T e n

4.6K 111 8
                                    





Naka kibit balikat ako habang pababa ng hagdan. Suot ko ang isang pares ng shorts at tshirt pambahay.

Sabay silang tumingin sa akin.

"Ano'ng ginagawa ninyo dito!" sigaw ko sa kanila. Alam nilang walang pasok saka pa sila nagpunta dito.

Naunang nagsalita si Zion.

"Napasyal lang ako. Sabi mo kapag free time pwede ako pumasyal." tumango ako. Naalala ko na nabanggit ko nga iyon. Lumipat ang tingin ko kay Sandro na tahimik.

"Eh ikaw naman?" pagtataray ko sa kaniya. Hindi siya agad nagsalita.

"I just.. Um– .. Want to know if you're okay.." wika niya. Bumuntong hininga ako.

"Okay. So after nito aalis na kayo. Gusto ko muna magpahinga. Ikaw Zion? Ano'ng gusto mo?"

"Wala. Ah, pwede makikain dito ng lunch?" nakatawa niyang biro. Napatango tango nalang ako.

"Aalis na din ako after this. I just wanna know kung okay ka. At mukhang okay kana man." sabi ni Sandro at inubos ang iinom na juice. Tumayo siya. At hinarap ako.

"Thank you." wika niya at tumuloy na lumabas. Hindi na ako nagsalita at nawala na siya agad. Nilingon ako ni Zion.

"What was that?" May inis sa pagtatanong niya.

"What? May ginawa ba ako?" pagsusungit ko.

"Feena, he's nice. Being rude to him like that is not what I know about you." nagulat ako sa sinabi ni Zion. Para tuloy akong naguilty sa ginawa ko.

"Apologize to him tomorrow." utos niya.

"And who are you to say that." sa kaniya ko naibaling ang inis ko.

"I am Zion your conscience." natawa ako sa sinabi niya. I guess naging masungit nga ako kanina. Sandro is just being nice the way he could. Hindi ko lang siguro talaga ma appreciate iyon.

--

Naglalakad si Sam patungo sa opisina ng Mama niya. May dala siyang isang bucket ng ice cream na pagsasaluhan nila. Wala pa ang kakambal niya kaya nauna na siyang pumunta sa ospital.

"Salamat dito! You don't have to." narinig niyang sinabi ng Ninong niya na si Jasper. Sumilip siya sa pasilyo at nakita ang Doktor na may kausap na isang babae. May dala itong bulaklak. At ilan pagkain.

"Nako, Jela its almost a decade simula ng mamatay si Ralph, at walang taon na dadaan ka dito at magpapasalamat sa akin." narinig niyang sinabi ni Jasper.

"You're his Doctor.. Kaya hindi ko iyon makakalimutan." wika ni Angela.

"Kasama mo ba ang pamangkin mo?" tumango si Angela.

"Yes. Nandiyan lang si Blake. I guess nag cr." Nagulat si Sam sa narinig at nagsimula siyang mataranta.

"Nandito si Blake!" she said to herself at tinakpan ang bibig niya.

"Saan ako magtatago!" Wika niya habang palingon lingon sa paligid. Umatras siya.

"Hey!" wika ng nabunggo niya mula sa likuran. Dahan dahan siyang umikot at sinilayan ang mukha ng binata.

"Ah!" nagulat din ang mukha ng binata nang makita niya si Sam. Its Blake..

"Ah! Sorry!" wika ni Sam at akmang tatakbo pero pinigilan siya ni Blake. Hinawakan siya nito sa braso.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon