S p e c i a l C h a p t e r

4.4K 98 1
                                    




PART 1

10 years ago,

"Ililipat na naman natin sila ng eskwelahan?" galit na tanong ni Zander sa asawa. Ilan beses na kasing nagpalipat lipat ng school ang kambal, at ang tanging dahilan ay ang pambubully ng mga bata sa anak nilang lalake.

"Please, huwag kana magalit, kung hahayaan nanaman natin siyang mabully sa eskwelahan niya ngayon. Baka naman sabihin ng iba na pinababayan natin siya." nag aalala paliwanag ni Sam.

"Sandro should know how to fight back. Hindi yon ganyan." inis na sinabi niya.

"Please Zander."

"Hindi tayo nagsasayang ng pera para sa pagpapaaral sa kanila. He should know how to defend himself!" galit niyang sigaw.

Hindi nila alam na nakasilip ang batang si Sandro at nakikinig sa pagtatalo ng mga magulang niya.

Tumakbo siya paakyat sa kwarto habang umiiyak. Isinarado niya agad ang pinto at nagkulong. Inaamin niya mahina siya. Hinahayaan niya na saktan at apihin siya ng ibang bata kahit na may kakayahan siyang lumaban.

Akala niya tama ang hindi lumaban, at manahimik nalang. Pero hindi niya alam na nagiging malaking problema na siya sa mga magulang. Minsan nagtatanong niya sa sarili, kung bakit kailangan siyang saktan ng iba.

"Sorry Mama.." wika niya at pumasok sa bathroom dala ang isang razor blade. Naupo siya sa ibabaw ng bath tub.

"I'm sorry for being your weakest son.." he cried. Nanginginig siya habang hawak ito at dahan dahan inilalapit sa pulso nya.

One scratch and it may end his life.

"Sorry po.." wika niya at dahan dahan umagos ang dugo mula sa kamay niya. Nabitawan niya ang blade at nanghina siya. Hinawakan niyang mabuti ang braso niya.

He panicked. At nabangga niya ang lalagyan ng shampoo at soap sa tabi ng bath tub. Bumagsak ito at nagdulot ng ingay.

"Kuya!" narinig niyang sigaw ng kakambal. Nanlabo ang paningin niya. Hindi niya alam kung tatawagin pa niya ang kapatid o tatahimik nalang siya at aabutan nalang siya nitong malamig na bangkay.

He closed his eyes. And saw something in mind.

"Mama!" sigaw niya bigla ng makita ang ina sa diwa niya. Pero bago pa man nya maulit ang pagtawag sa ina, nawalan na siya ng malay.

"Kuya Sandro?" sigaw na muli ni Sam at binuksan ang pinto ng bathroom.

"Aaaah!!" napasigaw siya ng makita ang kapatid na nakahandusay at walang malay sa sahig. Patuloy na umaagos ang dugo sa pulso niya. Walang tigil.

"Mommy!! Daddy!" sigaw ni Summer. Naghadaling umakyat ang mag-asawa sa kwarto ng anak at nakita ang ginawa nito.

"Sandro!" sigaw ni Zander at agad humablot ng towel sa drawers ng kwarto. Binalot niya ang dumudugong braso ng anak. Hinigpitan niya ang pagkakatali para maisarado at hindi na umabot sa pag agos ng mapula nitong dugo.

Mabilis na tumawag si Sam sa ambulansiya ng ospital.

"Sandro! Wake up!" sigaw ni Zander habang buhat ang anak. Itinaas niya ang braso nito na apektado ng pagkakahiwa sa ibabaw ng ulo ng anak.

Mabilis silang bumaba at nagtawag ng driver para ihatid sila sa Divine Heart.

"Mommy!" iyak ni Summer habang nakayakap sa ina. She almost saw her brother dying..

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon