Chapter 32

1.1K 111 8
                                    

Gemini's POV

Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaction ko sa sinabi niya. He just confessed to me. It was a little too unexpected. Sa lahat ng pagsusungit at pangii-snob niya sa'kin gusto niya pala ako? Gano'n ba siya magpakita ng kagustuhan sa isang tao?

How ironic.

Beep Beep

I winced when my phone vibrated. Napabitaw kami sa titigan namin dahil sa tunog ng incoming call. Naiilang kong kinuha sa bulsa ko ang phone ko at pinagpatuloy naman niya ang pagkain niya. Dinikit ko sa tenga ko ang cellphone. "Hello?" Sagot ko.

"Where are you!" Frustrated at malakas na tanong ni Naith. Nakagat ko ang labi ko nang maalala kong may nag-aalala nga pala sa'kin.

"A-Ayos lang ako, Naith. Sorry hindi ako nakauwi kagab-"

"Tell me where you are. Susunduin kita." Pagputol niya sa'kin. Napatingin ako kay Damon na walang emosyong nakatingin sa'kin.

"Huwag na. Hintayin mo na lan--"

"Gemini will stay with me." Putol sa'kin ni Damon. Gulat akong napatingin sa kanya. Natahimik si Naith sa kabilang linya. Nanlalaki naman ang mata kong tinitigan siya na prenteng kumakain ng almusal niya. Kung umasta siya ay parang wala siyang ginulong call.

Malilintikan ako nito kay Naith.

"Who is that?" Tanong ni Naith na hindi ko nasagot. Tumayo ako para lumayo sa dining table. "Was that Xenon? Gem answer me!" Sigaw niya. Sasabihin ko ba ang totoo?

Napasinghap ako nang may humablot sa phone ko. Wala na akong nagawa nang idikit ni Damon ang phone ko sa tenga niya. "You failed to protect Gemini so I will." Binaba niya ang tawag at nakanganga ko siyang hinabol ng tingin. Binulsa niya pa ang phone ko na parang sa kanya 'yun.

"Babalik ako sa unit namin." Matigas na sabi ko. He can't just interfere with our conversation.

Tinaasan niya ako ng dalawang kilay. "Okay." Walang emosyong tugon niya. Napairap ako sa inis at lumapit sa pinto.

I turned the doorknob but it didn't budge.

"Bakit ayaw mabuksan nito." Inis na bulong ko. Sigurado akong nag-aalala na si Naith sa'kin. "You really don't know anything about this event, do you?" Napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Damon.

He's still wearing that scandalous sweatpants of him. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ko. Hindi ba 'to normal na event?

"At exactly 3 p.m; Shoot Go will be announcing a false cancellation of the event." Aniya. Kumunot ang noo ko. False cancellation? B-Bakit?

"The main purpose of this event isn't the unification of Shoot Go players. It's to reunite all the Mafias in the Philippines." He stated. Naglakad siya papalapit sa'kin kaya napaatras ako.

R-Reunite all the Mafias?

"All the non mafia related players were intentionally eliminated." He added. Parang biglang sumakit ang ulo ko sa narinig ko.

"What..." Is all that I managed to say.

"The remaining people in this resort are Mafias and the ones that has something to do with the Mafias." 

Kung gano'n ay bakit pa kami nandito? I don't know anything about these Mafia stuffs. I-I'm a non mafia related too!

"You know something about me." He said. Agad akong umapela. It doesn't necessarily means that I have something to do with th-- "And your brother knows Kit's true identity." Nanigas ako sa sinabi niya.

S-Si Kuya?

"Kit is my comrade. He's part of my assemblage." He stated.

What...

"It's best to stay with me." He said.

Nanlalambot akong napasandal sa pinto. Si kuya Kit na may malalim na dimples sa magkabilang pisngi ay Mafia din? Ano ba 'tong nga nalalaman ko. Joke time ba 'to? Gusto kong makita si kuya Luke.

"N-No. I'll go." Umiiling na tanggi ko. Umismid siya at humalukipkip. "I wasn't asking. You're ought to stay in here." He scoffed. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. So ano? Hindi niya ako papalabasin!

"You're not going to meet that toddler guy." May awtoridad na sabi niya. Toddler guy? Si Naith ba ang tinutukoy ng kumag na 'to? "I like you. And my job is to protect you at all costs." He added. Tumingin siya ng diretso sa mata ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko. "I won't be able to do that if you're out of my sight. So do me a favor, please..." The tone of his voice changed.

"Stay."

___

Tahimik lang akong nakahiga sa kama. May internet connection naman siya and busog din naman ang kitchen niya sa pagkain pero hindi ko lang maiwasang mabagot. Mas sanay kasi ako na may kinakausap.

Asa namang kakausapin ako ni Damon.

Halos tatlong oras na ako dito sa loob ng k'warto. Pinagbigyan ko na siya sa hiling niya na dito na muna ako. Wala rin naman akong magagawa dahil kahit umayaw ako sa gusto niya ay hindi naman niya ako papayagang umalis.

Naka-video call ko si Naith kanina. Tinanong ko siya kung totoo 'yung sinabi ni Damon. Totoo naman daw. Nangako sa'kin si Naith na itatakas niya kami ni Kuya. Nakuwento niya din sa'kin na ni-reunite lahat ng Mafias para sa magaganap na inauguration ceremony. Hindi ko alam na may mga gano'n pa palang ganap sa kanila.

Napatingin ako sa pinto nang magbukas ito at niluwa si Damon. "Let's eat." Aniya. Tumango ako sumunod ako sa kanya.

Hindi na talaga niya pinagkatiwala sa'kin ang pagluluto. Tss.

Mabuti na lamang at napigilan ko sa ang sarili kong mapanganga sa bumungad sa'king mga pagkaing nakahanda sa lamesa. Siya ba ang nagluto ng mga 'to?

Nagwala ang tiyan ko sa mabangong amoy ng mga pagkain. "Stop drooling and sit." Nahihiya kong natikom ang bibig ko.

Umupo ako sa dining chair at pinagmasdan ko siyang punuin ng pagkain ang plato ko. Ni hindi ko nga hiniling 'yun sa kanya. Kusa niya akong inasikaso. Kinagat ko ang labi ko nang ilapag niya sa harapan ko ang pagkain.

"Marunong ka pala magluto." Basag ko sa katahimikan. Nagsisimula na kaming kumain at medyo nabibingi na din ako sa tahimik ng bahay niya. Hindi siya tumugon kaya napaismid ako. Sungit.

"Pareho kayo ni Naith. Mahilig ka din ba magluto?" Tanong ko ulit kahit alam kong hindi na naman siya sasagot. Minsan talaga pinagdududahan ko din lumalabas sa bibig niya. Gusto niya ba talaga ako ng lagay na 'yan? Ni hindi niya ng ako tinatapunan ng tingin.

"Alam mo ang bipolar mo. Para kang si Nai--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang ibagsak niya ang kubyertos niya. Napanguso ako dahil galit na naman siya. Ayaw naman niya kasi akong kausap kaya ako na lang ang nagsasalita mag-isa.

"We had an agreement that he will protect you but he failed." He said. Napatingin ako sa kanya. Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa'kin. Nakagat ko ang labi ko. Bakit ba siya sa'kin nagagalit.

"I'm not ineffective like him. So don't compare me to that imprudent toddler guy."

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon