Gemini's POV
Instant famous kami ni Jilajille sa Shoot Go Page.
Paano ba naman kasi ay picture namin ni Jila ang ginamit sa page ng Shoot Go Battlegrounds Philippines.
"Hi Felo!" bati sa 'kin ng bawat taong nakakasalubong namin. Ngumingiti lang ako sa kanila bilang sagot.
Ngayon na ang alis ng mga eliminated na players. Kabilang na dito sina MidOne, Jay, Betch at ang kanina pang iyak nang iyak na si LA.
"Beshie mami-miss kita!" Iyak niya at niyakap pa ako. Nandito kami ngayon sa malaking exit ng resort.
"P'wede naman tayo magkita pagkalabas namin, 'no. Date tayo!" masayang sabi ko. Nagtatalon pa kami sa ideya na may date kami nang hilahin na siya ni MidOne.
"Bye Beshie!" kumukuway na paalam niya. Pinasok na ni MidOne ang ulo niya sa kotse kaya hindi na siya nakapalag.
Natatawa akong umiling at pinanood ang sasakyang unti-unting mawala sa paningin ko.
"Tara na?" tanong ni Naith.
Oo si Naithan. Bati na po kami. Gan'yan naman talaga 'yang lalaking 'yan. Kahit kapag naglalaro lang kami. May toyo sa katawan.
Tumango ako sa kanya at sabay-sabay na kaming bumalik.
"Ang init guys," nagpapaypay na sabi ni Twids.
"Swimming kaya tayo?" suggest ni Joker na kinapalakpak ng tainga ko.
"Sige!" pagsang ayon naming lahat.
Kanya-kanya kaming balik sa k'warto para magpalit ng damit pang-swimming. Suot ko ang neon green tank top ko at isang white board shorts na may kaiklian. Ayos lang naman 'yan kasi swimming naman ang pup--
"Ano 'yang suot mo?"
"Huh?"
Napatingin ako sa suot ko. Wala naman akong nakikitang mali. Medyo nakikita lang ng bahagya 'yong navel ko pero hindi naman malaswa tingnan.
Tumingin ako kay Naithan at nagtatakang nagtaas ng dalawang kilay at sumagot.
"Damit," tipid na sagot ko. Kumunot ang noo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Magpalit ka," utos niya.
"Bakit?" tanong ko. Wala naman akong nakikitang mali sa suot ko. Psh.
"Ang pangit. 'Di bagay sa 'yo," sabi niya. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Pangit ba?
Napatingin ako sa pinto nang bigla itong magbukas at pumasok si ate Sazz na naka-two piece. May nakawrap lang na sarong sa waist niya.
"Luh ate ang ganda mo!" puri ko.
"Luh siya! Gem mas makurba ka pa 'ata sa 'kin! Bagay sa 'yo!" naggtatalon at parang kinikilig pa na sabi ni ate Sazz.
Pero sabi ni Naithan 'di raw bagay sa 'kin...
Tumingin ako kay Naith na hindi makatingin sa 'kin ng diretso. Niloloko 'ata ako ng kumag na 'to. 'Di pala bagay ah...
Buong puso ko s'yang inirapan at sinugurado ko talagang nakatingin siya sa 'kin.
Hinila ako ni ate palabas at nagpatangay na lang ako dito. Nakita kong halos lahat sila ay bihis na. Halos lahat ng girls ay talagang nakapang-bathing suit.
Ang gaganda talaga ng girls ng LAB guild.
Pinagtitinginan kami habang papunta kami sa pool area. Dahil siguro sa mga sexy na kasama ko.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Gamer (BxB)
Teen Fiction[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak...