Gemini's POV
Ilang araw na ang lumipas at bukas na agad ang second round para sa 240 players na natitira. Sa totoo lang ay nakakakaba. Minsan na naming nakasabay sa laro si Xenon at napakagaling niya. Hindi malabong makasabay ulit namin siya.
Pang-Top 2 lang kami no'ng first round dahil sa kanya. Dalawa pa kami ni Naith nu'n at siya lang mag-isa.
Speaking of the devil.
Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita. Gusto ko kasing linawin kung siya nga ba ang nagligtas sa akin sa club. May kutob kasi akong siya 'yun. May naaalala akong nakita ko siya no'ng gabing 'yun. 'Yung lalaking naka-hoodie.
Kasalukuyang nagswi-swimming ang ibang guild members at naiwan lang kaming dalawa ni Naith sa loob para manood ng Korean Drama. Malapit na naming matapos ang sixteen episodes. Ito ang inatupag namin sa nakalipas na limang araw.
"It's lunch," sabi ni Naith. Tiningnan ko ang oras sa monitor at 11:46 AM na nga.
"Tapusin na natin 'to. Seventeen minutes na lang naman," sabi ko. Hindi na siya umangal at nilapit pa ako sa kanya. Nakahiga kasi ako sa braso niya.
Napatingin kami sa pinto nang magbukas ito at pumasok si Rein. Tiningnan niya ang kamay ni Naith na nakaakbay sa'kin kaya napalayo ako ng kaunti.
"K-Kumain na raw kayo," sabi niya at nag-iwas ng tingin.
"Sunod na lang kami," sagot ni Naithan. Pinagpatuloy namin ang panonood. Nang matapos ang final episode ay lumabas na rin kami ni Naith.
"Hi guys!" bati ko.
Nakangiti naman akong sinalubong ni Ratachi. Tama ang iniisip niyo. Close na kami. Pakiramdam ko tuloy ay siya ang pumalit kay LA.
"Kinuha na namin kayo ng food. May lobster diyan," sabi ni Twids.
Umupo na kami ni Naith sa bakanteng upuan. Mga basa sila at inaaya rin nila kaming mag swimming pero hindi pa kasi magaling ang pasa ko sa tiyan. Baka mapansin nila.
"Ayaw mo mag swimming?" tanong ni Naith. Umiling ako. Mukhang gusto niya mag swimming kaya sinabihan ko siya na ayos lang ako.
Hindi ko naman sila masisisi. Ang init kasi ng panahon ngayon kaya masarap magbabad. May mga kasabay din silang galing sa ibang guild.
Habang nakaupo sa bench ay may isang taong umupo sa tabi ko. "Hello," nakangiti niyang bati. It's MJ.
"Kumusta?" nakangiti ko ring sabi. Nagkamot siya ng batok at nahihiyang binigay sa'kin ang isang bulaklak.
It's a gumamela.
Kinuha ko 'yun at nilagay sa tenga ko. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Ngumiti siya pabalik sa'kin.
"Hindi ako bakla," wika niya. Nagtataka akong napatingin sa kanya.
"Wala naman akong sinasabing bakla ka," natatawa kong saad.
"Pero bakit may gusto ako sa'yo?" tanong niya. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Ewan ko ba. Ikaw kasi eh. Binabakla mo 'ko hahah," tawa niya. Marami pa kaming pinag-usapan. Nakuwento niya sa'kin na eliminated na si Khianne.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Gamer (BxB)
Teen Fiction[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak...