T w e n t y T h r e e

3.5K 73 6
                                    






Feena's POV

Naglalakad kami nina Sandro, Sam at Blake patungo sa isang condominium. At dahil pag aari halos ng mga Alejo ang pinakamalalaking condo sa bansa, coincidence na may condo unit ang tatay ni Zion na pag aari ng mga Alejo.

Malayo palang ay nakikita ko na si Zion na nakatayo sa harapan ng gusali. Panay siyang tingin sa wrist watch na madalas niyang suot at para hindi mapakali.

"You ready?" bulong ni Sandro na nauuna naglalakad sa harapan ko. Dahan dahan akong tumango na parang hindi sigurado. After everything happened. Parang ang awkward ng pakiramdam na lumapit sa kaniya.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Sandro?" bigla ko nasambit. Humigpit ang hawak niya sa akin.

"Nandito kami. Don't worry." hindi niya ako binitawan hanggang sa makalapit kami kay Zion. Nagulat siya ng makita kami. Yumakap sa kaniya sina Blake at Sam. Alam na kasi nila ang  gulo na nangyari at alam kong hindi lang ako ang apektado dito. Si Zion din na naiipit.

"My father's waiting. Lets go." yaya niya sa amin na walang ng paligoy ligoy. Nasa 25th floor ang condo unit ni Mr. Zacharias. At mula sa pagsakay ng elevator ay walang nagsasalita sa amin. Tinginan lang at senyasan.

I missed Zion.

Ayon ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Siya kasi ang madalas na umiintindi sa akin noon kapag nagagalit ako kay Papa. Gusto ko siya intindihin ngayon at tulad ng sinabi ni Mama, mabuting tao si Zion. Alam ko yon.

Bumukas ang elevator. Naunang lumabas si Zion at sumunod kami sa kaniya. Napapagitnaan ako nina Blake at Sam habang si Sandro ang nauunang maglakad kasabay ni Zion.

"Here we are." he said nang huminto sa isang pinto. Sinimulan na akong kabahan. Binuksan niya ang pinto at bumulaga sa amin ang isang kwarto, ito siguro ang sala at may maliit na kusina sa kanan bahagi. Pumasok kaming magkakaibigan sa loob.

Nakarinig ako ng ingay sa kusina gawa ng mga plato. Tumakbo agad si Zion papunta doon.

"Papa naman. Ako na kako diyan. May mga bisita ka." Narinig kong sinabi niya.

"Mga bisita mo din sila. I should make them feel at home." wika ng lalakeng nagngangalang Zach. Lumabas ito sa kusina, may edad na siya siguro ay hindi tatanda sa edad ni Mama. May band aid siya sa mukha na mukhang si Papa ang nakatama.

Kamukhang kamukha niya si Zion pero hindi ang maamong mukha nito. Siguro mula sa mata at ilong ay sa kaniya at kahalati ay sa Mama ni Zion. Ngumiti siya nang makita kami.

"Kayo pala ang mga kaibigan ng anak ko." wika niya.

"Hi po. Ako po si Summer and this is my twin brother Sandro." galak na pagpapakilala ni Sam. They exchanged hands.

"I'm Blake Evannes, Sir." sunod nitong sinabi at saka siya lumipat ng tingin sa akin.

"You don't have to introduce yourself iha. Sa mukha mo palang, alam ko na anak ka ni Aly." wika niya. The way he talked ay parang hindi siya ang tipo ng tao na dapat kamuhian. Is Papa overreacting lang?

He offered us seats, habang si Zion abala na sa pag aasikaso ng makakain namin.

"So what do you wanna know?" Panimula niya. Lumingon sa akin sina Sandro. I should speak. Kanina pa kasi ako tahimik. Huminga ako ng malalim.

"I wanna know why Papa hates you that much."sinabi ko kaagad ang gusto ko. He was surprised.

"Its a very long story." wika niya. "Pero the only reason why your father hates me ay dahil sa tatay ko who was the root of all this." paliwanag niya."I once said to myself na hindi ako tutulad sa tatay ko but it turns out I become a demon I shouldn't be." nagulat ako sa sinabi niya. Lumungkot ang mga mata niya.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon