S e v e n

5.3K 96 4
                                    


Dinig na dinig ko sa kinauupuan namin ang ingay ng mga nagsisigawan sa mga band performances. Katatapos lang tumugtog nina Zion at nagyaya siyang kumain kami.

"At dahil nanood kayo, libre ko." he said at nilapag sa mesa ang tatlong order ng burgers at tacos. May isang malaking tower para sa drinks namin.

"Wow. Lets eat." wika ni Sam. Tahimik kong pinagmamasdan si Zion.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya at umiling iling ako.

"Wala ha." Tinawanan niya ako.

"Kanina ka pa ganyan? Something wrong?" nagulat ako. He noticed?

"She keeps asking who was the lady your talking about? Yun sabi mo na-love at first sight ka?" pag singit ni Sam. Namula ako.

"Bibig mo. Konting preno." pagsita ko kay Sam.

"Really Feena?" ngumisi ako.

"Hindi no. Naniwala ka naman diyan kay Sam." biro ko pero totoo na kinukulit ko si Sam.

"Well, I had this lady on my sight. She really captured me." nagulat kami ni Sam. So there is someone nga.

"So who is she!" pangungulit ni Sam.

"Nako. Wag muna kayong excited. Sooner masasabi ko din sa inyo pero huwag muna ngayon. Hindi ko pa alam kung simpleng crush lang yun nararamdaman ko." bumuntong hininga ako.

"Sayang naman. I do love hearing love stories of my friends." kinikilig na sinabi ni Sam.

"Wow ha. Mag boyfriend ka kaya muna?" balik ko sa kaniya.

"Nako. Did you see how Daddy reacts nang makita si Zion? Kaya nga walang mag attempt na ligawan ako dahil kay Daddy." nakasimangot niyang sinabi.

"Mayroon naman siguro. Naghihintay lang ng tamang tiyempo." Lumingon kami kay Zion. At napaisip.

"Kaming mga lalake hindi lang sunggab ng sunggab. Karamihan sa amin. Pinag iisipan muna ang mga bawat hakbang. Lalo kung ganoon tulad ni Dr. Alejo ang tatay or mala Sir Vlad." May katwiran si Zion. Lalo tuloy napanghinaan si Sam. Para kasi wala naman siyang kilala na malakas ang loob at handang harapin ang tatay niya.

--

Pagkatapos namin kumain, nanood pa kami ng huling banda na tumugtog. Halos inabot kami ng umaga. Si Sam umuwi kasama ng kakambal niya habang ako sinamahan ni Zion pauwi. Hindi na din siya sumabay sa mga kabanda niya.

"Salamat ha." wika ko habang naglalakad kami patungo sa sakayan ng jeep. Wala na kasing masasakyan bus ng ala-una ng umaga.

"No worries." sagot niya. Sandali kaming natahimik pareho. Bigla kasi naging awkward ang paligid.

"Uh?" he just said habang kumakamot siya sa batok niya. Hindi siguro niya alam kung paano kami magsisimula ng topic na pupwede pag usapan habang naghihintay.

"Ah? Busy ka bukas? I mean mamaya. Tanghali? Hapon?" nagulat ako sa panimula niya.

"Ha! Mamaya? Umm.. Bahay lang siguro.?" sagot ko. Matagal siya bago muling nagsalita. Ilan jeep na din ang napalagpas namin dahil walang dumadaan na ruta papunta sa amin.

"Ah, if ano.. di nakaka istorbo? Ano.. We can.. We can.. If you want —

Natigilan siya ng umihip ang hangin. Nangilabot ako sa biglang pag daan ng lamig. Mabilis niyang hinubad ang jacket niyang itim at ibinalot sa akin.

"Paano ka?" tanong ko kaagad.

"I'm fine." wika lang niya. Then awkward silence ulit.

"Yun palang sinasabi mo?" bigla ko kasing naalala yun utal utal niyang sinasabi kanina.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon