Gemini's POV
"Kuya ang bagal mo naman eh!" naaasar na sigaw ko kay Kuya. Nandito ako ngayon sa passenger seat ng kotse namin. Kanina pa nagla-lock si Kuya ng bahay. Tipo bang kahit alikabok ay hindi na makakapasok sa sobrang kandado na ginagawa n'ya.
"Gemini we'll be gone for two months. Dapat lang na maayos ang lock ng bahay natin," tugon ni Kuya at saka sumakay ng kotse.
Nakangiti kong kinabit ang earphones ko sa magkabilang tainga. Five ng umaga kami gumising ni Kuya kaya medyo inaantok pa ako.
Dapat kasing mga 10 A.M. ay nandoon na kami para maabutan namin ang Nation Reunion. Laguna pa kasi kami ni Kuya. Medyo malayo rin ang b'yahe kaya matutulog muna 'ko.
—
Nagising ako nang magsarado ang pinto ng kotse. Minulat ko ang mata ko at nakita kong wala si Kuya sa driver seat. Nagkakamot ng mata kong tiningnan ang paligid.
Nasa gasoline station pala kami at nandoon si Kuya sa malapit na convenience store. Binuksan ko ang cellphone para patayin ang music. Puro chat head ng messager ang bumungad sa 'kin.
Messages by MJ:
Excited na 'kong makita ka sa personal.
Nandito na ako Felo. Sa sobrang excited ko ang aga ko hahaha.
Ingat ka Felo.
Agad akong napatingin sa oras. 8:34 pa lang, ah? Adik 'to si MJ.
Reply:
Aga pa, ah? Adik ka.
Wala pang isang minuto ay agad nagreply si MJ
Messages by MJ.
Marami na kami dito Felo
Hinihintay kita Felo.
Napailing na napangiti ako sa reply ni MJ. Mukhang excited nga siya. Napatingin ako sa lalaking pumasok ng kotse.
"Ano'ng binili mo Kuya?" Nakangiting salubong ko sa kanya. Inabot n'ya sa akin ang isang supot. Nagtataka ko itong binuksan at burger at orange juice ang bumungad sa 'kin.
"Malapit na tayo bunso. Kumain ka muna."
Nanood muna ako ng video sa MeTube habang kumakain ng binili ni Kuya.
Napasilip ako sa bintana at naglalakihang building ang sumilay sa mga mata ko. Ganito pala ang itsura ng Manila. Nakalulula ang taas ng mga building.
Mga nagtataasang billboards ng mga artista at mga taong abala sa paglalakad.
Delikado nga ba talaga ang Manila?
"Saan ba 'tong resort na 'to? Hindi ko maintindihan," biglang sabi ni Kuya. Napatingin ako sa nalilito kong kapatid. Nakakunot na ang noo niya habang tinitingnan ang map sa cellphone niya.
"Liblib 'ata 'to mas'yado."
Napatingin ako sa bintana nang may kumatok. Tinted ang windows ng sasakyan namin kaya hindi kami kita sa loob.
Tok tok tok!
Napatingin ako sa lalaking nasa labas at kinakatok kami ng paulit-ulit. Matangos ang ilong niya at mukhang mayaman. Sa tingin ko ay kasintanda lang siya ni Kuya.
"Uy! Si Kit pala. Buksan mo bunso." Binuksan ko ang pinto at pumasok ang sinasabing Kit ni Kuya. Ano n'ya kaya itong lalaki?
"P're bonak ka ang init dito ang tagal mo," natatawang reklamo ni kuya Kit. Napatingin siya sa 'kin dahil katabi niya 'ko sa passenger seat.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Gamer (BxB)
Teen Fiction[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak...