Gemini's POV
Mafia?!
'Di ba 'yon 'yong mga grupo na gumagawa ng mga crime. I—Ibig sabihin masamang tao si Xenon!
Bigla akong binalot ng takot. Naramdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. Agad akong nagtago nang ibaba niya ang cellphone niya.
"Kailangan kong makaalis dito..."
Dahan-dahan akong bumaba sa metal na hagdan. Ginawa ko ang lahat para hindi ako makagawa ng ingay. Kaunti na lang Gemini malapit ka na sa pint—
"Why are you here?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Napansin niya pala ako.
Dahan-dahan akong lumingon at si Xenon na nakatayo at nakapasok ang kamay sa bulsa ang bumungad sa 'kin.
Awkward akong ngumiti sa kanya at kumuway.
"Uy! Nandiyan ka pala," pagkukunwari ko at ngumiti ng awkward.
Nanatili lang siyang nakatayo. Naka-cover pa rin sa ulo niya ang hood niya kaya bibig at matangos na ilong lang niya ang nakikita ko.
"You're eavesdropping," malamig na sabi niya. Nanlaki ang mata ko. He wasn't asking. It was a statement.
Dahil nasa mataas na lugar kami at malakas ang ihip ng hangin ay lalong nadadagdagan ang kaba ko.
Nagsimulang mangatog ang tuhod ko nang humakbang siya papalapit sa 'kin. Papatayin niya ba ako dahil sa narinig ko?
Ayoko pa!
Hindi ko pa nakukumpleto lahat ng skin ng baril ko.
Hindi ko pa nakukuha ang title as best SG player of 2020.
Hindi pa ako p'wedeng mamatay.
Kahit nanlalambot ay pinilit kong i-atras mga paa ko sa sobrang takot.
Ngunit hindi ko inasahan ang pagkasala ng paa ko at siyang dahilan ng pagkawala ko ng balanse.
Mahuhulog ako sa limang palapag ng gusali na ito! Hindi ko inaasahan na ganito pala ang magiging katapusan ko, jusko!
Pinikit ko ang mata ko at hinintay ang pagbagsak ngunit isang kamay ang pumulupot sa baywang ko.
Minulat ko ang mata ko at si Xenon ang bumungad sa 'kin. Sa lakas ng hangin ay nilipad ang hood niya at malaya kong napagmasdan ang kabuuan ng mukha niya.
Namangha ako sa sumalubong sa 'king pares ng mata.
"Wow..." tanging nasabi ko.
Agad niya akong binuhat na parang bagong kasal at muling inakyat sa lugar kung nasaan siya kanina.
Sa roof top.
"Why are you here..." tanong niya gamit ang malamig niyang boses.
Napakamot ako sa noo ko at awkward na ngumiti sa kanya pero wala pa ring expression ang mukha niya. Hindi na niya binalik ang hood niya kaya malaya ko nang nakikita ang itsura niya.
Kaya ako napa-wow kanina ay dahil sobrang ganda at unique ng mga mata niya. Ang right eye niya ay yellow-brown habang ang left eye naman ay ocean blue.
"Gusto ko kasi talaga makipagkaibigan sa 'yo," sagot ko.
Lumapit siya sa akin kaya napa-ayos ako ng upo. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko.
"Do I look interested?" sabi niya at tinuro pa ang mukha niya. Nilayo niya ang ulo niya sa 'kin at umupo siya sa tabi ko.
"Ano'ng mga narinig mo?" tanong niya habang nakatingin sa malayo.
Hindi ko maiwasang humanga sa taglay niyang kag'wapuhan. Bakit niya tinatakpan ang mukha niya? Kung ako ang may gan'yang itsura ay magiging proud ako.
"M—Mafia," nauutal kong sagot.
Nilihis niya ang tingin niya sa 'kin at ngumisi.
"Gusto mo pa rin bang makipagkaibigan sa 'kin?" naghahamong tanong niya.
Nanatili akong tahimik. Hindi ko mahanap ang mga salitang dapat kong isagot sa kanya.
"I'm not as good as you think Gemini Faye Santillan."
Nagpanting ang tainga ko nang banggitin niya ang buong pangalan ko. Ibig sabihin ba ay tinandaan niya ako? Sabi na nanonood siya no'ng pageant eh! Bigla akong nakaramdam ng saya.
"Why are you smiling?" tanong niya. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako.
"Tinandaan mo name ko!" nakangiting sabi ko. Mukhang nagulat siya sa sagot ko at agad na nag-iwas ng tingin.
"I just have a good memory," sagot niya. Tss. Kunwari pa.
"Ayos lang kahit Mafia ka pa. Basta gusto kitang maging kaibigan," nakangiting sabi ko. Halatang nagulat siya sa naging sagot ko.
"I'm dangerous," seryosong sabi niya. Natahimik ako at nag-isip ng isa-sagot.
"Kung masamang tao ka hindi mo ko ililigtas kanina at hahayaan mo lang ako mahulog," masayang sabi ko.
Halatang hindi niya inaasahan ang naging reaksyon ko. Lalo ko pang nilakihan ang ngiti ko dahil do'n.
Biglang umihip ang malakas na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.
Hindi ko alam kung bakit ba determined ako na maging friend siya. There's something about him that's pulling me closer.
I mean...
Hindi ko naman siya type.
He's handsome and all pero he's a little strange kaya hindi ko siya crush. Pero I feel like he's somewhat closed to me. Na parang matagal ko na s'yang kilala.
Hinubad niya ang hoodie niya kaya bumungad sa 'kin ang maganda niyang katawan. 'Buti na lamang at hindi pumasok ang hangin sa bibig ko nang mapanganga ako.
"Wear this..." utos niya.
Nakangiti kong tinanggap ang hoodie niya at saka sinuot. Ang bango ng pabango niya.
'Yan ba ang delikadong tao...
Thoughtful?
"Ang ganda ng mata mo," puri ko. Tumingin siya sa 'kin pero agad niya rin itong binawi.
"Masakit pa rin ba ang paa mo?" pag-iiba niya ng usapan. Napatingin naman ako sa paa kong parang na-dislocate sa sobrang sakit.
"Ahmm medyo," sagot ko at saka pilit na ngumiti nang kumirot ito.
Lumuhod siya at niyukod ang likod niya sa akin. Bubuhatin niya ba ako?
"Mas'yado ka ng abala sa 'kin," malamig na sabi niya.
Napanguso naman ako sa sinabi niya. Ihahatid niya na siguro ako dahil nakakaistorbo na ako sa kanya. Inikot ko na ang kamay ko sa leeg niya pati ang mga hita ko sa waist niya. Napansin ko ang tattoo niya sa batok.
Damon
'Yon siguro ang pangalan niya.
"Salamat," sabi ko nang marating na namin ang k'warto. Binuhat niya ako hanggang sa k'warto namin nina Naith.
"Get lost," masungit na saad niya at saka umalis.
"Sungit," bulong ko.
Napatingin ako sa paa kong medyo namamaga. Sa tingin ko naman ay hindi ito mas'yadong malala. Kaunting pahinga lang siguro ang kailangan.
Napatingin ako sa pinto nang bigla itong magbukas ng malakas at si Naithan ang bumungad sa akin.
Tapos na sila?
"Ano'ng ginawa niya dito?" tanong niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nang malipat ang tingin niya sa paa ko ay kumunot ang noo niya.
"Siya ba ang gumawa niyan?"
BINABASA MO ANG
The Androgynous Gamer (BxB)
Teen Fiction[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak...