T w e n t y F o u r

3.6K 92 6
                                    

Special Chapter: .





12 years ago,

Nakasunod ang batang si Feena sa kaniyang ama habang bitbit nito ang bagpack niya. Unang araw niya sa klase.

"Papa. Ayoko po pumasok." pagmamakaawa ng bata sa ama niya..Mahigpit itong nakakapit sa damit niya. Sa mukha ng bata ay ano man oras ay iiyak na ito.

Bagong lipat sina Vladimir at pamilya nila sa syudad ng Greenville parte ng Los,Angeles. Dito ay pareho na silang citizen ng asawa ganundin ng anak. At dahil bagong lipat sa eskwelahan ang anak wala siyang choice kundi samahan ito sa unang araw ng klase.

"Nak, I have work. You need to go alone." pakiusap ni Vladimir sa anak. Lalong kumapit ito sa kaniya at hindi na bumitaw. Bumuntong hininga siya.

Lumapit ang isang babaeng guro sa kanila.

"Is that your daughter? Classes are already starting." wika nito sa kaniya.

"Yes. I just need to talk to her." ngumiti ang babae at iniwan sila. Naupo sandali si Vladimir at kinausap ang anak.

"Nak, listen to Papa. You need to go to your class. Don't worry ako magsusundo sayo mamaya." malumanay niyang sinabi. Umiling ang bata at pinagpipilitan ang gusto niya.

"You will stay Papa!" sigaw nito. Natawa si Vladimir. Tumango tango siya. Kahit anong pakiusap niya dito ay talagang matigas ang ulo ng bata. Ayaw nitong magpaiwan.

Sabay silang nagtungo sa designated classroom ng bata.

"Oh, hi! I'm so happy she finally decided to attend classes." Wika ng homeroom teacher nito.

"Yeah but, she'll attend if I'll stay. She's still coping up and I really need to supervised her." paliwanag nito sa dayuhan  guro. Ngumiti ito.

"Its fine. I understand. You can sit at the back of the room." nagalak si Vladimir sa narinig. Eventhough pinagtitinginan sila ng mga bata hawak pa din niya ang anak at hinatid ito sa mauupuan habang siya ay nagtungo sa likuran para doon maupo.

Binabalikan siya ng tingin ng bata. Tinatanguan niya ito na makinig na sa klase. Inoff niya ang phone, alam kasi niyang tatawag ng tatawag ang mga kliyenteng kikitain niya ngayon araw na ito and for sure abot abot ang sermon na matatanggap niya sa trabaho kinabukasan. Hindi naman din niya maiwan ang anak. Feena matters the most.

Buong araw siyang nanonood sa anak habang nag aaral ito. Feena had new friends on her first day at natutuwa siya sa pinapakita ng bata.

"Papa, you'll come again tomorrow right?" nagulat siya sa sinabi ng anak habang sabay silang naglalakad palabas ng eskwelahan. Hawak niya ito sa kamay at bitbit niya ang gamit nito.

"I'm sorry, Papa can't stay tomorrow. I have work and if I got fired, hindi tayo makakapag amusement park." nalungkot si Feena sa narinig.

"Its okay Papa. Basta susunduin niyo po ako." ngumiti ang ama. Binuhat niya ito at yumakap sa leeg ni Vladimir.

Habang lumalaki si Feena, Vladimir is the one who stays most of the time. Si Alicia ay may trabaho at kadalasan gabi na umuuwi habang siya ay nagtatrabaho sa isang business firm.
At dahil palaging gusto ng bata na manatili siya sa eskwelahan sa tuwing pumapasok ito. Madalas siyang nasesesante sa trabaho.

"Mag aapply ako as a college professor bukas." wika niya sa asawa. Nakaupo siya at kaharap ang isang dyaryo kung saan siya naghahanap ng trabaho. Habang ang bata ay nasa kwarto nito at natutulog.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon