Gemini's POV
It's 3 p.m.
Hindi ko alam kung lalabas ba ako ng k'warto para tanungin si Damon kung ano ba ang dapat kong gawin ngayong magaganap na ang false cancellation ng event. Pagkatapos ng lunch namin kanina ay bumalik lang ako sa k'warto.
Hindi na rin niya ako muling ginambala pa. Ano ba ang dapat kong gawin? Stay lang ba talaga ako dito?
Kaunti na lang ay mababagot na ako ng tuluyan.
Tinatamad kong tinaas sa ere ang paa ko habang nakahiga naman ang torso ko sa kama. Nakakatanggal daw 'to ng stress according sa napanood kong Korean drama. Napatingin ako sa pinto nang magbukas 'yun at niluwa si Damon. Tumaas ang dalawang kilay niya nang mapatingin siya sa paa kong nakataas sa ere.
"Come with me." Walang tonong sabi niya.
Hindi na ko umapela at bumuntot na rin ako sa kanya. Umagaw ng atensyon ko ang dalawang lalaking nakaupo sa sofa. The back of his head looks familiar. Hindi nga ako nagkamali dahil paglingon ng lalaki ay agad ko siyang nakilala.
"Kuya!" Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. "Not too tight." He reminded. Nagtataka akong napatingin sa kanya.
"May sugat ang kuya mo sa tagiliran." Kit said. Nanlaki ang mata ko. Nabitawan ko si Kuya at agad naman siyang dumaing nang madali ko ang sugat niya.
"O-Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong. Tumango naman si Kuya.
"Ano ba'ng nangyari?" Naiiyak na 'ko. Pati 'yung Kuya ko nasasaktan na din sa mga nangyayari ngayon. Kung tutuusin ay wala naman kaming kinalaman dito.
O-Oo! Kilala naman sila. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay related na talaga kami sa mga Mafia stuffs na 'yan. Malay ba naming mga Mafia pala sila.
"We were attacked by Judaz's men. He was stabbed." Paliwanag ni Kuya Kit. Napatingin ako kay Kuya at tumango lang siya. He's telling me that he's okay pero kabaliktaran ang nakikita ko sa kanya.
"Why?" Damon asked. Tumabi ako kay Kuya sa sofa at pinakinggan ang pag-uusap ng dalawang lalaki sa harapan namin.
"They're after Gemini. They tried to abduct Luke as well." Kit responded. Nakagat ko ang labi ko. Bakit ako na naman? Sino ba ako para kuhanin nila?
"H-Hindi ko maintindihan. Bakit nila 'ko gustong kuhanin?" Nalilitong tanong ko. Nagkatinginan si Kit at Damon. Kumunot ang noo ko. Saglit na katahimikan ang namayapa pero agad din itong binasag ni Damon.
"Because I like you." Walang pakundangan na sagot niya. Namumula akong napatingin kay Kuya nang masamid siya sa iniinom niyang tubig.
"They're after you because you're my weakness." Walang pakundangang sabi na naman niya. Nahihiya akong napatingin kay Kuya Luke. Halatang nagulat din siya sa mga naririnig niya.
Isa sa mga ayaw ko kay Damon ay hindi niya nilulugar ang sweet talks niya sa'kin.
Sa harap pa talaga ng Kuya ko...
Nakakahiya!
"Bakit naman nila kukuhanin ang kapatid ko dahil sa'yo?" Maangas na tanong ni Kuya. Napapikit ako nang humigpit ang yakap niya sa'kin.
Magsu-super saiyan na 'ata ang Kuya ko.
Sa lahat na naman kasi talaga ng oras Damon... Argh.
Nakatingin lang siya sa Kuya kong parang mangangain na ng tao. Protective ang Kuya ko kaya walang nangahas na manligaw sa'kin. Ang motto niya ay 'Dadaan ka muna sa abs ko bago mo maligawan ang kapatid ko.' Kahit wala naman talaga siyang abs.
Tipid na ngumiti si Damon pero agad din 'yung nawala.
"I'm Damon Aragon Lacaforte." Pakilala niya sa sarili niya. Ramdam ko ang paninigas ng Kuya ko at ang unti-unting pagbabago ng itsura niya.
"L-Lacaforte?" Nauutal na ulit niya sa apelyido ni Damon.
A-Ano'ng meron?
Nagtataka kong tiningnan ang Kuya kong parang binuhusan ng malamig na tubig at hindi makapagsalita. "Sabi sa'yo p're hindi ako nagbibiro no'ng sinabi kong kilala ko ang superior ng Unknown PH. Hahaha." Natatawang sabi ni Kit at hinampas pa si Kuya.
"O-Oh my gosh." Bulong ni Kuya.
Luh.
Napatakip pa si Kuya ng bibig. Nagtataka akong napatingin kay Damon na walang emosyong nakatingin sa Kuya kong biglang tumiklop sa kanya.
"Nice to meet you p're! Luke pala. Kuya ako ni Gemini." Nakangiting sabi ni Kuya at kinamayan pa si Damon. "Medyo masakit kasi ang sugat ko kaya kung anu-anong sinasabi ko kanina." Nagkakamot ng ulong sabi ni Kuya.
Naningkit ang mata ko sa pagbabago ng ihip ng hangin.
"Pleasure." Tipid na sabi ni Damon.
Siniko ko si Kuya at napadaing naman siya. May sugat nga pala siya. Nalaman lang na superior ng kung ano mang unknown si Damon biglang bait na agad. Tss.
"Totoo ba na ikaw ang superior ng Unknown PH?" Tanong ni Kuya. Nanliliit ang mata kong napatingin kay Kuya.
"Ano'ng meron sa Unknown PH, Kuya?" Nakakunot noong tanong ko. Parang narinig ko na 'yon pero hindi ko lang maalala.
"Ano ka ba bunso." Nakangusong sabi ni Kuya. "Unknown PH 'yung nag-leak ng proofs and evidences sa corruption ng President natin recently." Paliwanag ni Kuya. Napatingin ako kay Damon.
Tama.
Kaya pala familiar 'yung Unknown PH sa'kin. Laman sila ng balita for the past seven months. Sila ang naglalabas ng baho ng government. Sila din ang tumulong sa one hundred Ofw's na na-trap sa isang hijacked ship na sinasabing inabandona ng gobyerno.
Unknown PH din ang tumulong sa Tito kong Judge nang mabigyan siya ng false accusation regarding venality.
"Remember? The Vigilantes of the Philippines." Nakangiting sabi ni Kuya.
Unknown PH are self-appointed doer of justice.
Hindi ko na nagawang ibuka pa ang bibig ko pagkatapos no'n. Kusa na rin akong nabingi at nakatulala lang sa lalaking nasa harapan ko.
Hindi ko akalain na gano'n pala ang purpose ng troop nila. Ang akala ko ay gumagawa sila ng mga bagay na makakasama sa mga tao pero nagkamali ako. Akala ko ay kagaya ng mga nababasa kong nobela na nagbebenta sila ng mga droga at mga illegal firearms. Akala ko ay salot sila ng lipunan. Kabaliktaran pala.
He's not a bad guy after all.
Tumaas ang balikat ko sa gulat nang bigla siyang tumingin sa'kin. Nagtama ang mata naming dalawa. Napaawang ang bibig ko nang ngumiti siya.
Nasagot na ang katanungan sa isip ko.
Ngayon... Kilala na kita Xenon.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Gamer (BxB)
Ficção Adolescente[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak...