dumadaan mas lalo kong hindi naiintindihan iyong nararamdaman ko. Palagi akong hindi mapakali kapag hindi ko siya nakikita. Feeling ko hindi buo iyong araw ko kapag hindi ko siya nakikita.
"Naaaaaash" Rinig kong sigaw niya galing sa taas. Nandito kami ngayon sa bahay niya at naglilinis dahil Friday ngayon at walang pasok.
"Bakit?" Sigaw ko pabalik at nagmadaling umakyat sa taas.
"Na-uumpisa ka na bang mag-linis diyan sa baba?" Rinig kong sigaw niya galing sa k'warto niya
"Mag-uumpisa palang." Sagot at pumasok sa loob dahil naka-bukas naman iyong pintuan. Naabutan ko siyang naka-tungtong sa bangko at pinipilit na abutin iyong sabitan nang kurtina. Messy hair with long t-shirt, damn.
'Why you're so sexy?'
"Sabay nalang kaya nating linisin para matapos?" Suggest niya at humarap sa akin.
"Sige, ikaw bahala. Ako nang bahala diyan." Lumapit na ako sa kaniya at inalalayan siyang bumaba.
"Salamat. Aalisin ko lang iyong mga dapat kong alisin dito tapos ilalabas ko na." Tumango lang ako at sinimulan na ring kumilos.
Malapit na kaming matapos sa pag-aayos nang mapatingin ako sa kaniya na busy sa pag-salansan nang mga gamit. Halata sa itsura miya ang sobrang pagkapagod pero hinahayaan niya lang ito.
Tapos na ako sa ginagawa ko kaya napag-desisyonan ko muna na magpahinga. Umupo ako sa bed niya at pinanood siya habang may ginagawa. Ang hagard na niya at tumutulo na iyong pawis niya pero hindi parin kumukupas iyong ganda niya. Ilang beses ko pa siyang pinaka-titigan bago ko napag-desisyonan na bumaba na at mag-handa nang snack.
Nagsimula na akong sandwich na isa sa natutunan ko kay Ash. No'ng una ay nahihirap ako kahit na ang simple lang naman ng gagawin pero habang tumatagal, nakukuha ko na kung paano gawin.
"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko no'ng makabalik na ako sa taas.
"Ay, salamat. Sakto, nagugutom na rin ako." Kumuha na siya nang sandwich at uminon nang juice. Halatang basa na nang pawis iyong damit niya at may tumutulo na rin na galing sa noo niya. Tumayo ako at kinuha iyong towel at lumapit sa kaniya para punasan siya.
"S-salamat" Gulat na sabi niya at hinayaan na punasan ko siya.
"Walang anuman, salamat din." Nakagiting sabi ko. Ilang beses rin kaming nagkatinginan at parehas na naiilang sa isat-isa.
"Tara, balik na ulit tayo sa pag-lilinis?" Aya niya at tumayo kaya muntik nang tumama iyong labi namin sa isat-isa dahil sabay kaming tumayo.
"S-sorry." Nag-iiwas nang tingin na sabi ko.
"S-sorry din." Ilang rin na sabi niya at umiba nang tingin
"Sige, sa terrace naman ako." Nagsimula na akong tumalikod at pumunta sa terrace.
Ash's Pov
Mag-iisang buwan na rin si Nash sa bahay at katulad nga nang napag-usapan, share kami sa lahat nang gastos kaya medyo lumuwag nang konti iyong mga gastusin ko. Sinimulan ko nang ayusin iyong ibang gamit ko at lumipat sa kabilang k'warto.
Nagtataka parin ako sa naging action ni Nash hanggang ngayon. Oo, hindi kami gano'ng ka-close and we don't know each other personally but naninibago parin ako sa naging action niya. Hindi sa nag-aassume ako at ayoko ring mag-assume dahil gano'n iyong treatment niya sa akin pero kahit sino ang nasa sitwasyon ko maninibago. Pilit kong iniiwasan na isipin iyon pero pilit na hindi maalis sa isip ko iyon. Maling umasa ako, maling mali na mag-assume ako. Ayokong umasa, masakit maiwan, masakit, nakaka-trauma, nakakawala nang gana.
"Hi, kain na muna tayo sa baba. Mamaya na iyan." Hindi ko nalansin ang biglaang pagdating niya kaya nagulat ako.
"H-ha? Oo, s-sige. Susunod ako." Natatarantang sabi ko at umiwas nang tingin.
"Ngayon na, sabay na tayong bumaba." sincere na sabi niya at lumapit sa akin para i-offer iyong hand niya. Napatanga ako ginawa niya. Ang gentleman lang tignan even in the small things.
"Are you ok?" Tanong niya no'ng ilang minuto lang akong nakatingin sa kamay niyang nakalahad.
'Myghad, Ash. Umayos ka nga, nakakahiya kay Nash. Baka mamaya kung ano pa ang isipin niyan, e.'
"Oo naman! Tara, ano bang niluto mo sa baba?" Palusot na sabi ko at inakay siya pababa.
"Good. Magsabi ka kapag may nararamdaman ka, ha.''
"Oo, sige. Ano bang niluto mo?"
"Sinigang"
"Masarap iyon, ha. Favorite ko iyon, e." Tuwang-tuwang sabi ko kahit na medyo awkward. Paano ba naman nakakapit ako sa braso niya at hinihila siya papababa, nakakahiya lang.
"Kain na tayo." Aya niya no'ng makarating na kami sa dinning area. Hihilain ko na sana iyong bangko no'ng nauna niya mahila iyon at inalalayana akong umupo.
"Salamat. Kain ka na rin." Alok ko at inabot iyong rice sa kaniya para sana mauna na siyang kumuha bago ako pero bawat actions niya y talaga namang nakakapagpa-shock sa akin. Lagyan daw ba naman nang pagkain iyong plate ko.
"Sige na. Ako na, nakakahiya na sa iyo masyado." Naiilang na sabi ko at kinuha iyong bowl of rice sa kaniya.
Ilang minuto lang kaming kumain at ni-isa sa amin ay walang nagtangkang magsalita pero panay sulyap namin sa isat-isa. Gusto ko nalang matapos sa kinakain ko dahil para na akong tinutunaw sa mga titig niya na sobrang lagkit.
Pinagpatuloy ko na ang aking kinakain kahit na sobrang ilang na ilang na ako. Any moment gusto ko nalang na lumubog sa kinauupuan ko. Nagmadali na akong talusin iyong kakainin ko nang mapahinto ako sa pagkain no'ng tumayo siya at medyo nag-bend nang konti para tanggalin iyong rice na nasa pisnge ko.
"Sandali, dahan-dahan lang. Tinitign lang naman kita bakit nagmamadali at parang naiilang ka?"
'Anak ng-- ano bang nangyayari dito kay Nash?'
Thank you for voting and reading my story, i hope you like it💙
YOU ARE READING
Sky University
RomancePeople will come and go to your life. Sabi nila kapag may umalis, may darating and that's the great blessings of our God. Life is fair kasi lahat tayo nakaka-ranas ng pagiging unfair. Makuntento tayo kung ano lang 'yong meron tayo. Life must go on a...