T w e n t y O n e

3.6K 82 7
                                    






Biyernes.

Nakatayo si Alicia at kaharap ang kalan na may nakasalang na kaserola. Tuliro ang isip niya, hindi pa niya binabanggit kay Vladimir ang planong pakikipagkita kay Zach. Alam niyang hindi ito papayag pero ayon lang ang tanging solusyon naiisip niya para maayos na ang lahat. Ito din naman ang gusto ni Drake.

"Ma?" nagulat siya ng tawagin ng panganay na anak. Agad siyang nagpunas ng mga kamay at humarap kay Feena.

"Bakit?" nakangiti niyang tanong dito. Pagkakita niya kay Feena ay bihis na ito para pumasok. Naghihintay nalang pala ito sa ipapabaon niya.

Sandali siyang tinitigan ng anak. Kinakabahan siya na baka may mapansin itong mali sa kaniya.

"Bakit?" tanong niya muli dito. Umiling si Feena.

"Wala lang Ma. Papasok na ako." kinuha niya ang isang tupperware sa gilid ni Alicia na may laman baon nilang mag-aama. Matapos non ay humalik lang siya dito bago umalis. Nakahinga ng maluwag si Alicia. Kung paano kasi siya tignan ng anak ay ganun tumitig ang ama nito.

Bumalik siya sa ginagawa. May usapan sila ni Zach na magkikita sa isang restaurant pagsapit ng dapit hapon. Hindi pa niya alam paano ito haharapin pero para sa anak niya at kay Zion na maayos humarap sa kaniya. Aayusin na niya ang anuman samaan ng loob mayroon kay Zach.

--

Naglalakad si Sandro habang dala ang ilan folders na ipapasa niya sa Registrar ng University. Maaga siyang pumasok para dito at medyo inaantok pa siya. Hindi tuloy niya maiwasan maghikab habang naglalakad sa hallway.

"Sandro!" nagulat siya ng marinig ang pangalan niya. Huminto siya sa paglalakad at nakita si Zion na nakatayo sa harap niya. Nagtaka siya bigla sa pakay nito. Wala si Feena at hindi nito kasama.

"Bakit?" tanong niya dito.

"Gusto lang kita makausap." Pakiramdam niya ay hindi tungkol kay Feena ang gusto nito pag usapan.

"Sige. Saan ba tayo mag uusap?" ngumiti si Zion nang sumang ayon ito. Nagyaya siya sa isang malapit na fastfood.


--


Sabay silang naupo sa magkabilang bahagi ng mesa. Binaba ni Zion ang hawak na tray na may laman burgers at drinks.

"Ano nga pala yon gusto mo pag usapan?" agad na tanong ni Sandro dito. Kinuha ni Zion ang isang burger at tinanggal ang nakabalot na papel dito. Nilamukot niya ang papel at itinabi sa labas ng tray.

"Alam ko na nagpapatulong si Feena sayo sa paghahanap kay Zach." nagulat siya sa narinig.

"How did you-

"I am his son." kitang kita sa mukha ni Sandro ang pagkagulat at pagkalito. Hindi siya agad makapagsalita sa nalaman.

"How? I mean! Bakit hindi mo agad sinabi kay Feena! She's desperate finding this Zach whoever is!" sunod sunod na sinabi ni Sandro.

Bumuntong hininga si Zion.

"I am trying. Lately ko lang nalaman na si Papa at yun hinahanap ni Feena ay iisa. Balak ko na sabihin kaya lang.. " Huminto siya sa pagsasalita. Napansin ni Sandro ang takot ni Zion, alam kasi niyang may tendency na masira ang pagkakaibigan ng dalawa. Dahil naglihim siya.

"Kailan mo balak sabihin?" seryoso niyang wika.

"Sooner."

"How soon is that?" Sunod pa ni Sandro.

"Today." nagulat siya.

--

Feena's POV

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon