Gemini's POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Merong tattoo si kuya Reynald gaya ng pinakitang picture sa'kin ni Damon.
Bakit kaya?
May connection ba silang dalawa sa isa't isa?
Delikado din bang tao si ᄂΛB_R-RGEL?
Sasabihin ko ba kay Damon ang nakita ko? Bakit kaya hinahanap ni Damon ang mga may gano'n na tattoo? Kinakabahan tuloy ako. Ano ba 'tong pinasok ko!
Baka may masamang gawin si Damon kay kuya Reynald. Kahit weird 'yun ayaw ko namang mapahamak siya.
Hindi!
Hindi ko muna sasabihin kay Damon ang nakita ko. Kailangan ko munang malaman kung ano'ng pakay niya.
"Felo?"
Nawala ang iniisip ko nang tawagin ako ni Naith. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay para tanungin kung bakit.
"Meeting daw," aniya.
Bumangon ako sa pagkakadapa at lumapit sa kaniya. Lumabas kami ng sala at sumalubong sa amin ang buong guild.
"Okay, guys. Alam naman nating lahat na nabawasan na tayo ng apat. Wala na si Leonavel, Nicole, MidOne at Jay," simula ni Crauss.
"Isa sa rules ngayong second battle ay random matches. Walang gagawa ng room," paalala niya. Parang nalungkot naman ako. Hindi ko 'ata kayang patayin sila sa game.
"Good luck na lang, guys. Kaya natin 'yan," pampalubag loob ni kuya Red. Sumang ayon naman kaming lahat sa kanya.
"Tandaan n'yo. This is just a game. Mas importante pa rin ang samahan natin," nakangiting sabi ni kuya Joker. Napangiti naman kaming lahat sa sinabi niya.
Pagkatapos ng mabilis naming meeting ay pumasok na kami sa loob ng k'warto.
"Good luck sa ating lahat," nakangiting sabi ni Rein. Lumapit ako sa kanya para sana guluhin ang buhok niya pero inunahan niya ako.
"Akala mo, ah?" natatawang sabi niya. Napanguso naman ako dahil gulo talaga iyong buhok ko.
Nawala na rin iyong awkwardness namin sa isa't isa. Sa tuwing lalapit kasi ako sa kanya dati umiiwas siya.
"Psh!" rinig kong sabi ni Naith kaya napatigil sa pagtawa si Rein.
"Nagseselos 'ata siya," bulong niya sa'kin. Natawa naman ako.
"May dalaw iyan," biro ko kaya bumungisngis kami. Parang lalo namang naasar si Naith kaya natahimik kami ni Rein.
Napatingin naman ako kay Zakiel. Tahimik lang siyang nag-aayos ng gagamitin niya sa paglalaro. Bigla ko tuloy naalala 'yung gabing nakita ko siya.
Sino kaya 'yung kausap niya sa cellphone?
Tiningnan ko ang laptop ni Rein at nakapasok na ito sa live ng Shoot Go Facevook Page Philippines. Wala pang ganap sa screen kaya may time pa kami para ihanda ang mga gagamitin.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Gamer (BxB)
Teen Fiction[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak...