T w e n t y F i v e

3.8K 84 1
                                    




Feena's POV

Sinusubukan kong ayusin si Papa sa kalagayan niya. Kinuha ko ang bote na iniinom niya gayundin ang mga pinagkakalat niyang gamit. Nahihirapan akong nakikita siyang ganun. Kinuha ko ang phone ko at sinusubukan tawagan si Mama.

Nagriring lang. Maya maya may sumagot.

"Ma!" Sabi ko kaagad bago pa man siya magsalita.

"Nak, nasaan ka? Nasa bahay ka ba?" sunod sunod niyang tanong. Lumingon ako kay Papa na nakahiga sa kama.

"Ma. Bakit naman kayo umalis? Ano ba pinag-awayan niyo ni Papa?" hindi siya agad nagsalita.

"Your father was defending that bitch again. Nilalason nanaman ni Andrea ang utak ng tatay mo." Paliwanag niya. Who is Andrea?"Sumunod kana dito kina Tito Allen mo." sunod pa niya.

Lumingon ako muli kay Papa.

"I'll stay here Ma. I need to fix what ever you fought about. Ma, trust Papa kahit ngayon nalang. I trust Papa." may depensa sa pagsagot ko kay Mama.

"O sige Anak. Basta mag iingat ka." malungkot na wika ni Mama. Matapos kong tumawag sa kaniya. Sinilip kong muli si Papa sa kwarto niya.

"Papa!" nagtatakbo ako papunta sa kama nang makita ko siyang sumuka. Nataranta ako sa unang gagawin. Nadumihan na kasi ang bedsheet ng kama at ganundin si Papa na walang malay.
Humawak ako sa noo ko. Hindi ko alam ang dapat gawin, ngayon ko lang kasi naencounter si Papa ng ganito.

Bumaba ako ng kama at hinanap ang phone ko. Iniisip ko kung sino ang tatawagan. Si Sam? Sandro? Hindi ko namalayan napindot ko ang number 2 at nagspeed dial.

Bumangon kasi si Papa at nawalan ng balanse kaya't bumagsak siya. Nabitawan ko na ang phone ko.

--

Nagulat ako sa nag doorbell. Nakaidlip ako sa kusina. Nagluluto ako ng puwedeng makain ni Papa habang namamahinga siya. Tinanggal ko ang bedsheets sa kwarto nila Mama pero hindi ko pa naiaayos si Papa. Madumi pa ang suot niyang damit at hindi ko alam paano siya lilinisin.

Matamlay akong lumabas ng bahay. Pagbukas ko ng gate.

"Ikaw?" nagulat ako sa lalakeng nakatayo sa harapan ko. Its Zion!"Anong ginagawa mo dito!" mabilis kong tanong.

"You were calling? I thought it was an emergency kaya nagpunta agad ako." Lumingon ako sa wallclock namin na halos tanaw ko lang sa bintana. Its almost 11 in the evening. At talagang bumyahe pa siya ng ganitong oras.

Pinapasok ko siya. At nagcheck ako ng phone. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Zion was on my speed dial. Kaya siguro natawagan ko siya by accident. Binalikan ko siya ng tingin sa sala. Nakaupo lang siya.
Siguro si God na ang gumagawa ng paraan para magkaayos kami.

"May nangyari ba?" Nag aalala siya.

"My dad is drunk at hindi ko alam ang gagawin sa kaniya." Paliwanag ko. He chuckled at sumimangot ako.

"Hindi ka pa talaga pupwede mag boyfriend pag ganyan." biro niya.

Umawang ang mga labi ko na agad kong binawi.
Nasa mood pa din siya para mang asar.

"Nasaan si Sir Vlad?" tanong niya habang lumilibot ang mga mata. Nalungkot ako.

"He's upstairs." sumunod siya sa pagpanik sa kwarto. Nakabukas ang pinto at pumasok kaming dalawa. Tulog na tulog si Papa sa kama na wala pang bedsheet.

"What should we do?" Lipat ng tingin ko sa kaniya.

"Lets take Sir Vlad a bath. Mahihimasmasan siya non." nagulat ako. Hindi ko maimagine na paliliguan namin si Papa.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon