T h r e e

6.7K 142 3
                                    






Nakaabot kami sa klase kay Sir Antonio. Tumagal din ng tatlong oras ang discussion niya. At para ng isang araw ang lumipas. Nagdecide kaming kumain sa labas ng campus dahil may dalawang oras kaming vacant.

"You know what? Hindi ako makapaniwala na ibang iba ang ugali mo sa Kuya mo?" wika ko habang sabay kaming naglalakad sa hallway. Hawak ko sa kamay ko ang isang burger na galing sa fast food kung saan kami kumain.

"Me too. Pero hindi na ako magtataka. Mom said na ganoon din ugali ni Dad nung binata pa daw eh. Suplado. Akala mo sya na matalino, kaya kayanin niya ibang tao." Sumimangot ako.

"So minana nya ganun?" tumango si Sam. Still not a valid reason. Kapatid nya ang minamata mata nya at hindi basta ibang tao.

"Yeah. I think so.. Ganun na si Kuya eversince. I don't know if magbabago pa sya." wika niya, malungkot sya. Siguro umaasa si Sam that one day her brother will change. As if naman..

"He keeps on saying na dapat makinig ako sa kanya because he knows what's best for me." she continued.

"Who the hell is he to control your life!" galit kong sigaw.

"I am Sandro Alejo, the brother of who you're talking to.." halos mabulunan ako sa kinakain ko dahil sa bigla niyang pagsulpot sa harapan namin ni Sam.

"Kuya!" humarap agad si Sam and she step in front of me.

"I told you to stay away from that spoiled brat." he said kasabay ang matigas niyang mukha. I'm trying to control my temper but this guy won't let me.

"Kuya naman.. Feena is nice. And she's not what you think." pagtatanggol ni Sam sa akin.

"Sinusuway mo na ako ngayon?" pagtaas ng tono niya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Kapag hindi ako gumawa ng hakbang to get off the momentum. Makakarating ito sa itaas.

"Kuya. Please.." pakiusap ni Sam. Pero hinawakan siya ng kakambal sa braso and he pulled off to him.

"Hey! Nasasaktan sya!" pagpigil ko at hinatak si Sam pabalik sa akin.

"I am his brother. Wag kang makealam!" he glares at me.

"Well! I'm her friend! And I'm not letting you hurt her!!" I pulled Sam hanggang sa makawala siya sa kapatid. Then nilabas ko sa isang kamay ko ang hawak kong softdrinks at ibinuhos sa kaniya.

"Shit!" he shouted.

Natawa ako sa reaksyon nya.

"Yan ang bagay sayo. Getting a wash! Para lumamig yan ulo mo!" I continued as I laughed at him.

Hindi ako tumigil sa pagtawa. I enjoyed watching him taking a bath from the cola na ibinuhos ko sa kanya.

"Lets go Feena.." hindi ko naririnig ang sinasabi ni Sam. Patuloy ako sa pagtawa sa kakambal niya.

"Wait lang." pagpigil ko kay Sam at inilabas ko ang phone ko from my pocket. Itinapat ko sa kapatid niyang nagkukumahos na punasan ang sarili niya. And took a picture.

"What the fuck are you doing!" Galit na sigaw ni Sandro at nilapitan ako para kunin ang phone ko.

"Hey!" sigaw ko sa mukha nya. Pilit niyang inaagaw ang phone ko. I stepped backward to avoid him..

"Ah!"

Napasigaw ako ng madulas ako dahil sa natapon softdrinks. We slipped down together. At halos napahiga ako sa ibabaw niya habang pilit pa din niyang inaagaw ang phone ko.

"ALEJO! GONZALES!!" natigilan kaming dalawa nang tawagin ang mga apelyido namin. And by that time, I know were in big trouble.. on my second day ..

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon