Chapter 23

1.5K 114 10
                                    

Gemini's POV

Napatahimik kaming lahat nang marinig namin ang boses niya. Gano'n pa rin ang boses niya. Malamig at walang buhay.

"Magkakilala ba kayo?" Tanong ni Hannalyn na hindi ko na nasagot dahil bumalik na sa lobby 'yung avatar ko.

"Top 3 lang kami." Napatingin ako kay Rein nang magsalita siya.

"Napanalo namin." Sabi naman ni Zakiel.

"Kami rin." Sagot ni Naith. Tumingin naman silang lahat sa'kin na tila naghihintay ng sagot.

"N-Nanalo rin kami."

"Pasok pala tayong lahat dito eh. Sila kaya?" Tanong ni Rein. Inaya niya kaming lumabas at bumungad sa'min ang mga ka-guild namin.

Pati si ate Jasmin.

Agad niya akong inirapan nang makita niya 'ko. "Napatay ako ni Xenon. Eliminated na ako." Malungkot na sabi ni Rachi.

Nakaramdam din ako ng lungkot kaya lumapit ako sa kanya para yakapin siya.

"Si Jasmin din napatay ni Xenon." Sabi ni kuya Joker. Napatingin naman ako kay ate Jasmin at masama ang tingin niya sa'kin.

"Ang galing talaga ng mokong na 'yun. Swerte ng mga nakakasama siya sa game." Naiiling na komento ni kuya Pula. Napatikhim tuloy ako.

Maya-maya pa ay lumabas na rin ang mga natitira naming ka-guild na kakatapos lang maglaro.

"Hindi mas'yadong maganda ang result ng second battle natin." Malungkot na sabi ni kuya Crauss. Bigla din tuloy ako nalungkot.

Marami bang hindi nakapasok sa'min?

"Siguro ay dahil nagkawatak-watak tayo kaya hindi naging maganda ang resulta ng laro." Saad ni kuya Joker.

"Kailan daw ba ang elimination ceremony?" Tanong ni Twids.

"Mamayang gabi raw." Sagot ni Naith. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa waist ko.

"Bakit gabi?" Tanong ni ate Sazz.

"May night party daw." Sagot ni Justin. Napangiti naman kaming lahat dahil kahit papaano ay ma-eenjoy namin ang natitirang mga araw na magkakasama kami.

Napatingin ako kay Justin at nakangiti siya sa'kin kaya sinuklian ko 'yung ngiti niya.

"Ahmp!" Impit kong ungol ng humigpit ang kapit ni Naith sa waist ko.

"Aray ko naman." Reklamong bulong ko sa kanya. Hindi naman niya ko pinansin at mas lalo pa 'kong nilapit sa kanya.

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon