Gemini's POV
Lahat ay abala at excited sa magaganap na Nation Reunion. Nakabihis na ang lahat ng Legends Are Born uniform.
Inayos ko ang suot kong black T-shirt na may print na heroic at username ko na ᄂΛB_Felo sa harap. Sa likod naman nito ay ang pangalan kong Gemini.
"Tara na Felo!" sigaw ni Jay sa labas ng k'warto. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na mag-po sa 'kin dahil mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon pero ayaw niya.
Ang dahilan niya ay mas matangkad naman daw siya sa 'kin at mas mukhang matanda kaya hindi na niya ako ipo-po. Sa edad niya kasing fourteen years old ay 5'8 na siya samantalang ako 5'0 pa rin.
"Sandali lang po!" sagot ko at saka nagmamadaling isinuot ang sapatos ko.
Nang makalabas ako ay wala na si Jay sa labas. Nainip na 'ata kaya iniwan ako. Wala na tuloy akong kasabay. Mabuti na lang at alam ko kung saan magaganap ang Nation Reunion.
Isasarado ko na sana ang pinto nang may magsalita sa likod ko.
"Ang tagal mo," kunot noong sabi ni Naithan. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya nang ilahad niya ang palad niya sa akin.
"Akin na," walang emosyon niyang sabi. Akin na ang alin?
"Huh?" Tumingin ako sa katawan ko na tila nag-iisip kung ano ang hinihingi niya.
"Akin na ang kamay mo." Huli na para maka-react dahil agad niyang pinagsakop ang kamay naming dalawa.
Hindi ko alam kung gaano na kapula ang mukha ko ngayon pero sigurado akong sapat na 'yon para mapansin ng mga taong nadadaanan namin.
Pinagmasdan ko si Naithan na payapang naglalakad at parang wala lang sa kanyang HHWW (Holding Hands While Walking) kami ngayon. Pansin ko ang mga tinging ibinibigay sa amin ng mga taong nadadaanan namin na kalimitan ay mga kalalakihan.
"A—Ah Naith," mahina kong tawag. Nahihiya na kasi ako. Baka isipin pa nilang may relasyon kami ni Naithan at ma-isyu pa siya na bakla. Mainitin pa naman din ang ulo niya.
"Ano 'yon?" nakangiti niyang tanong. Tumingala ako sa kanya dahil sobrang tangkad niya.
"'Y—Yong kamay ko." Napatingin naman siya sa kamay naming magkahawak. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pamumula ng tainga niya.
Nagkamot siya ng batok at hindi pa rin binitawan ang kamay ko. Sa halip ay mas hinigpitan pa niya. Cute lang ng lalaking 'to.
Nang makarating kami sa mismong lugar ay puno na ito ng mga tao. Napabalikwas ako nang may tumawag sa pangalan ko ng pagkalakas-lakas.
Hindi ako p'wedeng magkamali. Si MJ 'yon.
"Gemini! Gemini!" Mabilis na lumapit sa akin si MJ at sinalubong ko naman siya ng isang matamis na ngiti.
Abot hanggang tainga ang ngiti niya at sa tingin ko ay masaya talaga siyang makita ako sa personal. Hindi man siya mas'yadong kag'wapuhan ay nag-uumapaw naman ang sex appeal niya.
Ang laki ng katawan ni MJ para sa edad niya.
Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Luh siya. Ang PDA namin dito. Niyakap ko na lang siya pabalik pero nagulat 'ata lahat ng brain cells ko nang biglang niya 'kong amuyin nang amuyin.
"Ang bango naman Felo ko," bulong niya sa leeg ko. Ano'ng ginagawa niya? Napatingin ako kay Naithan habang yakap pa rin ako ni MJ. Nakakunot na ang noo niya at parang kaunting oras na lamang ay sasabog na siya.
"Felo ipapakilala kita sa mga ka-guild ko!" Napangiti naman ako sa sinabi niya. Marami rin kasi akong ka-close sa guild nila lalo na sa leader nilang si ate Mariel na ubod ng sexy sa profile picture niya sa FV.
Hindi na ako nakatanggi nang higitin ni MJ ang kamay ko at dalahin ako kung saan hanggang sa makarating kami sa isang table kung saan nakaupo ang buong miyembro ng XBGANG. Isang haba ito at halos ang buong nineteen na miyembro ay napatingin sa amin.
"Sino siya p're?" nakangiting tanong ng isang lalaki na may kulay orange na buhok. Parang anime character lang. Hindi ko siya kilala pero nang tingnan ko ang username niya ay halos masamid ako sa sarili kong laway.
Si XB•Yaoimoto pala 'to. Ilang beses ko na siyang nakalaro at kung ire-rate ko ang galing niya mga 7/10.
Natawa ako nang kindatan niya ako. Nakahalukipkip kasi ako kaya hindi nila makita ang username ko.
"Mukhang magaling, ah? Heroic. Hi Ate!" greet naman sa akin ni XB•Khianne. Half korean siya pero sa Pilipinas na siya lumaki.
Seryoso ba silang hindi nila ako makilala? Friends naman kami sa FV, ah?
"Ate Mariel hindi n'yo po ako nakikilala?" Hindi nakaligtas sa tainga ko ang sabay-sabay nilang pagsinghap.
"Shit! Felo?!"
Tinanggal ko ang pagkakahalukipkip ko at malaya nilang nakita ang damit ko. Mabilis na tumakbo sa akin si ate Mariel at niyakap ako ng mahigpit.
"Hello atempp!"
'Yong future ni ate iniipit 'yong mukha ko!
"Hello bebe Felo! So sinagot mo na ba si MJ?" Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa biglang sinabi ni ate Mariel.
"H—Hindi naman po siya nanliligaw eh." Matagal na kasing pinag-uusapan sa amin na may gusto raw sa akin si MJ at balak niya akong ligawan pero never pa naman niya sinabi sa akin ang tungkol doon.
Sumulyap ako kay MJ na seryosong nakatingin sa akin ngayon.
"Gusto mo ba 'kong manligaw Felo?"
"Ha?" Dito pa talaga namin naisipang pag-usapan ang bagay na iyan.
"Papayagan mo ba akong manligaw Felo?" ulit ni MJ at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko kay MJ. Maraming bagay ang tumatakbo ngayon sa isip ko. Seryoso ba siya riyan?
Baka mamaya pinagti-tripan niya lang ako at sa una lang siya magaling? Hindi ko alam. Mahirap magtiwala. Isa pa ayoko siyang paasahin baka kasi wala naman akong nararamdaman sa kanya which is kailangan ko pang i-find out sa ngayon.
"Felo please."
Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nakatingin sa amin ang buong XBGANG. Lahat ay nakangiti.
Maliban sa isang babaeng nakakunot ang noo at mabilis na umalis sa kinauupuan niya nang magtama ang mga mata namin. Mukhang halos lahat sila ay nakaabang sa sasabihin ko.
Paano ba ito?
BINABASA MO ANG
The Androgynous Gamer (BxB)
Teen Fiction[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak...