Chapter 08

3.5K 201 48
                                    

Gemini's POV

Nagsisimula na ang Nation Reunion. Kung nagtataka kayo sa nangyari sa amin ni MJ tungkol sa shocking PDA namin kanina. Hindi ko alam talaga kung ano ang gagawin ko. Mabuti na lamang at dumating si Naithan.

"Huwag ka na lalapit do'n," blangkong sabi ni Naithan. Inubos ko ang iniinom kong juice bago lumingon sa kanya.

"Problema mo?" Sinimangutan niya lang ako. May saltik talaga 'tong lalaking 'to.

"Hi Felo," nakangiting bati sa akin ni Jilajille. Ang g'wapo pala talaga ni Jilajille sa personal.

"Uy? Hello, haha!" nakangiti kong bati. Nagkamot siya ng batok at saka tumabi sa akin.

"Akala ko hindi mo ako papansinin." Nagtaas naman ako ng kilay. Bakit ko naman siya hindi papansinin? Siya kaya ang isa sa mga taong naging parte ng buhay gamer ko.

"Ano ka ba. Ikaw kaya ang pinakaunang nakilala ko sa Shoot Go. Not to mention ikaw rin ang nagturo at gumabay sa 'kin," nakangiting sagot ko. Parang nahiya naman siya at pansin ko ang pamumula ng tainga niya.

"I'm giving credits to you kasi kung hindi dahil sa 'yo hindi ako makasasali sa global ranking at lalakas ng ganito." Ngumiti siya at kinindatan ako.

"Huwag mo naman akong purihin nang purihin baka lumaki ang ulo ko. Haha!" tumatawang saad niya. Ang alam ko may girlfriend din ito si Jilajille.

Naaalala ko pa nga no'ng una kong nakachat ang GF niya. Hindi ko in-expect na ang selosa ng GF niya at kung anu-ano pa ang sinabi sa 'kin. Tumigil lang siya nang nalaman niyang gay ako. Humingi rin ng dispensa si Jila.

Never ko pa naexperience 'yon kaya hindi ko alam kung ano ang ire-react.

"P'wede ka ba yayain lumabas if free ka?" nakangiting tanong n'ya.

Sasagot na sana ako pero biglang nagsalita si Naithan gamit ang malamig niyang boses.

"Gemini." Nawala ang ngiti sa labi ko nang nakasimangot na si Naithan ang bumungad sa 'kin. Bad trip na naman 'tong lalaking 'to.

"Woahh! May bakod ka na pala Gem. Haha!"

Nagtataka akong napatingin kay Jila. Ano'ng bakod? Nakataas ang kamay niya sa ere na parang sumusuko.

"Bakod?"

"Wala, hahaha! Sige na alis na 'ko. Kausapin ko lang sina Crauss," makahulugan niyang sabi at umalis pa siya ng may ngisi sa mukha.

"Nakukuha naman pala sa tingin."

"Ano 'yon?"

Bumulong si Naith pero 'di ko naman naintindihan.

"Sabi ko kuha tayo ng drinks nauuhaw ako," nakangiting sabi niya. Tingnan mo 'to. Kanina nakasimangot ngayon nakangiti na.

Toyo.

Kumuha kami ng drinks ni Naithan tsaka mga junk foods. Mahilig kasi ang mokong sa junk foods kaya 'yon ang kinuha.

Habang naglalakad kami ni Naithan ay napatingin ako sa isang lalaking nakasuot ng hoodie na black. Hindi tuloy kita ang name niya dahil natatakpan ang T-shirt niya.

Kusang humuhupa ang mga tao sa daan niya dahil sa bigat ng presensyang dala niya.

Pinagmasdan kong mabuti ang lalaki habang naglalakad. Natatakpan ng hood ang mukha niya kaya hindi ko makita ang itsura niya. Ewan ko ba. Parang may something sa kanya at interesadong interesado ak—

"Aray!"

Agad kong sinapo ang ilong kong halos madislocate nang mauntog ako sa matigas na likod ni Naithan.

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon