Gemini's POV
Napalunok ako sa nabasa kong pangalan sa screen. Kasama ko si Xenon sa match! Jusmiyo.
"Nakapasok ka na Gem?" Tanong ni Rein.
"H-Ha?" Nauutal kong tanong kahit malinaw ko namang narinig ang sinabi niya.
Bakit naman sa dami-dami ng players na makakasama ko si Xenon pa. Mukhang hindi ako makakapag-pokus sa laro nito.
"Sino'ng kasama mo kako?" Ulit niya.
"Mga hindi ko kilala eh hehe." Pagsisinungaling ko. Awkward pa akong tumawa. Hindi ko alam kung bakit naiilang akong sabihin sa kanila na si Xenon ang kasama ko sa game.
"Ayos ka lang?"
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Naith na nag-aalalang nakatingin sa'kin. Akala ko galit siya?
"O-Oo naman. Hehe." Sagot ko. Tinago ko ng bahagya ang screen ko para hindi niya makita ang nga kasama ko.
Abala na silang lahat sa paglalaro habang kami naman ay nasa spawn island pa.
"Hello everyone!" Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita ang isa naming kasama.
Si Bernadesu.
"Hello. Sino magdro-drop?" Tanong ni Hannalyn. Medyo nagulat ako kasi malalim ang boses niya. Ang expectation ko kasi babae gawa ng pangalan niya.
"Woah! Kasama pala natin si Xenon." Pansin ni Bernadesu. Tiningnan ko naman ang avatar ni Damon pero nakatigil lang siya.
After one minute ay nagsimula din ang laro.
Nagfollow ako kay Bernardesu pero nagfollow siya kay Xenon so ending lahat kami naka-follow kay Xenon.
Ang awkward naman nito.
"P're saan mo ba kami balak ibaba?" Tanong ni Hannalyn sa naka-on mic pero hindi nagsasalita na si Xenon.
"..."
"Sungit niya pala talaga, ano?" Sabi ni Bernadesu. Napairap naman ako. Hindi lang 'yan masungit. Manyak pa. Tss.
"..."
Malapit na kami sa dulo pero hindi pa rin kami nagdro-drop. Ano bang pauso ng lalaking 'to. Naisipan kong mag unfollow sa kanya dahil wala sa New year resolution ko ang mag-late drop.
Sa Sentosa ako dinala ng tadhana. Siguradong wala dito ang circle mamaya kaya kailangan kong magloot ng mabilis.
Tumingin ako sa map at nakita kong kasama ko bumaba dito 'yung dalawa. Mabuti naman kung ganu'n. Pero nang tingnan ko ang map ay nanlaki ang mata ko nang makita ko kung gaano kalayo si Xenon sa'min.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Gamer (BxB)
Novela Juvenil[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak...