O n e

19.8K 253 9
                                    



Halos mag iisang buwan palang kami dito sa Pilipinas simula nang magdecide sina Mama at Papa na dito na magstay for good. Hindi ako sang ayon sa desisyon nila dahil sa LA na ako lumaki at nagkaisip. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ni Papa why all of a sudden biglang change of plans.

For all I remember, I was Papa's girl back then, pero nitong nagkakaisip ako. Narerealize ko how Papa is so strict. Nakakasakal na. Bawal ito, bawal ang ganyan. Nasa tama na akong edad. I dont know what's got into him..

"Anak!." narinig ko ang pagkatok ni Mama sa pinto ng kwarto ko. Nakatakip ng unan ang mukha ko at wala ako sa mood pumasok sa unang araw ng klase. Para akong magkakasakit, gusto ko nalang magdahilan pero nakiusap si Mama na, sumunod nalang ako dahil ayaw niyang naririnig kaming nagtatalo ni Papa.

"Po?" matamlay kong sagot. Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at nagpumilit bumangon. Nakasuot na ako ng isang pantalon pero hindi pa ako nagsusuot ng blouse.

Halos gumapang ako papunta sa pinto at binuksan iyon. Nakasilip na agad si Mama ng umawang ang pintuan.

"Anong oras na? May orientation kayo today." nakikiusap ang tono ng pananalita ni Mama. Pasalamat lang talaga si Papa dahil napapasunod ako ni Mama kundi hindi talaga ako papasok.

"Sige na Feena..." bumuntong hininga ako at napasang ayon nalang.

"Sige po Ma. Magbibihis lang ako." isinarado ko na muli ang pinto. Mabilis kong kinuha ang bagpack ko at ilan piraso ng gamit na nakakalat sa ibabaw ng kama. Humablot lang ako ng isang tshirt sa closet at lumabas ng kwarto ko. Nasa kusina si Mama at nagluluto. Patakbo akong bumaba ng hagdan at tumuloy na sa sala.

"Anak. Baon mo." paghabol niya sa akin bago ko palang buksan ang pinto.

"Ma naman. Hindi na ako bata para pagbaunan mo." inis kong sinabi at tinanggap ang hawak nya.

"Anak. Sige na. Hindi ka pa naman nag agahan." nag aalala niyang sinabi. Humalik lang ako sa pisngi nya bago umalis.

"Ako na pala susundo kay Kenneth." habol ko bago buksan ang gate.

"Ha. Eh si Papa mo na daw." sagot niya at sumimangot ako.

"Ayaw ko paghintayin nanaman nya si Kenneth kaya ako nalang." galit kong sagot bago tumakbo palabas. Hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi ni Mama. Alam ko ipagtatanggol naman nya si Papa. Kesyo busy at madaming ginagawa kaya hindi nya na nasusundo ang bunso niyang anak. Nakakainis na mga dahilan nya. Tapos gabi pa sya uuwi at sesermunan pa niya ako. Anong klase syang ama..

Hinabol ko ang huling bus na dadaan sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Doon ako inenrolled ni Mama at doon ay Dean of Law si Papa at member ng board of directors. Mataas ang katungkulan niya kaya paniguradong bantay sarado ako sa loob ng unibersidad. Mas lalo nya akong pinagdadamutan sa kalayaan ko.

At dahil transferee ako. Wala pa akong uniporme. May isang linggo akong palugit para makabili o magpatahi.
Noon nasa ibang bansa kami, hindi naman talaga ako binibigyan ng atensyon ni Papa. Kung makagawa ako ng kalokohan, ako lang din ang aayos non nang hindi nila nalalaman ni Mama. Tapos ngayon magpapakatatay sya ngayon nandito kami sa Pilipinas.

Huminto ang bus sa tapat ng eskwelahan. Patakbo akong bumaba at sumabay sa mga estudyanteng papasok sa unibersidad. Unang beses ko tumuntong sa eskwelahan na iyon. Para akong nasa late 1800's dahil sa restored architecture ng mga gusali. Ang sabi ni Mama, dito nag aral at nagtapos ang isa sa kilalang bayani sa bansa.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon