E i g h t

4.8K 112 13
                                    




Nanatili akong tahimik sa klase. Katabi ko si Sam sa upuan at para bang wala sa ginagawa namin ang atensyon ko.

"Kanina ka pa ganyan?" bulong ni Sam sa akin. Lumingon ako sa kaniya. Napansin nga naman niya. Obvious na obvious ako.

"Wala." wika ko at umiwas ng tingin. Kunwari nagsusulat ako kahit wala naman.

"Nako. I felt the same nang mainlove ako kay Blake." nagulat ako.

"Totoo!!" Huminto sa pagsasalita ang professor namin at nakatingin sa amin lahat ng estudyante.

"Ms. Gonzales?" umiling iling ako.

"Sorry po Mam." Yumuko ako habang hiyang hiya.

"Nako Feena. You're hiding something. Ano yon? Do you have crush on Zion?" hindi ako makatanggi. Siguro nga crush iyon.

"Siguro?" bigla akong kinurot ni Sam sa mukha.

"Aray naman." halatang kinikilig siya at hindi niya mapigilan saktan ako.

"So tama ang hinala ko. Why Zion?" she asked excitedly.

Tumingin ako sa kisame animo nag iisip ng dapat na idahilan.

"Zion is.. caring.." matipid kong sagot. Hindi ko alam paano ko idedescribe. I just felt it.

Tinapik ako ni Sam sa balikat.

"I'm happy for the both of you." nakangiti niyang wika. Natawa ako. She's smiling na parang naiinis dahil I found crush on someone at siya wala pa din.

Tumagal ng halos apat na oras ang klase kay Ms. Gomez. Nabangga niya ang lunchbreak kaya naisipan nalang ni Sam na bumili ng kakainin namin.
Habang ako nag paiwan nalang sa classroom.

--

Naglalakad si Sam sa hallway patungo sa canteen. Natapos ang klase nila at nabangga nito ang lunchbreak nila. Wala siyang choice kundi bumili ng kakainin sa canteen at sa class room nalang sila kumain ni Feena.

"Ano ba yon bibilhin ko? Burger saka iced tea?" she asked herself habang naglalakad at nakatingala sa kisame.

"Blake, galing niyo sa practice game! Panalo na tayo niyan!" nagulat si Sam sa narinig. Bigla siyang nataranta at hindi alam kung saan tatakbo at dadaan. She almost saw Blake at mga kasama nito na patungo sa kaniya.

"Where should I hide!" inis niyang tanong sa sarili.

Nakita niya ang daan patungo sa cr. Nagkakaripas siya ng takbo papunta doon.

"Ah!" naagaw ng atensiyon ng lahat ang pagsigaw ng babae. Natapon ang hawak niyang iced tea at bumuhos ito sa damit ni Sam.

"Ano ba! Such a clumsy brat!" galit na sigaw sa kaniya ng babae. Sam almost got wet dahil sa pagbuhos ng juice sa kaniya. Hindi niya alam ang gagawin, pinagtitinginan siya ng lahat.

"Blake what are you doing?" tanong ng isang binata sa kaibigan. Hinubad ni Blake ang suot niyang jersey jacket saka lumapit kay Sam.

"Here. Wear this." he said pagkalapit dito. Nagulat si Sam. Pero agad siyang yumuko at hindi tinignan sa mga mata ang binata. Ayaw niyang maalala siya nito at ang kahihiyan na ginawa niya.

"S-Salamat." wika lang niya at tinanggap ang jacket.

"Ibabalik ko nalang to." patuloy niya.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon