Chapter 30

1.3K 111 18
                                    

Gemini's POV

Mabilis din akong napatakbo dahil sa kadahilanang hawak niya ang kamay ko. Ni hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit kami natakbo.

Mahigpit ang kapit niya sa kamay ko habang tumatakbo kami patungo sa kung saan. Sinubukan kong lumingon sa likod namin pero bigla siyang lumiko papasok sa loob ng building.

"Bakit ba tayo natakbo!" Sigaw ko sa kanya at pilit na inagaw ang kamay ko. Nagtagumpay naman ako at agad akong tumigil sa pagtakbo. Naghahabol ng hininga ko siyang masamang tiningnan.

Ano 'to? Jogging sa gabi?! B'wisit na Damon 'to! Sana sinabihan niya ako nang nagsuot ako ng rubber shoes!

Inis siyang lumingon sa'kin at sinamaan ako ng tingin.

Luminga ako sa paligid pero wala naman akong nakitang dapat ikatakbo namin. Tanging tahimik na hallway lang ang bumungad sa'kin. Pinagtitripan 'ata ako ng loko na 'to.

Sinamaan ko rin siya ng tingin dahil sa sobrang asar ko. Sino'ng matinong nilalang ang biglang manghihila patakbo?

Like seriously? Dapat track and field ang sinalihan niya hindi online game competition. Isasali niya pa ko sa mga trip niya.

Inirapan ko siya at saka tumalikod. Babalik na lang ako sa unit. Tutal ay ubod din naman siya ng sungit. Bahala siya diyan tumakbo mag-isa.

Hahakbang na sana ako nang may makita akong tatlong lalaki. Direkta silang nakatingin sa mata ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Narinig siguro nila takbuhan namin kanina ni Damonyo.

"Ikaw si Gemini." Sabi ng lalaki. Tumaas ang dalawang kilay ko nang marinig ko ang pangalan ko.

Tumingin ako sa lalaking nasa gitna. Nakangisi siyang nakatingin sa'kin. Kilala niya 'ko? Nakalaro ko na ba siya dati?

Bumaba ang tingin ko sa leeg niya at nanigas ako sa nakita kong tattoo. "Sumama ka sa'min." Nakangising sabi niya at naglakad sila papalapit sa'kin.

Napaatras ako sa takot. Ano na namang kailangan nila sa'kin?

Napatigil ako nang may matigas na pader akong nabunggo. Lumingon ako at si Damon pala 'yun. Hindi pa rin siya umaalis.

"Get inside." Utos niya.

Napatingin ako sa nakabukas na pinto. Agad akong tumakbo papasok. Akala ko ay nakasunod sa'kin si Damon pero nando'n pa rin siya at nakatayo na parang poste. Diretso lang siyang nakatingin sa tatlong lalaking naglalakad papalapit sa'min.

"Xenon halika na!" Pasigaw na bulong ko. Napalingon siya sa'kin at naglakad papalapit. Umatras ako dahil akala ko'y papasok siya pero malakas niyang sinarado ang pinto sa mukha ko.

"Xenon!" Sinubukan kong iikot ang doorknob pero ayaw mabuksan ng pinto. Ano'ng balak niyang gawin!

"Xenon!" Ilang beses kong kinatok ang pinto. Baka kung ano'ng gawin nila kay Damon!

"Argh!"

Napasinghap ako sa narinig ko. Sunod-sunod na daing ang narinig ko at mga lagabog mula sa labas ng pinto.

Shit.

Ano'ng gagawin ko!

Sinubukan ko ulit buksan ang pinto at kusa na itong nagbukas. Bumungad sa'kin ang mukha ni Damon. Wala naman siyang galos. Gano'n pa rin ang itsura niya.

Ahmm g'wapo pa rin. Hehe.

"Move." Tinabig niya ako at dere-deretso siyang pumasok sa loob. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at nanlaki ang mata ko nang makita kong nagdurugo ito.

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon