F o u r t e e n

3.8K 87 13
                                    








Binuksan ko ang pinto sa sala. Alas-otso na ako nakauwi galing sa eskwelahan. Medyo matamlay na din ang katawan ko at gusto ko nalang mahiga.

"Bakit ngayon ka lang?" nagulat ako sa nagsalita. Sumilip ako sa sala at nakita si Papa na nakaupo at hawak ang isang dyaryo. May suot siyang salamin at naamoy ko ang kapeng iniinom niya.

Binaba ko sandali ang gamit ko sa sofa at naghubad ng medyas. Nakatingin lang ako sa kaniya at sa mukha niyang walang emosyon.

"Galing po ako sa review namin ni Sandro." sagot ko at umiiwas ng tingin sa kaniya.

Pagtanggal ko ng medyas ay tumuloy ako sa kusina para uminom. Patuloy pa siya sa pagbabasa na parang hindi na niya ako nakikita.

"Make sure na maipapasa mo ang exams next week." Nagulat ako sa sinabi niya. Humigpit ang hawak ko sa baso. At dahan dahan ibinaba iyon sa lababo.

"Wag mong sayangin ang pagod ni Sandro. Kapag hindi mo ipinasa yon. Hindi kana mag aaral.." Hindi ko alam kung paano niya sinasabi ito sa anak niya. Wala ba siyang tiwala sa akin? Wala na ba?

Tahimik akong pumanik sa kwarto ko. At inihiga ko ang sarili sa kama. Nakatingin ako sa kisame. At pumikit.

Hindi ko ginusto ang mga ginawa ko noon nasa States kami. Nagawa ko lang ang mga bagay na yon dahil sa naniniwala ako noon na pag gumawa ako ng ayaw niya mapapansin niya ako. Pero mas lalo nang lumayo ang loob niya sa akin. At hanggang ngayon..

Ang hindi ko matanggap, ay ang malamig niyang pakikitungo sa amin lahat. Importante sa kaniya ay trabaho nalang. Trabaho kung saan siya magaling.

--

Umawang ang pinto at pumasok si Vlad dala ang ilan gamit niya sa loob ng kwarto nila Aly. Nakita niya ang asawa na nakahiga at nagbabasa ng libro. Bukas pa ang isang maliit na lampshade na nagbibigay liwanag para sa pagbabasa ng asawa.

"Dumating na si Feena?" tanong agad ng asawa nang makapasok siya. Tumango lang siya at naupo.

"Hindi mo pa siya kinausap?" tanong na muli ni Aly. Umiling ang asawa.

"I don't know how. Pakiramdam ko puro nalang masasakit na salita ang kaya kong bitawan sa kaniya." paliwanag ni Vlad. Binitawan ni Aly ang hawak na libro at niyakap ang asawa.

"Sooner, you'll gonna figure out how to talk to her. Saka anak mo yon. Ipaintindi mo sa kaniya bakit ganyan ka. At maayos ang relasyon ninyong dalawa." wika ni Aly habang nakasandal ang mukha sa likuran ng asawa.

"I hope so. Bago mahuli ang lahat." bumuntong hininga siya at nahagip ng mga mata niya ang isang picture frame sa ibabaw ng isang drawer. Nakita niya ang litrato nilang mag-ama.

--

Tumunog ang alarm clock at humudyat ang alas-sais. Nagising si Zion sa ingay ng katok sa pinto ng bahay nila. Sapilitan siyang bumangon sa kama habang magulo pa ang buhok niya.

Wala siyang ideya sa kung sino ang kakatok sa bahay niya ng ganitong oras. Alas-otso pa ang klase niya. At malabo naman mga kaibigan niya sa banda dahil pare pareho silang late na umuwi kagabi.

Nagsuot siya ng shorts na nakasampay sa upuan bago siya lumabas ng kwarto. At pasimpleng kinapa ang mukha niya kung may bakat ng laway ang pisngi niya.

Umulit ang pagkatok sa pinto niya. At nagtatakbo na siya para buksan ito.

"Goodmorning!" nagtaka siya sa bumungad sa pinto. Isang babae na balingkinitan ang katawan, maputi at mahaba ang mala kahoy nitong buhok. Maganda ang dala nitong shoulder bag at mukhang mayaman ang kaharap niya.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon