Chapter 09

2.8K 179 23
                                    

Gemini's POV

Nakabalik na kami sa unit. Marami ang bumati sa 'kin na nakalaro ko na noon habang pabalik kami.

Agad humiga si Naithan pagkabalik namin ng k'warto at tumutok sa cellphone niya.

6:30 na ng gabi at medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom. Ang sabi kasi sa 'min ni
leader Crauss ay pupunta kami sa Food Court para kumain.

Minabuti ko na munang maligo dahil nanlalagkit ako. Lumabas ako ng k'warto dala ang malinis na damit at tuwalya.

Pagbukas ko ng pinto ay naabutan kong nanonood ng TV si Twids. Napalingon siya sa 'kin dahil sa ingay na nilikha ng pinto.

"Hello," nakangiti kong sabi.

Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagpula ng tainga niya bago siya nag-iwas ng tingin. Napatawa na lang ako at saka dumiretso sa banyo.

Sadyang tahimik si Twids at medyo funny talaga 'yong voice niya. Kapag naglalaro kami ay taga-bigay siya lagi ng loot sa mga ka-guild namin. Pansin ko rin na medyo ilang siya sa 'kin lalo na kapag nakakantiyawan kaming dalawa.

Pinagmasdan ko ang banyo. Pangsosyalan ang dating. May bath tub pa sa gitna.

Nagsimula na akong maligo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas ako suot ang flower printed shirt at pajama. Marami na sila sa sala paglabas ko.

"Hello Gemini!" may pakulot pa sa boses na bati ni Good Angel. Sa aming lahat siya ang magaling kumanta.

Kapag nakalaro mo siya wala siyang ibang ginawa kung hindi kumanta. Ayos lang naman dahil ang lamig ng boses niya.

"Hello po."

Bumalik ako sa k'warto namin pero sa hindi inaasahang pangyayari ay natabig ko ang nakatayo pa lang si ᄂΛB_R-RGEL sa tabi ng pinto namin. R-gel ang totoo niyang pangalan. Hindi malayo sa ign (in game name) niya.

"Ay! Sorry po. Hindi ko napansin na nandiyan ka pala kuya," paumanhin ko. Ngumisi lang siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang.

"Fresh na fresh tayo, ah?" nakangisi niya pa ring sabi. Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko sa sinabi niya.

Ang weird naman nito ni kuya.

Apat na taon ang tanda niya sa akin kung hindi ako nagkakamali. Noon pa man sa laro namin ay ganito na siya pero mas weird pa rin pala siya sa personal.

"Gem?" Agad akong nabalik sa ulirat nang nagbukas ang pinto ng k'warto namin at lumabas si Naith.

Nawala ang ngisi sa labi ni kuya R-gel nang lumabas si Naith at humarang sa pagitan namin.

"May kailangan ka p're?" tanong ni Naith. Hindi sumagot si kuya R-gel at blangko lang siyang tiningnan. Tumalikod siya sa amin at tumabi kay Twids.

"Huwag ka mas'yado makipag-usap diyan. Adik 'ata 'yan eh," nakangibit niyang sabi.

"Bakit gano'n si kuya?" tanong ko.

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon