Chapter 11

2K 142 11
                                    

Gemini's POV

Nandito na kami ngayon sa kanya-kanya naming mga kuwarto. Magsisimula na ang first round. Kailangan naming galingan dahil 1000 na players ang kalaban namin at hindi biro 'yon dahil 240 players lang ang makakapasok sa second round.

Grabe 'di ba?

Kaltas agad ang 76% ng mga players.

Pinapanood namin ngayon sa laptop ni Rein ang live video ng emcee ng event. Siya ang nagpapaliwanag sa amin at gumagabay kung ano ba ang mechanics ng laro.

Naka-custom game kami at hindi ako sigurado kung sino ang makakalaban namin.

Nang mapuno na ang room ay napatingin ako kay Naith. Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Magkatabi kami sa kama ko ngayon.

"Kinakabahan ako," mahinang sabi ko sa kanya.

"Huwag ka kabahan. Nandito naman ako eh," tugon niya. Ngumiti siya sa 'kin kaya gumaan ng kaunti ang loob ko.

"Okay, we're all ready. Let's start the first round of Shoot Go event in three, two and one! Good luck players!"  sabi ng emcee sa monitor.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang laro.

"Sa Outpost tayo," anunsyo ni Zak. Nag-follow kami sa kanya para hindi kami magkahiwa-hiwalay sa pagdrop.

"Kaunti lang loot dito," ani Rein. Napatango naman ako. Kaunti nga lang ang loot sa lugar na 'to.

"After nito sa Office tayo," sagot ni Zak.

Nakapagloot naman kami ng payapa pero hindi ko nakuha ang paborito kong baril.

"May AWM dito Naith," sabi ko. Saktong bumaba kasi ang air drop sa harap ko.

Agad niya itong kinuha.

"Tara na—Fuck!" Agad kaming napatingin kay Zak. May bumabaril sa kanya.

Agad kaming lumapit para tulungan siya.

"Hindi ko siya kita," inis na sabi Zak.

"Nakita ko na. Nakadapa sa may bato," sabi ni Naith at isang tunog na lang ng AWM ang narinig namin at ang pagknocked down ng kalaban.

Ang galing talaga mag snipe ni Naith.

Lodi!

Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Xenon. Kalaban kaya namin siya? Hindi ko napansin kanina sa room.

Pinagmasdan ko ang mga lumalabas na pangalan sa gilid. 'Yong mga nakakapatay kasi at pumapatay ay lumalabas sa gilid ng screen. Wala naman akong nakikitang Xenon.

Hindi siguro namin siya kasama.

Unti-unting naubos ang mga kalaban at malapit na kaming makapasok sa Top 3. Oras kasi na mangyari 'yon ay pasok na kami sa second round.

Fourteen alive.

Nagtatago na kami sa loob ng isang bahay. Pinapakiramdaman ko kung saan nagtatago ang mga kalaban. Maliit na ang bilog at hinuha kong ang final circle ay open ground pa 'ata.

Maya-maya ay nakarinig kami ng putok ng mga baril at ang pagkabawas ng mga natitirang players.

Ten alive.

"Pasok na tayo sa Top 3!" masayang sambit ko. Napatingin ako kay Naith at nakangiti itong nakatingin sa akin.

Pew!

"Shit..." sambit ni Rein.

Agad akong napatingin sa gilid at isang bungo na ang nasa tabi ng pangalan ni Rein. Patay na siya.

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon