Chapter 02

3.6K 195 24
                                    

Gemini's POV

Almost three months na akong naglalaro ng Shoot Go. Ang dami ko nang nakilalang ibang players. Isa na ro'n si Naithan. Nakalaro ko s'ya minsan kasama ko no'n si Jilajille.

Ako, si Jilajille, si Crauss and si Pula at tsaka si Naithan. Meron kaming guild na tinatawag na Legends Are Born.

Sa lahat ng guildmates ko kay Naithan ako pinaka-close. Palabiro at prangka siyang tao. Malambing din at thoughtful kaya hindi naging mahirap sa 'kin kaibiganin s'ya. 

"Ano na Felo?!"  Halos mabasag ang eardrums ko sa pagsigaw ng lalaking 'to. 

"P'wede ba Naith, kumalma ka nga. Maawa ka sa mga headphone users," naiinis na natatawang suway ko sa kanya dahil umiirit s'ya na parang bakla.

Hindi naman bakla 'yan. Ang totoo nga n'yan ay may nakita akong babaeng kasama n'ya sa profile picture n'ya sa Facevook.

Agad kong binaril ang nakasilip na kalaban sa bintana. Wala na raw kasi s'yang med kit at humihingi ng tulong kung paano s'ya makaaalis dahil inaabangan s'ya ng kalaban.

"Patay na po," sabi ko at saka s'ya pinuntahan sa loob ng L-house upang abutan ng med kit.

"Galing magbuhat Felo, ah?" natutuwang saad ni kuya Joker at nilapitan si Naithan para bigyan ng supplies.

"'Hindi naman po. Bonak lang talaga 'to si Naithan." Sagot ko at saka tumawa. 

"Grabe ka sa'kin Felo porke't heroic ka na,"  nagkukunwaring malungkot na sabi ni Naithan at saka ako binaril ng shotgun n'ya. Mabuti na lang at walang friendly fire dito.

"Alam mo p're. Matagal ko nang nakakalaro 'to si Felo pero 'di ko pa rin alam ang FV niya,"  Biglang sabi ni MRIGHT na nagpatahimik sa aming lahat.

"Gemini Faye Santillan name ko," sagot ko. Nagpalit ako ng baril nang may na-loot akong foregrip Level 3.

P'wede na akong mag-AK47. 

Habang tumatagal ang laro ay hindi na nagsasalita ang kaninang makulit na si Naithan. Ano'ng nangyari ro'n?

"P're sa South 'yong bumabaril. B'wisit! Nakasilencer kasi," naiinis at parang bugnot na sabi ni Naithan.

Ano'ng problema nito? biglang badtrip. Nakita ko ang pangalan n'yang may kulay pulang bungo na sa tabi which means patay na s'ya. 

"Shit! Gago 'yon, ah!" sunod-sunod na mura ni Joker. Sunod kong nakita ang pangalan n'yang knocked down.

Agad akong lumapit sa avatar niya para i-revive siya pero magkakasunod na putok ng baril na may silencer ang tumama sa akin kaya hindi ko natapos ang pagrevive at namatay si Joker.

Umiwas muna ako at saka nagtago sa pader upang mag-med kit.

"Nakita ko na Felo. Nasa South nga. Do'n sa bato."

Agad kong sinilip at may nakita akong ulo. Agad kong tinapat ang crosser sa ulo ng kalaban at nang pumula ito ay agad ko itong pinutok.

Bang!

"Down na," sabi ko at saka ito nilapitan para i-shotgun. Twelve alive na lang.

MJ's POV

Ako si Mark Jasper Manalo. Kilala ako bilang MRIGHT sa Shoot Go. Almost six months na 'kong adik sa laro na 'to at masasabi kong ang saya maging adik. Haha!

Pero mas masaya maadik sa kanya.  Joke!

Meron akong guild. XBGANG ang pangalan. Required kami maglagay ng pagkakakilanlan sa ign namin kaya tinatawag nila akong XB•MRIGHT.

Tagal ko nang nakakalaro 'to si Felo. Alam ko namang lalaki s'ya pero ang cute kasi ng boses n'ya at parang babae 'yong nagsasalita. Hanga pa ko dito dahil ang galing talaga maglaro.

Isipin mo 'yon, TOP 5 s'ya sa SG global! Buong mundo 'yon na naglalaro ng SG mga brader!

Tiningnan ko ang gilid ng screen ng cellphone ko upang tingnan kung may nanoood ba sa gameplay ko.

P'wede ka kasing i-spectate ng kalaban o kakampi mo. Mukhang wala na sina Naithan at solo ko na si Felo.

Gabi na kasi at mukhang nag-exit na sila para maghapunan. Pagkakataon ko na 'to!

Humiga ako sa kama habang hawak ang cellphone ko.

"Ehem..." panimula ko sa sasabihin ko.

"May contact ba?"  agad niyang tanong sa kabilang linya kaya natawa ako. Seryoso mas'yado.

"Felo? Ano nga ulit name mo sa FV?" tanong ko.

Katahimikan ang namayani ng ilang saglit bago n'ya 'ko sagutin.

"Gemini Faye Santillan nga!" sabi niya at saka hinampas ng kawali ang avatar ko. Hahaha! Naasar na yata. Ulits pa kasi.

In-exit ko muna ang application ng Shoot Go at saka in-open ang FV ko. P'wede pa naman akong bumalik. Gusto ko kasi makita ang itsura n'ya.

"Gemini Faye Santillan..."

Isang FV account ang lumabas. Excited ko itong pinindot at saka ini-view ang profile picture n'ya.

Wow! Grabe ang ganda. Kahit lalaki 'to papatulan ko 'to. Ang puti at ganda n'ya. Maliit ang mukha at may bilugan at mahahabang pilik mata. Para s'yang manika.

Sana walang sabit.

Agad akong bumalik sa Shoot Go na application at nakita ko s'yang may kalaban twenty meters away sa character ko. Gagi ano'ng ginagawa ko?

Mabilis akong pumunta sa kanya at naabutan ko s'yang nagme-med kit na. Tumingin ako sa paligid at puro lootboxes nang namatay na mga kalaban ang nakita ko. Teka naubos n'ya lahat?! Isang squad 'yon, ah?

"Ang galing mo naman," tanging nasabi ko at saka napangiti. Kapag naging kami nito baka mas adik pa sa 'kin 'to.

Nakakabakla man pero kinilig ako sa naisip ko.

Tutal wala naman sina Naithan, sasamantalahin ko na ang pagkakataon. Nagbuntong hininga muna ako bago ko siya lakas loob na tinawag.

"Fel..."

"Bakit?"  Nang-aakit ang boses ni Felo shit!

"P'wede ba kitang ligawan?"

"Huh?" nagtatakang reaksyon ni Felo. Nagulat ko 'ata si Fel—

"Landi..."  saad ng isang malalim na boses na sigurado akong hindi pagmamay-ari ni Felo.

Teka sino 'yon? Agad kong tiningnan ang gilid ng screen at nakita kong may dalawang nanonood sa 'kin.

"Akala mo umalis na kami, 'no? Naku p're! Alam naming gusto mo si Felo. Hahaha! "  tumatawang singhal ni Joker.

Nahihiya kong pinatay ang cellphone ko at nagtaklob ng unan sa mukha.

Anak naman talaga ng pitong tupa!

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon