CHAPTER 41

20 1 0
                                    

Ash's Pov

Mahigit isang oras na ang lumipas sumula no'ng mangyari iyon. Mahigit isang oras na ang lumipas pero patuloy parin sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko alam mjng bakit ganito ang naging reaction ko kahit na walang namamagitan sa amin ni Nash pero ang alam ko ngayon ay nasasakta  ako. Sobra akong nasaktan.

Tinulungan ko ang sarili ko na maglibang habang pinapanood ang mabilis na pagdaan ng bawat sasakyan malapit sa p'westo ko  para kahit papano ay matigil na ako sa kakaiyak atna iying  mawala bigat ng nararamdaman ko.

Hindi pa naman gano'n kakonti iyong tao pero sapat lang iyon dahil dis oras na rin ng gabi. Ilang minuto lang akong nalibang ng maramdaman kong medyo ok na ako pero masakit parin. Nagtataka man ako sa nagig reaction ko pero hindi ko akalain na seseryosohin at papaniwalaan ko kaagad iyong kakarampot na salitang binitawan niya sa akin at ang mga action na kakaiba na 'kala ko ay totoo kaya ganoon kabilis niya ako napaniwala.

Pinanitili ko ang sarili ko sa ganoong situation kahit alam kong aabutan na ako ng hating gabi. Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako sa ikinikilos niya. Sobrang kakaiba lahat ng actions niya kaya madami niya lang akong napaniwala. Kung tumingin ay may something na rin pero bakit ganoon, bakit ganoon nalang iyong ginawa niya? Nagulat ako nang may biglang huminto sa harap ko ngunit no'ng nag-angat ako ng tingin ay laking gulat kong namataan si Carl sa harap ko.

"Bakit ikaw lang mag-isa dito, anong oras na, ha." Pagalit ngunit mababakas mong sincere siya sa mga binibitawan niyang salita.

"Nag-iisip lang ako." Sagot ko at umiba ng tingin para hindi niya mahalataang umiyak ako.

"Dapat sa inyo nalang ikaw nag-isip. Paano kung iba nakakita sa iyo dito? Medyo madilim pa naman sa parte na 'to at idagdag mo pang konti nalang ang tao." Gusto ko sanang matawa dahil sa pag-aakalang isa rin si Carl sa uri ng ganoong lalaki pero hindi naman siguro ganoong klaseng tao si Carl, diba? Hindi naman lahat ng lalaki ganoon, diba? Wala rin naman sigurong motibo si Carl kaya hindi ko dapat siya pinag-iisipan ng ganoon, diba?

"Tara na, ihahahtid na kita sa inyo, anong oras na rin." He offered his hands pero hindi ko manlang magawang abutin at tanging pagtitig lang ang naging sagot ko bago tuluyang tumulo iyong luha ko at sunod-sunod na paghikbi ang pakawalan ko. Gusto ko mang kontrolin ang sarili ko at 'wag ipahalatang umiiyak ako pero pati sarili ko ay nilalaglag ako.

"O, bakkit ka umiiyak? Na-offend ka ba sa pag-offer ko na ihatid kita?'' Hindi ko alam kung biro ba iying sinabi niya or totoo pero sa ngayon ay tanging pagtulo ng luha at ang maingay ngunit impit na paghikbi ang iniintindi ko.

Ilang beses niya pang tinangkang magtanong pero ni isa ay wala siyang nakuhang sagot. Naramdaman ko nalang ang tahimik na pag-upo niya sa tabi ko at ang dahan-dahan niya akong yakapin.

"Sige, dito muna tayo, sasamahan kita." Malumanay na sabi niya at tinapik-tapik iyong likod ko. "Kung nasasaktan ka, kung nabibigatan ka na, kung naguguluhan ka, kung hindi mo na kaya, kung sa tingin mo ay nag-iisa ka, nandito lang ako para damayan ka. Wala akong idea kung bakit ka umiiyak pero siguro ay pagod ka na. Hindi kita masisisi kung bakit ka umiiyak pero wala namang masama kung hindi mo pipigilan iyong sarili mo na umiyak." Mas lalo akong napahagulgol habang pinapakinggan ko ang bawat salitang binibitawan niya. "Sige lang, iiyak mo lang iyan. 'Wag mong sayangin iyong pagkakataon na umiyak habang may libreng balikat ko para iyakan mo." Napaka-swerete ko parin pala kahit na ganito ang nangyari sa akin "Kung hindi mo na kaya, nandito lang akobpara makinig at payuhan ka. 'Wag mong iisipin na nag-iisa ka dahil alam ko iyong pakiramdam na marami kang kakilala pero tingin mo parin ay nag-iisa ka dahil nandiyan lang sila kapag oras ng kasiyahan pero sa ganitong pagkakataon, malabo, wala na." Bakas sa boses niya ang lungkot. Gusto ko man siyang tanungin kung bakit pero wala ni isang lumalabas na salita galing sa akin.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak o inabot na ako ng oras pero ang alam ko ay gumaan ang pakiramdam ko dahil kahit paano ay may tao paring hang makinig at damayan ako. Ang s'werte ko sa part na hindi ako nag-iisa at may handang iligtas ako sa muling pagkakataon. Napabalikwas ako sa gulat nang may marinig aking pamilyar na boses na nangngagaling sa harap namin. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Carl at gulat na napatingin sa kaniya.

Nash's Pov

Gulat ng naging reaction ko nang makita ko si Ash na nasa harap ng pinto. May kung anong kumirot sa puso ko ng makita kong napakalungkot ng mata niya kahit na madilim dahil nakapatay ang mga ilaw ngunit sapat na iyong sinag ng ilaw na nanggagaking sa labas.

Nagmadali akong mag-ayos at hindi na pinasin ang paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Jane. Tumakbo ako pababa sa pag-asang maaabutan ko si Ash sa baba pero laging gulat ko ng may maabutan akong cake na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa kitchen. Naguguluhan man pero sinikap ko paring uminom at lumabas para hanapin kung saan nagpunta si Ash.

'Shit! Napakalaking tanga mo, Nash. After mong ipakita lahat ng motibo at pagbitaw mo ng salita, gano'n nalang.'

Lakad at takbo ang ginawa ko. Kung saan-saan na ako nakarating pero wala parin. Nakarating na rin ako sa Park pero ni anino nibAsh ay hindi ko natagpuan. Sunod ay ang harap ng School, pero wala parin akong naabutan na bakas siya. Nagtungo na rin ako sa Pinapasukan niya ng trabaho pero wala aking naabutan doon dahil sarado na. Isa nalang ang pag-asa ko at iyin ay ang daanan ng mga sasakyan pero maliit na park lang.  Nagsimula na akong maglakad dahil hindi naman gano'n kalayo iyon pero nararamdaman kong napapagod na ako dahil sa pag-asang doon ko makikita si Ash at hindi nga ako nagkakamali, nandoon siya, nandoon sila, magkayakap. Alam kong nagkamali ako pero mas mali naman iyong ganoon, diba?

Sinikap kong maglakad ng marahan at huminto sa harap nila bago ko bitawan ang katang hindi ko inaasahan na masasabi ko.

"'Kala ko ako ang kailangan mo, hindi pala. Nagkamali ako, pasensya na. Sige, enjoy kayo. Alis na ako." Sabi ko at tuluyan ng tumalikod bago umalis.

Thank you for voting and reading my story, i hope you like it💙

Sky UniversityWhere stories live. Discover now