Chapter 05

3.3K 189 25
                                    

Gemini's POV

"Are you okay?" nagtatakang tanong ko kay Naith na nakatitig pa rin sa akin hanggang ngayon.

"N—Nagulat lang ako na ang ganda mo sa personal. Hehe." Binuksan niya ng maluwag ang pinto at tinulungan ako sa pagpasok ng bag ko kahit magaan lang naman.

"Dumiretso ka muna sa k'warto natin." Nagtataka akong napatingin sa kanya. Ano'ng ibig niyang sabihing k'warto namin?

Mukhang nahalata niya naman ang pagtataka sa mukha ko.

"Room mates kasi tayo, Fel. Apat lang kasi ang k'warto dito," paliwanag niya. Napatango naman ako. Kaya pala. Merong twenty na tao sa guild namin. Sinabi na rin niya sa'kin kung sino ang magkakasama sa k'warto.

Room 1– NiCoLe, Sazz, Rachi, Jazzy, L.A
Room 2 – RenRen, Betch, Good Angel, R-RGEL, Twids
Room 3 – MidOne, Joker, Pula, Jilajille, Crauss
Room 4 – Felo Ny, Panty, Naithan, SakMaestro, Jay

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng unit ay nagha-habulang si Jay at Clark na ang bumungad sa 'kin sa living room.

Napatingin ako kay Pula na busy sa pagse-selpon sa sofa. Nang napatingin siya sa 'kin ay nginitian ko siya. Nanlaki ang mata niya nang marealize na nakatayo ako sa harap niya.

"Joker! Si Felo nandito na." Napatingin ako sa lalaking lumabas ng kusina kasama ang babaeng naka-cling sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali ay si ate Jazzy 'to.

"Uyy hi Felo!" Ngumiti ako sa elder ng guild namin pero agad nabura ang ngiti ko nang sinamaan ako ng tingin ni ate Jazzy. May problema ba?

"Hello Kuya. Pahinga po muna ako. Medyo inaantok pa po kasi ako," paalam ko sa kanila. Naiilang ako sa tingin na binibigay ni ate Jazzy sa 'kin.

Hindi naman siya gan'yan dati pero simula no'ng naging friends kami ni kuya Joker sa FV ay tinatarayan niya na 'ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Jazzy 'yong tingin mo ayusin mo." Nagulat ako nang sumabat si Naithan.

Ang pranka talaga nito kahit kailan. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya. Hindi naman niya kailangan gawin 'yon.

Nakakunot noong napatingin si Joker sa girlfriend niya. Nahuli niya itong masama ang tingin sa 'kin.

"Babe, ano'ng problema?" tanong ni Joker.

"Ahmp! Wala naman," maarteng sagot niya at bumalik ng kusina.

Bigla akong nadismaya sa pinakitang ugali ni ate Jazzy. Para kasing ayaw niya sa 'kin. Malungkot akong sumunod kay Naithan sa k'warto.

"Huwag mong pansinin 'yon. Inggit lang 'yon." Huh? Bakit naman? Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"Ang ganda mo kasi,"  bulong niya na hindi ko narinig.

"Huh?"

"Wala sabi ko lagi ka kasing heroic. Hindi katulad niya na hindi na nakaalis sa diamond II."

Ahhh. 'Yon lang pala.

"P'wede ko namang itaas ang rank niya. P'wede ko s-—" Naputol ang dapat na sasabihin ko nang bigla s'yang magsalita.

"Insecure siya, Felo. Maaasar 'yon lalo kapag tumulong ka pa."

Natahimik ako sa sinabi n'ya.

Ang ganda ng k'warto. May dalawang bunk bed sa magkabilang pader at isang solo na kama sa gitna. Black and White ang theme ng k'warto.

Masaya akong umakyat sa bunk bed. Pero may bag nang nakalagay ro'n kaya nadismaya ako.

"Si Jay na riyan, Fel. Ang vacant na lang ay itong kama sa ibaba ko." Bigla naman akong nalungkot. Gusto ko kasi sa taas.

The Androgynous Gamer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon