E l e v e n

4.3K 101 1
                                    





A week later.

Naglalakad ako patungo sa susunod na klase. Hindi pumasok si Sam ngayon kaya ako lang ang maglalakas-loob na umattend ng subjects namin. Hindi ko pa din nakikita si Zion. Kaya hindi ko alam kung sino nag makakasama ko ngayon.

"Feena!" nagulat ako nang makita si Sandro at tinatawag ang pangalan ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba habang naglalakad siya patungo sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Uh- Hi! Bakit mo ako tinatawag?" utal utal kong tanong. He dont usually call my name lalo pag nasa corridors lang kami . Madalas lang kami makapag usap pagkaharap ko siya at nirereview niya ako.

"Well, Summer has a fever kaya hindi siya nakapasok. Pinabibigay niya ito." Nagtaka ako sa bagay na inilabas niya mula sa dala niyang bag.Isang filler notebook ni Sam.

"She told me to give it to you. Baka daw hindi mo masundan ang mga topics so pinaabot niya ito." Natouch naman ako sa ginawa ni Sam para sa akin, para tuloy gusto ko siyang dalawin at makamusta.

Kinuha kop sa kamay ni Sandro ang notebook.

"If you wanna visit Summer after class, pupwede kang sumabay sa akin mamaya." Lumingon ako sa kaniya sa sinabi niya. Nabibingi na ba ako at kung ano ano na ang naririnig ko.

"Ha!"

"Basta kung sasama ka,pumunta kana lang ng office ko." Matapos niyang sabihin yon, nagmadali na siyang umalis. Naiwan ako sa kinatatayuan ko at napapaisip na bakit bigla siyang nag offer na isama ako. Tingin kaya niya na gaganda ang pakiramdam ni Sam pag dumalaw ako?

Umiling nalang ako habang nag iisip ng dahilan. Bakit ba kasi big deal yon?

Nagtungo ako sa classroom kung saan ako magkaklase. Isinilid ko na muna sa bag ko ang notebook ni Sam.

--

Dalawang oras na din ako sa klase ni Mam Alice. Inaantok ako sa klase niya dahil wala akong makakwentuhan. Mabuti nalang at natapos na siya bago pa niya ako mahuling natutulog sa gitna ng discussion niya.

Dumiretso ako sa College of Arts para sana alamin kung nasaan si Zion. Doon kasi sila nagpapractice ng mga kabanda niya kaya doon ko siya sisimulang ipagtanong.

"Feena!" para nanaman akong nataranta sa narinig. I thought it was Sandro again calling me. Pero paglingon ko its Val. Isa sa mga kaklase ko kay Sir Jared. Humahangos siya na para bang hinahabol niya ako.

"Wait Feena.. Ano kasi.. wala.. w-wala tayong klase.. mamaya kay.. Sir .. Sir Jared.." wika niya habang hinihingal at pinupunasan ang pawis niya.

"Bakit? Absent ba si Sir?" tumango si Val. Bigla kong naalala ang sinabi ni Sandro.Nagbago na ang isip ko na tumuloy pa para hanapin si Zion, naisip ko nalang na dalawin si Sam.

Nagtungo ako sa opisina ng Student Council para hanapin si Sandro, sa labas palang ng pinto nakita ko na agad si Allison.

Napansin ko ang hawak niyang kahon.

"Para saan yan Allison?"Lumingon siya sa akin at ngumiti nang makita ako.

"Pinaglilinis kami ni Sandro ng buong office kaya inilalabas namin itong mga gamit na hindi na kailangan." wika niya pagkalapag ng dala niya.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon