Chapter 16

1.8K 121 8
                                    

Gemini's POV

"Hindi. Tinulungan niya lang ako," nakangiting sagot ko. Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ang paa ko.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga malala ang lagay ko. Ipahinga ko lang 'to ng isang gabi siguradong kinabukasan ay ayos na ako.

Napatingin kami sa pinto nang bigla itong magbukas at pumasok si kuya Zakiel.

"Dito ka muna. Hanapin ko lang si Mariel." Aniya.

Umalis siya kaya naiwan kami ni kuya Zak sa loob. Nang tingnan ko siya ay mukhang kakatapos niya lang maligo.

Hinahanap ni Naithan si ate Mariel dahil nurse 'to. Ewan ko ba naman du'n kay Naith at napaka-OA. sinabi nang ayos lang ako.

"Ano'ng nangyari sa paa mo?" Basag niya sa katahimikan. Muli akong tumingin sa kanya pero diretso lang siyang nakatingin sa cellphone niya.

"A-Ah wala po. Natapilok lang." Sagot ko.

Binaba niya ang cellphone niya at saka tumingin sa'kin. Nakapatong ang dalawang braso niya sa hita niya. Awkward akong ngumiti sa kanya.

"Kayo ba ni Naith?" Tanong niya.

Napatawa naman ako at mabilis na umiling. Bakit ba halos 'ata lahat sila ay ang tingin samin ni Naith ay magjowa.

Tumayo siya at dahan-dahang naglakad papalapit sa'kin.

Umupo siya sa sahig at pinatong ang paa ko sa hita niya. Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang mga kilos.

"I'll massage it for you." Sabi niya. Bagaman at nalilito ay tumango na lang ako sa kanya.

___

Medyo late akong nagising dahil napasarap ang tulog ko. Ang lamig kasi kagabi tapos nanaginip pa ako. Pagtingin ko sa loob ng k'warto ay walang tao.

Mukhang nasa labas silang lahat. Binuksan ko ang cellphone ko para tingnan ang oras.

"Grabe 10 na pala." Bulong ko. Napatingin ako sa date at nanlaki ang mata ko nang may nakita akong cake na emoji sa tabi nito.

April 23...

Birthday ko pala ngayon.

Luh siya nakalimutan ko! Binuksan ko agad ang cellphone ko at marami akong missed calls from Mommy and Daddy. Binasa ko ang message nila sa'kin at napangiti ako.

Kahit nasa malayo sina Mommy hindi nila nakakalimutan ang birthday ko.

Nang matapos ako magreply sa kanila ay agad akong lumabas dala ang damit ko.

Lahat sila ay abala sa mga cellphone nila at may sari-sariling mundo. Nakalimutan 'ata nila na birthday ko?

Teka...

Alam ba nila?

Hindi nila tinitingnan info's ko sa Facevook? Nakakatampo naman. Tiningnan ko si Naithan na nakikipag-usap kina Crauss at Joker.

"Pati siya nakalimutan na birthday ko. Tss." Inis kong bulong at saka dire-diretsong pumasok ng banyo para maligo.

"Nakakatampo naman 'tong mga ka-guild ko. Hindi man lang naalala special day ko." Nagtatampong kausap ko sa sarili ko habang nagsasabon ng katawan.

Whatever! Kahit hindi nila maalala na birthday ko kailangan blooming pa rin ako ngayon. Today is my day kaya mag aayos ako. Sinuot ko ang oversized gray sweater ko paired with my pastel pink overall dress.

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon