Chapter 24

1.9K 121 6
                                    

Gemini's POV

Akala ko kapre 'yung bumaba sa puno. Hindi lang pala kapre. Damonyo pala. Tinaasan niya naman ako ng kilay at tila naiinip na magsalita na ako.

"Kailangan ko munang malaman kung bakit mo hinahanap ang mga taong may gano'n na tattoo." Sabi ko.

Bahagyang kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Ayaw ko lang may taong mapahamak." Dagdag ko.

Diretso siyang nakatingin sa mata ko at pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa uri ng titig na binibigay niya.

Tahimik lang siyang nakatitig sa'kin kaya binaling ko ang tingin ko sa pusang prenteng nakahiga sa madamong lupa.

"None of your business." Malamig na sagot niya. Tss. Parang alam ko na ang kuwento.

Kagaya siguro ng mga napapanood ko sa TV at mga nababasa ko sa libro. 'Yung mga gang war. Siguro gano'n din 'yung kanila.

"Alam ko na. Magkagalit ang gang niyo gano'n?" Alam na alam ko na 'yang mga gan'yan. "Tapos ikaw gusto mong makipag-away sa kanila dito kasi kailangan gang niyo ang pinakamalakas sa lahat ng gang. May ranking kasi kayo tapos ayaw niyong malam--" Automatic na tumigil ako sa kakadaldal nang makita ko ang itsura niya.

Hindi na maipinta ang itsura niya. Gusot na gusot na 'yung mukha niya. Kahit si Vincent Van Gogh maduduling kapag sinubukan siyang i-paint.

"That is the most stupid thing I've ever heard in my whole life." Nakangiwing sabi niya. Parang napahiya naman ako ng kaunti dahil sa sinabi niya.

'Yun ang nababasa ko eh.

Malay ko ba.

"Don't open your mouth if you don't know anything. It's just making you more stupid than you're already are." Mayabang na sabi niya at humalukipkip.

Gustuhin ko mang lamasin ng asin 'yung bibig niya ay pinili ko na lang i-kalma ang sarili ko. Makapanlait sa'kin wagas. Parehong-pareho silang dalawa ni ate Jasmin. Siya 'ata nawawalang kapatid ng babaeng 'yun.

"Hoodie mo." Nakabusangot kong inabot sa kanya ang damit niyang kanina ko pa gustong ihambalos sa mukha niya.

"Nilabahan ko na po 'yan." Dagdag ko bago pa siya mag-inarte.

Tinitigan niya naman 'yun ng may pandidiri at parang tae ang inaabot ko sa kanya.

"I no longer pick up what I've thrown away." Nandidiring sabi niya na ikinataas ng dugo ko.

Kaunting tiis lang Gemini. Huminga ka ng malalim. Inhale. Exhale. Huwag mong itatali sa leeg niya ang hoodie niya.

Ngumiti ka.

Pilitin mo.

"Kung gano'n iiwan ko na lang dito ang damit mo." Plastik akong ngumiti sa kanya at binaba sa gilid ng puno ang damit niya.

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon