F i v e

5.7K 127 4
                                    







Alas-nuwebe na ako nakauwi ng bahay. Hinatid ako ng sundo ni Sam kaya panatag si Mama na ginabi ako sa pag-uwi.

Pagbukas ko ng pinto sa sala. Nagulat ako sa nakita. I saw Papa reading a book habang nakadekwatro. Hindi ko siya pinansin at diretso ako nagtungo sa hagdan.

"How was tutoring with Sandro?" tumigil ako sa pag aakma na humakbang.

"Okay naman po." sagot ko.

"Good. Make sure na makikinig ka sa kanya so you won't mess up again." nagpipigil ako ng inis. Inilalabas ko nalang mula sa kabilang tainga ang mga naririnig ko.

Matapos niyang sabihin iyon ay nagtungo na ako sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at ipinahinga ko ang isipan ko. Paulit ulit na nagfaflashback sa utak ko ang mga sinabi ni Papa.

Kinuha ko ang isang unan at itinakip sa mukha ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

--

At dahil Huwebes na. Ito na ang pinaka ayaw kong araw. May major subject ako na hawak ni Papa. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko once nasa klase na niya ako. Kahit pa na kasama ko si Sam, natatakot pa din ako.

"You look pale? May sakit ka?" asked Sam worried. Umiling ako.

"Wala no." sagot ko.

"O, kape muna tayo!" alok ni Zion sa dalawang kape na binili niya. Tinanggap namin ni Sam ang libre niyang kape. Maaga ang klase namin kay Papa. Habang si Zion may klase naman sa isang subject na kasabay ng sa amin.

"Alam ko kung bakit matamlay ka, kasi mamaya professor natin ang Papa mo." bumuntong hininga ako. Pinaalala pa ni Sam. Nakakainis.

Halos masamid sa iniinom si Zion sa narinig.

"Wait, sino ang tatay niya?" Nakalimutan namin banggitin sa kanya na tatay ko ang Dean of Law.

"Si Sir Vladimir, tatay nya yon." wika ni Sam. Halatang nagulat si Zion.

"Naging professor mo na ba si Papa?" tumango siya.

"Yeah no'n freshman ako. Oo tulad ng sabi ng lahat, nakakatakot talaga sya. Akala ko nga babagsak ako. Buti nalang hindi. I survived his subject with 1.5 na grade." Namangha kami ni Sam. Sa pagkakaalam ko, hindi pa ako nakakakuha ng ganoon grade during college years.

"Matalino ka pala!" Sam said amused. Feeling ko hindi pa din nakakakuha si Sam ng ganoon grade. Were a tie.

"Hindi ako matalino. Sakto lang. Ang susi lang para makapasa kay Sir Vlad ay makinig." sabay na kumulubot ang mukha namin ni Sam.

"Wow ha. Makinig lang. Ganyan lagi ko ginagawa, hindi naman ako nakakakuha ng grade na 1.5 ." Inis na sinabi ni Sam. Natawa si Zion.

"Magaling magturo si Sir Vlad. Sa katunayan isa sya sa mga paborito ko dito." Hindi na ako umimik sa sinabi niya. Sa totoo lang, unang beses ko na makikita si Papa paano magturo.

Kalahating oras bago magsimula ang klase namin. Lumabas ako para magbanyo. Si Sam naman nagreserve na ng mauupuan namin dalawa.

"Feena? Is that you?" Nagulat ako sa tumambad sa harapan ko. Isang lalake na may edad na. Siguro nasa edad siya ni Papa. May dala siyang mga libro at tingin ko nagtuturo din siya dito.

"Ako po?" ulit ko. Tumango tango siya. At sinalubong ako ng yakap.

"Hindi mo na ako maalala! Ninong mo ako!" lalo akong nagulat sa sinabi niya. Ngayon naman ninong ko siya.

"Sorry po. Kababalik lang po kasi namin dito." pag rason ko.

"Its fine. I'm your Ninong Aries. Kaibigan ko ang Papa mo." masaya niyang wika. Pamilyar ang pangalan niya, parang nababanggit sa akin noon ni Mama.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon