Gemini's POV
"Kuya ano ba 'yang nilalaro mo?" nagtataka kong tanong. Kanina pa kasi s'ya nagsasalita mag-isa. Para s'yang baliw.
"North p're. Nagtatago sa puno," tutok sa cellphone na wika n'ya.
May kausap ba si Kuya sa cellphone n'ya? Naka-earphones kasi s'ya eh. Hindi ko tuloy rinig.
"P're ayan na, ah? Do'n muna kayo sa L-house. Hayaan n'yo sila mag-loot."
Nakakunot na ang noo ko sa kakakulbit kay Kuya pero 'di pa rin niya ako pinapansin.
"Kuyaaaa!" mahabang tawag ko sa kanya. Saglit siyang lumingon pero agad ding bumalik sa pagpipindot sa cellphone n'ya.
'Yon na siguro ang tinatawag nilang online games. Nakakaadik talaga siguro 'yon. Tingnan mo si kuya. Sarap ipatokhang.
"P're pahinging medical kit. Ubos na 'ko. Isang pitik na lang ako."
Napakamot ako ng noo at saka sinandal ang baba ko sa balikat niya.
"Kuya?" mahinang tawag ko.
"Ano ba 'yon bunso?" malambing na sagot niya. Kinuha ko ang earbud sa kaliwa n'yang tenga at kinabit sa akin.
Bang! Bang! Bang!
Tsuk tsuk tsuk
Boogshh!
Kumunot ang noo ko nang may marinig akong magsalita na lalaki. Parang may katawagan siya habang naglalaro.
"P're pahinging ammo. Wala na 'kong bala," sabi ng lalaki sa laro.
"Wait p're. May nakaabang sa 'kin sa barn house. Ayon oh! Nakasilip sa West," sagot ni Kuya.
Hindi ko sila maintindihan. Binalik ko ang earbud ni Kuya sa tainga niya at saka naglaro ng Mama's Freezeria sa cellphone ko.
Nakakainis si Kuya. 'Di makausap ng ayos. Ahmp!
"Six left p're. Camp muna tayo mahirap na," sabi ni Kuya at saka ako tiningnan. Inirapan ko siya para ipakita ang inis ko pero ngumiti lang siya.
Binalik niya ang tingin sa cellphone n'ya. Ahmp! Sabi ni Kuya manonood daw kami ng movie ngayon pero ano'ng oras na? Tsk.
"P're may papasok. Labas mo shotgun. Hayaan mo sila umakyat," narinig ko na namang sabi ni Kuya. Sa tono ng boses n'ya parang kinakabahan pa s'ya.
"Shit! Naka-M79 (Grenade Launcher) pala. Asar!"
Nagulat ako nang sumigaw si Kuya. Pabago bago ng mood, ah? Parang ewan lang.
"Sige p're sa susunod na ulit. Nagtatampo na 'tong bunso ko eh. Hahaha!" paalam niya at saka ako tiningnan.
Sinamaan ko s'ya ng tingin at saka kunwaring magwo-walk out nang hilahin ako niya ako kaya napaupo ako sa hita n'ya.
"Si bunso naman. Ranked match kasi 'yon kaya bawal ako mag-exit." Ano raw? Ano'ng ranked match?
"Kuya sabi mo manonood tayo ng movie. Ano'ng oras na? Wala ka namang ginawa kung hindi maglaro!" Tumawa naman si Kuya at saka ako kinandong ng maayos.
"Gusto mo turuan din kitang mag Shoot Go?"
Shoo--what?
"Ayoko maging adik!" tanggi ko at saka piningot ang ilong n'yang matangos.
"Para malaman mo kung paano maging gamer. Para hindi ka nalilito sa ginagawa ko," pangungumbinse niya.
Tumango ako tanda ng pagsuko. Curious rin kasi ako.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Gamer (BxB)
Teen Fiction[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak...