Chapter 27

1.4K 115 8
                                    

Gemini's POV

"---kaya bantayan niyo siya ng mabuti."

Nagising ang diwa ko sa narinig kong boses. Agad kong minulat ang mata ko pero wala akong nakita. Ramdam ko rin ang telang nakabusal sa bibig ko.

Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero mahigpit itong nakatali sa likod ko.

Nasaan ba ako?

"Ahmpp!" Daing ko.

Nasaan na si Rein? Bakit ako nakatali? Ano'ng gagawin nila sa'kin?

Nagpumiglas ako sa pagkakatali ko habang walang tigil sa paglabas ang mga luha sa mata ko. Ramdam ko ang unti-unting pagkabasa ng telang mahigpit na nakapiring sa mga mata ko.

Napatigil ako nang makarinig ako ng mga yapak.

"Huwag ka ng mag-aksaya ng panahon. Hindi ka rin makakawala." Rinig kong sabi ng lalaki. Lalong lumakas ang hikbi ko dahil sa narinig.

Sino ba sila?!

Ano'ng ginawa ko sa kanila?!

Pilit ko pa ring tinatanggal ang pagkakatali nila sa kamay ko pero mas'yado itong mahigpit. Unti-unti na akong nahihirapan sa paghinga dahil sa nakabusal sa bibig ko.

"Gusto mo bang tanggalin ko ang busal mo?" Tanong ng lalaki. Nanginig ako nang marinig ko ang papalapit niyang mga yapak.

Kahit natatakot ay tumango ako.

"Promise me na hindi ka sisigaw. Dahil hindi ako magda-dalawang isip na putulin ang dila mo." Banta niya na nagpalakas ng hikbi ko.

Napatigil ako nang may humawak sa ulo ko at sunod kong naramdaman ang marahas niyang pagtanggal sa busal ko.

Sunod-sunod akong napaubo dahil sa ginawa niya. Natuyo ng sobra ang bibig ko. Nauuhaw ako.

"Ngayon manahimik ka kung ayaw mong totohanin ko ang banta ko sa'yo." Malamig na sabi niya at narinig ko ulit ang yapak niyang papalayo sa akin.

Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko pero mukhang mahigpit din iyong nakatali sa upuang kinalalagyan ko.

Kailangan kong makagawa ng paraan para makatakas dito!

Napatigil ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. "Nandito na siya." Sabi ng isa pang lalaki.

Sino?

Ano'ng kinalaman ko dito? Dahil ba sa mga nalalaman ko tungkol kay Damon at kina kuya Zakiel?

Ito na ba ang sinasabi ni Damon?

"Papasukin niyo siya. Marami kaming dapat pag-usapan." Ramdam ko ang ngisi ng lalaking nagsalita. Siya ang nagtanggal ng busal ko kanina.

Nagpanting ang tenga ko sa mga narinig kong mga yapak. "Bitawan niyo ko!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon