CHAPTER 51

36 2 0
                                    

Ash's Pov

"Tapos na ako sa makapigil hiningang pagpayo ko, ikaw naman Sky." Baling na sabi no'ng Lolo Kyrone daw kay Mr. Sky nga ngayon ay bakas ang excitement at pagiging seryoso.

Bawat kilos ay nakakapagtaka. Bawat tingin ay nakaka-kaba. Bawat salitang binibitawan ay nakakalito. Lahat ay seryoso. Lahat ay tahimik. Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako. Hanggang ngayon ay nalilito parin ako kung bakit inimbitahan ako ni Mr. Sky dito. Hindi ko parin matintindihan kung bakit gusto nilang tawagin ko silang Lolo. Napaka-emosyonal ang naging pagtawag niya sa akin.

Bawat taong matignan ko ay halatang napaka-bigatin. Halatang nanggaling sa mga mayaman at makapangyarihan na pamilya. Ang bawat suot ay halatang mahal ang halaga. Ang bawat kilos at galaw ay maingat. Sa unang tingin palang ay halatang mga professional. Hindi ko alam na sa ganitong pamilya pala ang kinabibilangan ni Ash. Hindi ko napansin na sa murang edad niya  may sarili na siyang sasakyan at pera. Sa ilang buwan ko siyang nakasama, hindi komama ansin na naubusan siya ng pera. Wala akong matandaan na ni-problema niya ang bawat gastusin.

Namuo ang konting inggit sa aking dibdib. Ang unfair ng mundo, bakit siya may ganitong pamilya, pamilyang buo. Parang ang perpekto. Halatang lahat ng kailangan niya, hindi niya na kailangang paghirapan dahil makukuha niya sa madaling paraan. Samantalang siya, dalawang grupo ang kinabibilangan niya. Lahat ay kilala niya. Lahat ay nakasama niya.  Bakit ako ganito lang? Bakit ako pinagkaitan ng kapalaran at tadhana na makasama ko ng matagal si mama? Bakit hindi ako binigyan ng mahabang pagkakataon na makilala ang bawat miyembro ng pamilya ko? Bakit kailangan sa akin pa mangyari ito? Isang tao nalang ang mayroon ako pero bakit nawala pa? Bakit ang napaka-agang binawi sa akin? Samaantalang parehas lang naman kami ng edad ni Nash at ng iba. Pero bakit, bakit kailangan ko pang maranasan ito? Bakit kailangan ko pang magdaan sa ganito? Bakit sa murang edad, kailangan ko ng mag-sumikap? Bakit kailangan kong magtrabaho at mag-aral ng sabay?

Naramdaman kong uminit at kumabo ang paningin ko. Gusto kong maiyak sa katotohanan. Hanggang ngayon ayoko pang paniwalaan ang masakit na katotohanan. Kung hindi lang masamang tapuain ko ang aking buhay, matagal ko nang ginawa. Kung wala lang akong pangarap sa buhay, matagal na akong sumuko. Kung wala lang akong gustong patunayan kay mama, matagal na akong huminto dahil sa pagod. Bawat araw na nagdadaan, ramdam ko parin kung gaano kasakit mawalan. Ramdam ko parin kung paano ang mag-isa. Matagal ko nang gustong huminto dahil sa pagod, pero ngayon, malaking tulong at pasasalamat ko sa mga taong nandiyan para sa akin. Malaking tulong na ang pagtanggap sa aking trabaho. Malaking tulong na sa akin ang mga taong nakakasalamuha ko. Isang malaking pangaral sa akin ang maging matapang at matatag dahil doon, natuto akong lumaban. Natuto akong magsumikap. Natuto akong harapin ng mag-isa ang bawat hamon na dumarating sa aking buhay. Hindi ko masasabing matatag ako ngayon dahil sa mga sakit at pagsubok na nararanasan at nararamdaman ko. Alam kong hindi dito natatapos, alam kong may ibubuga rin ako. Alam kong may mapapatunayan rin ako, hindi man sa ngayon, pero sa nalalapit na panahon.

"It is very important to us to know that i found my grandchild" paunang sabi ni Mr. Sky. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang pag-usapan ito sa harap ko lalo pa at hindi naman ako kabilang sa pamilyang ito. Napaka-seryoso ng bawat usapan na hindi ko dapat marinig at malaman. Gusto ko mang tumayo at magpaalam ngunit nakakabastos lang tignan kaya napili kong manahimik nalang.

"What do you mean, dad?" Tanong ng isang lalaki. Halatang nasa mid-40 years old na. Sandali akong napatingin bago inalala kung saan at bakit naging pamilyara ng igsura niya sa akin.

"Your daughter." Maikling sabi niya. Malakas na aingat ang naumo sa hapagkainan. Halatang hindi makapaniwala sa bagong balita na natanggap.

"What about her daughter?" TTanong ng isang magandang babae. Kung titignan ay parang asawa niya ang naunang nagsalita.

Sky UniversityWhere stories live. Discover now