Chapter 29

1.3K 111 8
                                    

Gemini's POV

"Kailan daw ang finals?" Tanong ni kuya Joker sa amin. Nandito kami sa sala at nanonood ng movie.

"Baka next week or next next week. Hindi pa nag-aannounce ang Shoot Go eh." Sagot naman ni kuya Red. Ngumanga ako nang maramdaman ko ang chips sa labi ko.

"Ayaw ko na Naith." Bulong ko sa kanya habang ngumunguya. Subo kasi siya ng subo sa'kin eh. Baka iba na sunod niyang isubo. Joke.

Nasa sofa kaming dalawa at katabi namin si Justin at Rein. Nasa lapag naman ang natitirang anim na members. "Ubusin mo na 'to." Sagot niya at sinubo sa'kin ang chips at ngumanga na lang ako.

"Hoy! Respeto naman sa'ming mga single." Singhal ni kuya Red. Natatawa siyang binato ni Naith ng throw pillow at naiiling akong napatawa. Kulit talaga nila.

Nang matapos kami ay naisipan kong maligo. Gusto ko rin kasing maglibot muna. Simula kasi no'ng nangyari ay pinagbawalan muna ako ni Naith na gumala. Naiintindihan ko naman na nag-aalala siya. Gusto ko lang din bisitahin si kuya. Nami-miss ko na kuya ko.

Nagsasabon na ako ng katawan at kaunti na lang ay matatapos na rin ako. Nang matapos akong magbanlaw ay nakapikit kong inabot ang tuwalya ko at binalot sa katawan ko. Kumakanta pa ako habang naglalagay ng toothpaste sa toothbrush ko.

Napatingin ako sa towel rack at nanlaki ang mata ko nang hindi ko nakita ang damit ko. "Nakalimutan ko ba..." Wala sa sariling bulong ko. Naalala ko na hinanda ko 'yung susuotin ko pero hindi ko nga 'ata nadala sa banyo.

Ano ba 'yan.

Sumilip ako sa labas ng banyo at nakita kong walang tao sa sala. Nasa loob na siguro sila ng k'warto o nag swimming. Nagmamadali akong tumakbo papasok ng k'warto namin at saka ito sinarado. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang nakatingin sa pinto. Mabuti at walang nakakita sa'kin.

"Gem..." Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumawag sa pangalan ko. Pagtingin ko sa likod ay nanlaki ang mata ko nang nakita kong lahat sila ay nasa k'warto namin at nakatingin sa'kin.

Automatic na namula ang buong mukha ko lalo na nang makita kong ngumisi si kuya Renz at kuya Zakiel. Nakaramdam ako ng tuwalya na pumatong sa balikat ko at hindi nga ako nagkamali dahil si Naithan ang naglagay no'n. "Sa kabilang k'warto ka na magbihis. Iaabot ko na lang 'yung damit mo." May awtoridad na utos niya na agad kong sinunod.

Nakakahiya...

Jusmiyo Marimar. Bakit ba kasi sila nando'n lahat? Bakit ba naman kasi sa lahat ng kakalimutan ko ay damit ko pa? Pumasok ako sa dating k'warto ng girls at namumulang umupo sa kama.

Tok Tok Tok

Tumayo ako at sumilip sa pinto. "Naith." Tawag ko. More like pasumbong pa. Ngumiti naman siya at inabot sa'kin ang damit ko na nakapatong sa kama. "Hindi ka na dapat lumabas ng banyo. Sana tinawag mo na lang ako." Aniya.

Ngumuso naman ako. Akala ko kasi talaga nasa labas sila or nasa kanya-kanyang k'warto. Ano ba'ng pinaguusapan nilang lahat at sama-sama pa sila do'n.

Sinarado ko na ang pinto at nagbihis na ako. Hindi ko alam kung may mukha pa akong mahaharap sa kanila pero mas mainam na sigurong magpatay malisya na lang ako dahil mas awkward 'yun kung naiilang pa ako.

Kunwari na lang 'di ako napahiya.

"Nakakahiya talaga!" Natuktok ko ang ulo ko sa sobrang frustration. Tumikhim ako at lumabas ng k'warto. Wala sila sa sala at mukhang nando'n pa rin sa k'warto. Maglilibot na lang muna ako para mamaya limot na nila 'yung nakita nila.

Tahimik akong lumabas ng building at naglakad. Alas singko na ng hapon at wala ng init sa labas kaya malaya akong nakakapaglibot. Maniwala man kayo o hindi ay sixty na lang ang natitirang players sa resort.

Ang final round ay siguradong solo match na. Do'n na matatapos ang event at do'n din matatanghal kung sino ang nanalo sa Top Shoot Go Player 2020.

Pumasok ako sa building nina kuya at sumakay ng elevator. Paglabas ko ay agad akong naglakad papalapit sa unit nina kuya.

Tok Tok Tok

Katok ko. Saglit pa akong naghintay at mayamaya pa ay nagbukas na ang pinto at bumungad sa'kin si kuya Kit. Ngumiti siya nang makita ako kaya lumabas ang malalim na dimples niya. "Hello kuya!" Masayang bati ko.

"Ikaw pala 'yan. Pasok ka Gem." Binuksan niya ng maluwag ang pinto at agad sumalubong sa ilong ko at pabango ng kya ko.

"Kami na lang dalawa dito." Aniya habang naglalakad sa tabi ko. Sila na lang dalawa? "Upo ka muna Gem. Tawagin ko lang Kuya mo." Paalam niya. Tumango ako at tahimik na umupo sa sofa. Halos pareho lang ang interior ng mga units dito sa resort.

"Bunso!" Nakangiting salubong sa'kin ni kuya. Agad akong tumayo at niyakap siya. Binuro ko ang mukha ko sa chest niya at hinaplos naman niya ang ulo ko. "Miss mo 'ko?" Tanong niya. Tumango ako habang nakasiksik pa rin sa dibdib niya.

Nagkuwentuhan kami ni kuya at s'yempre ay hindi ko sinabi sa kanya ang about do'n sa mga nalaman ko at nangyari sa'kin. Ayaw kong mag-alala siya. Sinabihan ko na din si Naithan na itago 'yon kay Kuya. Ayaw niya sanang pumayag pero napilit ko rin.

Tahimik akong nakaupo sa sofa nang tumabi sa'kin si kuya Kit. "Hello Gemie." Nakangiting sabi niya.

Magaan din ang loob ko kay kuya Kit. Parehong-pareho kasi sila ni kuya. Napatingin ako sa damit ko nang maramdaman kong may gumagalaw at nakita kong kinukutkot na naman ni kuya Kit ang damit ko gaya no'ng una naming pagkikita.

Hindi rin ako nagtagal sa unit nila dahil malapit ng dumilim. Nag-aya si kuya na ihatid ako pabalik pero tumanggi ako. Hindi naman kailangan.

Nasa labas na ako nang makita ko si Damon na naglalakad. Dahil siguro medyo madilim na kaya nakababa na ang hood niya at hinahayaan niya lang mahanginan ang mukha niya. Lumapit ako sa kanya at pasimpleng sumabay sa paglalakad niya.

"What do you want." Malamig na sabi niya. Napanguso naman ako. Wala pa akong sinasabi pero nagsusungit na siya.

"Bakit bawal na ba maglakad sa tabi mo ngayon?" Tanong ko. Hindi ako tinatablan ng pagsusungit niya dahil sinusungitan din ako minsan ni kuya. Pitikin ko noo niya eh.

"Bakit hindi mo k--"

"Shh..." Nilapat niya ang hintuturo niya sa labi ko at nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko.

In fairness... Ang bango ng daliri niya. Hihihi.

"B-Baki--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko. Amoy na amoy ko ang mabango niyang kamay.

Tumingin siya sa paligid at parang nakikiramdam. Ano ba'ng meron? Tumingin din ako sa paligid pero wala naman akong nakita.

May multo ba?

"Fuck." Mura niya habang nakatingin sa likod ko. Nagtataka akong lumingon pero bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at saka siya mabilis na tumakbo.

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon