Chapter 17

1.9K 128 10
                                    

Gemini's POV

Nilibot ko ang tingin ko sa lugar at napansin kong may mga nakatingin na sa'kin.

"Let's go." Hinawakan ni Naith ang kamay ko at naglakad na kami papalapit sa mga kasama namin.

"'Yan na ang may birthday!" sigaw ni kuya Red. Napailing na lang ako dahil sa kabibohan niya.

Medyo malakas ang music kaya nagsisigawan kami. Maraming mga tao pero nakikita ko pa naman sila.

May mga nagsasayaw sa gitna at sa may gilid naman ay ang area ng mga bartender. Busy sila sa paghahalo ng mga drinks para sa customers na nakaupo sa barstools.

Maya-maya pa ay dumating na si Carlo at David na may dalang mga alak.

Sa totoo lang ay wala akong alam sa lugar na 'to kaya makikisabay na lang ako sa agos.

"Girls mild drinks lang sa inyo," may halong pang-aasar na sabi ni Red kaya pinagbabato siya ng girls.

"Aray! joke lang," natatawang bawi niya.

Nagtawanan kami. Nahati kami sa tatlong table dahil sa sobrang dami namin ay halos magmukhang crowded ang malawak na lugar.

"Dahil double celebration ito hard drinks agad tayo!" sigaw ni Carlo na nagpabaliw sa aming lahat.

Napatingin ako sa pinatong nila sa lamesa. May mga pulutan din silang in-order.

"That's vodka," bulong ni Naith sa'kin at nginuso ang dalawang bote ng alak.

"40-95% ang alcohol content niyan. Kaya mo ba?" nag-aalala niyang tanong sa'kin. Napairap naman ako.

"Adult na 'ko!" pagmamayabang ko sa kanya.

"Mag beer ka na lang," sabi niya. "4-8% lang alcohol content n'on. Baka mababa alcohol tolerance mo," dagdag niya. Pinisil ko pisngi niya dahil sa inis.

Hindi pa ako nagsisimula nanenermon na.

"May basbas na ako ni kuya kaya huwag kang KJ diyan," sabi ko sa kanya.

Hindi nagtagal ay nagsimula na kami. Kinuha ni Carlo ang shot glass at binasa ng lemon ang labi ng baso. Tapos ay sinawsaw niya ito sa asin. Nagsalin siya ng vodka sa shot glass at saka inabot sa'kin.

"Go birthday girl!" cheer sa'kin ng mga kasama namin. Napatingin ako kay Naith at tumango siya.

Kinuha ko ang maliit na baso at diretsong ininom.

"Ahh!" malalim na buntong hininga ko pagkatapos kong inumin ang alak.

"Woooohhh!" sigawan ng mga kasama namin.

Bahagya akong nakaramdam ng hilo pero agad din nawala. Ramdam na ramdam ko 'yung paghagod ng alak sa lalamunan ko. Ang init sa pakiramdam.

"You okay?" tanong ni Naith. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Kinagat ko ang lemon dahil sabi nila kagatin ko daw. Pampababa daw ng chance ng hangover.

Umikot ang bote sa table. Dahil thirty kami ay matagal pa bago umulit sa'kin.

"Go Naithan!" cheer namin sa kanya.

Ini-straight na inom niya ang alak na parang tubig lang. Hindi niya kinagat 'yong lemon. Edi siya na sanay.

"Woahhh!" pag-iingay naming lahat. Nang makainom ang lahat ay nilabas na ni Red ang cocktail mixer.

Napatingin ako sa paligid at medyo nahihilo na ako kaagad. Grabe isang maliit na baso pa lang naiinom ko.

Pinaghalo ni Red ang yelo, vodka at lemon juice. Saka isinalin sa baso ko.

"Go Gemini!" cheer nila sa 'kin. Tinaas ko ang baso at saka ininom. Bottoms up!

Pagkababa ko ng baso ay parang nabingi ako ng ilang sandali at umikot ang paligid ko. Woahh!

Ang init...

Tumingin ako kay Naithan dahil siya na ang iinom. Ininom niya ang sinalin ni Red sa baso na parang tubig. Tumingin siya sa'kin at napansin kong naiiling na siya.

"Tama na..." suway niya sa'kin. Umiling ako at nagmaktol.

"Gusto ko pa!" sabi ko sa kanya.

"Mag beer ka na lang," sagot niya. Umalis siya at parang kukuha ng beer. Nang bumalik siya ay may dala na siyang tatlong can ng beer. Kinuha ko ito at binuksan.

"Ahh!" buntong hininga ko pagkatapos kong inumin ang beer.

"Laro!" sigaw ni Twids. Halatang medyo lasing na siya dahil hindi naman siya sumisigaw.

Naisipan naming maglaro ng siopao siomai suman at ang magkakamali ay iinom ng Vodka. Dahil mga lasing na kami ay marami na'ng nagkakamali sa'min.

"Siopao Siokoy—AY FUCK!" Nagtawanan kami sa nasabi ni Rein. Siokoy daw ehh.

Hahaha!

"Shot! Shot!" Ininom ni Rein ang baso na may vodka.

"Woahh!" sigawan namin. Nang ako na ang maglalaro ay ni-ready ko na ang utak ko.

"Game Felo!"

"Siopao Siomay Sinukmani!"

"HAHAHAHAHHAHA!" Tawanan ng mga kasama namin. Pati ako ay napatawa. Ang layo ng suman sa sinukmani. Lasing na 'ko!

"Shot! Shot!" cheer ng nga kasama ko. Kukuhanin ko na sana ang baso nang agawin sakin ni Naithan ang shot glass at siya ang uminom.

"WOHHHH! KNIGHT IN SHINING ARMOR!" kantiyaw ng mga lalaki. Umarte pa silang parang nangingisay sa kilig kaya napatawa na lang ako.

Nakailang ikot ang laro at nakailang mali rin ako. Kada-mali ko ay si Naith ang umiinom. Nakaka-13 shots na 'ata siya. Napansin kong medyo mapungay na ang mata niya at tinungo na niya ang ulo niya sa lamesa.

Marunong naman pala malasing hahah.

"Guys excuse," paalam ko sa kanila. Pagewang-gewang akong pumunta ng banyo.

Napatingin ako sa abalang bartender at sa mga customer na nakaupo sa barstool. Napatingin ako sa lalaking nakatalikod at nakasuot ng hoodie.

Si Xenon ba 'yun?

Naglakad ako papalapit sa lalaki pero napatigil ako.

"Samahan na kita." Biglang may humawak sa kamay ko at si Rein ang sumalubong sa'kin.

Ngumiti ako sa kanya at inakay niya ako papasok ng banyo. Pumasok ako sa mga cubicle at nagbawas.

"Arghh! Ang sakit ng ulo ko," reklamo ko.

Lumabas ako ng cubicle at nagtaka ako ng wala akong Rein na nakita. Sinilip ko ang nga cubicle pero wala siya.

"Iniwan ako..." bulong ko.

Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

Parang ang ganda ko 'ata ngayon. Payak akong napatawa at inayos ang buhok ko.

"Oo nga p're pangit chic—Uy! Ano'ng ginagawa ng isang magandang binibini dito?" napatingin ako sa tatlong lalaking pumasok.

Nakangisi ang mga mukha nilang nakatingin sa'kin. Medyo malabo at mabigat na ang mga mata ko kaya hindi ko sila mas'yadong kita.

"Lock mo pinto p're," sabi niya sa kasama niya.

Nagtataka akong napatingin sa kanila. Bakit ilo-lock? Nandito pa kaya ak. Duhh!

"Aalis pa po ako," sabi ko sa kanila. Dinaanan ko sila para makaalis pero hinawakan nila ng mahigpit ang braso ko.

"Dito ka muna!" mapaglarong sabi ng lalaking may piercing sa ilong.

"Ayaw ko!" sigaw ko sa kanya at nagpumiglas. Sino ba 'tong mga pangit na 'to!

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon