EPILOGUE
"Final na iyon, sa School nila Lolo Sky ako papasok. Ayoko na sa States." Pagtatapos ko sa magulong pag-uusap namin ni Mommy at daddy.
Ilang beses na naming pinagtatalunan iyon simula no'ng makalipad kami pabalik dito sa Pinas. Maaga ko na rin iyong sinabi kay Lolo para makapag-enroll ako bago magpasukan. Mas naging masaya si lolo dahill sa sinabi ko at sa naging desisyon ko. Napag-kasunduan na rin namin ni Lolo Kyrone ang naging desisyon ko at maging siya ay sumang-ayon katulad ni Lolo Sky. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw ni mommy at daddy na dito ako mag-aral, hindi narin naman ito ang unang beses na nag-aral ako dito. Kung tutuusin ay mas maraming taon pa nga ang bibilangin na nakapag-aral ako dito. Ang usapan lang namin ay magbakasyon ay bumisita sa kung saan-saang lugar pero amg ending, ako lang ang pumunta sa kung saan-saang lugar ko maisipan dahil busy naman sila. Halos ilang beses napang kami magkita sa bahay at madalas pa doon ay nagmamadali sila.
Pa-cool akong sumakay sa sasakyan ko at maagang pumasok. Ngayon ang unang araw na papasok akong muli sa School. 'Buti nalang at p'wedeng mag-civilian sa unang linggo. Swabe ang naging pagmaneho ko hanggang sa may nakita akong isang imahe ng babae na naglalakad, papasok siguro. Lumapit ako sa gawi niya at bahagyang nilabas ang ulo.
"Hoy, ano ba? Tabi nga at dadaan ako." Tignan natin kung effective, ano kayang gagawin niya. Napamaang ako no'ng tinapunan niya lang ako ng tingin at agad na gumilid. Intersing!
"Are you missing me?" He asked.
"How did you know?" I returned the question.
"Because i know you so well." He know me too well. Walang kupas, parehas sila ni Lolo Kyrone. Iba talaga kapag alagang lolo.
Matapos ang sandaling pag-uusap namin ay napag-desisyonan ko na mag-aya sa coffe shop para sandaling makausap at makamusta si Lolo. Naramdaman kong may tinamaan ako no'mg pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko ng mamataan ko iyong babae kanina.
"Ikaw nanaman, ang aga-aga ay tanga-tanga. Kababae pa namang tao. Ano, hindi ka manlang mag-sosorry, nakita mong pinto iyon, ha." Wala sa sariling tanong ko. Napaka-aga kong mangbuyo. Dahan-dahan siyang tumayo at
"Sorry, ha?" Sarkastikong sabi niya at tinalikuran ako. Tinapunan ko siya ng tingin hanggang sa maglaho bago ako tuluyang umalis.
"I'm Ashanta Mrie Navera, 18 years old. Just call me Ash." Maikling pagpapakilala niya.
Ash pala, ha.
"I respecfully nominate, Ash for the president" pagboto ko. Mukhang exciting ang mangyayari, ha. Matapos ang mahabang bilangan ay sa huli ay nagtagumpay ako, nanalo siya. Dapat siyang magpasalamat sa akin.
"Anong sa atin, kayo lang ang magsasabay, tapos na ako." Tumayo siya at dinala ang pinagkanan niya. Hindi p'wedeng hindi ako makaganti. May nadaanan akong timba na may tubig sa hallway, dahan-dahan kong kinuha at ipinasok sa locker ni Ash. Sinigurado kong walamg matatapon na tubig para walang maging bakas. Agad kong tinanggal iyong nakasabit sa timba na bakal 'tsaka ko sinabit sa maliit na butas ng locker para pagbukas niya ay may surprise na sasalubong sa kaniya.
Tumakbo ako sa pinakamalapit na space ng locker para makita iyong reaction ni Ash 'pag nakita niya iyong surprise ko. No'ng papalapit na siya ay mas nag-focus ako sa kaniya, gano'n nalang ang tuwa ko no'ng makita ko kung paano matapon sa kaniya iyong tubig. Ngunit unting-unting nawala ang ngiti ko no'ng may lumapit sa kaniya na sa tingin ko ay ka-batch namin. Sandali silang nag-usap at nagpilitan sa inabot ng lalaki na mukhang towel at t-shirt. Pinanood ko ang bawat reaction at pag-galaw niya hanggang sa dumako ang tingin niya sa suot niya, halata ang nasa loob ng suot niya. Sheeeet, bakit parang naaakit ako?
YOU ARE READING
Sky University
RomancePeople will come and go to your life. Sabi nila kapag may umalis, may darating and that's the great blessings of our God. Life is fair kasi lahat tayo nakaka-ranas ng pagiging unfair. Makuntento tayo kung ano lang 'yong meron tayo. Life must go on a...