Gemini's POV
Awkward.
A word to describe the atmosphere right now. He's looking straight at me at hawak niya pa rin ang baba ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ako makatingin sa mata niya kasi nanghihina ako.
"Okay. That's enough Garcia," natatawang pigil ni Pula kaya binitawan na ni Naith ang baba ko. Nahihiya kong tinakpan ang mukha ko. Wahh! Nakakahiya!
"Hahaha! Nahiya tuloy si Felo," tumatawang sabi ni MidOne. Natigil kami sa paglalaro nang may nagdoor bell. Agad tumayo si Crauss para buksan ang pinto.
"Felo kuya mo!" Tumayo ako para salabungin si Kuya. Iba ang guild ni Kuya at kuya Kit kaya hindi siya dito magii-stay. Yumakap ako sa kanya.
"Here's your bag. Hinanap ka ni kuya Kit mo kanina. Bigla ka raw nawala," nag-aalala niyang sabi.
"Hinanap ko rin po siya Kuya eh. Kaso nga lang mukhang naiwan niya 'ko nang hindi niya napapansin," nakanguso kong sagot at saka kinuha ang mabigat na bag. Ginulo niya ang buhok ko. Tumingin siya kay Crauss na nasa likod namin at nakikinig.
"P're nasa loob ba si Naithan?" Gulat akong napatingin kay Kuya.
Huwag muna Kuya nakakahiya pa!
"Ah oo p're wait lang." Umalis si Crauss at ilang saglit pa ay nasa tabi ko na si Naithan. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya.
"P're ikaw na bahala kay Gemini. Sa kabilang building pa kasi ako naka-room. Malikot 'to kaya baka maligaw," bilin ni Kuya. Napatingin naman ako ng masama sa kanya.
Malikot ka ryan! Ano ako six years old? Bakit ako ibibilin. Psh! Ngumiti naman si Naithan at saka ako inakbayan.
"Sige p're ako na bahala sa kanya." Nagtaas ako ng tingin kay Naithan. Paano nga pala siya nakilala ni Kuya? Parang may hindi 'ata ako alam?
Nang umalis si Kuya ay agad kong sinarado ang pinto at saka siya tinitigan. Tinaasan naman niya ako ng kilay na tila nagtatanong kung bakit ako nakatingin sa kanya.
"Paano ka nakilala ng kuya ko?" nagtataka kong tanong at pinanliitan siya ng mata. Inirapan naman niya ako Sasabat na sana ako nang pitikin niya ako sa noo.
"Aray!" daing ko.
"Nakalaro ko na Kuya mo," sagot niya at inakbayan ako. Hilig niya mang-akbay, ah? Bigat kaya ng braso niya. Puro muscles kasi.
"Ano'ng oras ang nation reunion?" tanong ko.
"After lunch," tugon n'ya. Nakaakbay pa rin siya sa 'kin hanggang makabalik kami ng living room. Pinagtinginan kami ng mga guild mates namin.
"Sino 'yong nagdoor bell?" tanong ni Pula habang pinapaikot ang bote.
"Ah wala po si Kuya lang inabot 'yong bag ko," nakangiti kong sagot.
"Laro pa kayo?" tanong ni Panty na nakatingin sa kamay ni Naithan na nakaakbay sa 'kin. Nahiya tuloy ako kaya tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko.
"Hindi na p're. Pagod si Felo kaya tulog muna kami." Parang iba ang naging dating ng sinabi ni Naithan sa akin.
I slapped myself mentally. Ano ka ba Gemini? Kung anu-ano iniisip mo!
Nag-ahh naman sila at saka kami hinayaang pumasok ng k'warto.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay malamig na temperatura agad ang sumalubong sa akin. Bukas ang aircon ng k'warto.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ay humilata ako sa kama. Nasa taas ako ni Naithan. Ako dapat sa baba pero binigay niya sa 'kin ang p'westo niya. Sweet ng mokong.
"Tulog ka na?" Napamulat ako ng mata at nakita ko si Naithan na nakadungaw sa kama ko. Nginitian ko siya.
"Hindi pa. Pero inaantok na 'ko. Ikaw?" tanong ko sa kanya. Umakyat siya sa taas at saka tumabi sa akin.
"Ano ng rank mo ngayon?" parang ewan niyang tanong. Kumuha ako ng unan at saka nilagay sa tiyan ko.
Alam naman na niya kasi ang sagot.
"Heroic, ikaw?" Ngumisi siya sa akin at saka tila nagyayabang na hinarap sa 'kin ang cellphone niya.
"Heroic na rin ako uyy! Pang-88 ako sa global," proud niyang sabi. Ngumiti naman ako sa kanya.
Mukhang sineryoso niya 'yong kunwaring deal namin. Hindi kasi siya maka-heroic ngayong season IV kaya sabi ko kapag naka-heroic siya may premyo siya sa 'kin.
"Sino nagbuhat sa 'yo?" Asar ko. Bumasangot naman siya at saka ngumuso.
"Yabang nito," parang bata niyang sabi at akmang aalis pero hinigit ko ang damit niya.
Halos madala pa 'ko dahil ang hirap niyang pigilan. Lakas naman nitong lalaking 'to. Napabalik siya sa kama kaya umupo ako para yakapin siya.
"Joke lang po. Ano'ng gusto mong premyo?" bulong ko sa leeg niya. Bango ni Naith. Tumambay muna ako sa leeg niya at saka hinigpitan ang yakap ko.
Namiss ko tuloy bigla si Kuya. Kapag kasi inaantok ako ay ganito ang ginagawa ko sa kanya.
"A-Ah..." Napapikit ako nang umungol siya. 'Yong parang hum ba.
Ramdam ko ang bahagyang paninigas ng katawan niya kaya bumitaw ako sa yakap. Gulat siyang nakatitig sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya para kasi siyang nakakita ng multo.
"Huy! Okay ka lang?" Nagsimula akong mag-alala nang nakatitig pa rin siya sa 'kin. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to.
"Hey! Sabi ko kung ano'ng gusto mong premyo." Winagayway ko pa ang kamay ko sa kanya. Mukhang nagulat naman siya at umiling-iling pa with matching sampal pa sa mukha kaya napakunot ang noo ko.
"Huy! a Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko. Tuliro naman s'yang napatingin sa mukha ko. Matamis akong ngumiti sa kanya. Ano'ng problema?
Mahigit sampung segundo rin s'yang nakatingin sa 'kin.
"A-Ah ano 'yon?" nagtataka niyang tanong.
"Ano'ng gusto mong premyo?" nakangiti kong ulit. Naglumikot ang mata niya at parang hindi alam ang sasagot.
"P-P'wedeng ano." Kinamot n'ya ang likod ng ulo n'ya.
"Ano?" Pasuspense naman 'to.
"P'wedeng ahmmm." Natatawa kong pinisil ang pisngi niya. Para siyang teenager na aamin sa crush niya.
"P'wedeng ano nga?!" natatawa kong tanong.
"Ikaw... P'wedeng ikaw?"
"Ako?"
Ano raw....
Namimilog ang mga mata akong napatingin sa kanya. Mukhang nagulat din s'ya sa sinabi n'ya dahil namula ang magkabilang tainga n'ya. Umawang ang bibig ko.
"I—I mean... Uhhh... Nevermind! Forget it!" kinakabahang sabi n'ya at tinuon ang atensyon sa cellphone n'ya.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Gamer (BxB)
Teen Fiction[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak...