Chapter 31

1.1K 111 12
                                    

Gemini's POV

Naghihikab kong kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan. "Arghhmm..." Asar na ungot ko. Siguradong tinanghali na naman ako ng gising. Hindi kasi nag-alarm phone ko eh.

"Nasaan na ba 'yun!" Pinilit kong minulat ang singkit kong mata. Automatic na kumunot ang noo ko nang makita ko ang lugar kung nasaan ako.

"Nagbago ba kami ng k'warto..." Wala sa sariling bulong ko. Ano ba'ng nangyari kagabi?

Nakatulala lang ako sa pinto habang pilit na inaalala ang mga ganap kagabi. Bakit ako nandito? Tsaka nasaan ako?

Napakislot ako nang magbukas ang pintong tinitigan ko. Pumasok ang naka-poker face na si Damon. Halatang bagong gising pa siya dahil magulo ang buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging sweatpants lang ang suot niya. Napatigil ang mata ko sa gitnang bahagi ng katawan niya.

Mukhang pinagpala nga talaga siya.

"Cook." Walang emosyong sabi niya at saka umalis. Napailing ako dahil sa mga pumapasok na kaberdehan sa isip ko.

Ngayon naalala ko na. Nakatulog siguro ako sa sobrang kalasingan kagabi. Nakakahiya naman. Bilang kabayaran, sige papayag akong ipagluto siya. Inayos ko muna ang kama bago ako bumaba para sundan siya. Natanaw ko siya sa living room na nanonood ng TV.

"Ano'ng lulutuin ko?" Nahihiyang tanong ko. Hindi ako makapaniwalang nakatulog ako kasama siya. "Something edible." Pilosopong sagot niya. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang ako papunta sa kusina niya.

Parang ayaw kong galawin ang mga gamit na maayos na nakatabi sa cupboard. Mukhang hindi nga nagagalaw ang mga gamit dito sa kitchen niya. Nagluluto kaya 'tong kumag na 'to?

Naglakad ako papalapit sa fridge niya at naghugis 'o' ang bibig ko sa dami ng laman. Samu't saring mga beverages at mga gulay at prutas. Ang organize ng fridge niya. Magkakasama ang mga pagkain ayon sa ano'ng mga klase nila. Inusisa ko ang freezer niya at iba't ibang karne naman ang bumungad sa'kin.

Wow.

Akala ko kanina hindi siya nagluluto dahil sa sobrang linis ng kitchen niya. Nagkamali ako. Sadyang malinis lang siya sa gamit. May OCD siguro 'tong lalaking 'to.

Kumuha na ako ng mga kakailanganin kong ingredients. Hindi ako gano'n kagaling magluto pero mahilig ako kumain kaya natuto din ako. Si Kuya kasi ang palaging nagluluto sa amin. Masarap kasi siya magluto.

Hindi naman sa nagpapa-impress ako pero gusto ko lang matikman niya ang specialty ko. Siyempre kung titikman niya luto ko mas maganda kung masasarapan siya 'di ba?

Kumuha ako ng spatula sa drawer niya. Tahimik lang akong nagluluto habang nanonood naman siya ng TV. Nasa gitna ako ng pagpi-prito nang may biglang nag flash na scenario sa utak ko.

Flashback

"A-Ano'ng sinabi mo?" Kunot noong tanong ko. Tumunghay ako at nalilitong tumingin sa kanya. Naglaro na ba kami ng barbie dati?

Ngumisi lang siya at uminom ng alcohol kaya lalong kumunot ang noo ko. "Nagkakilala na ba tayo noon?" Tanong ko. Hindi naman siya siguro si...

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon